Nanghihina akong napapaiyak habang nakaupo sa gilid ng kama. Ang isiping 'di pa rin makakauwi ang nobyo ko, halos panghinaan na ako ng loob. Akala ko pa naman isang buwan lang ang titiisin ko. Nang biglang bumukas ang pinto. Kaagad ko namang pinunasan ang luha sa mga mata ko. Si Nanay Len. Malungkot itong nakatitig sa akin. "Pinapatawag ka ni Donya Elisha. May mahalaga raw siyang sasabihin sa'yo." Biglang kumabog ang dibdib ko. Dumaloy na naman ang matinding takot sa buong katawan ko. Ilang araw din akong hindi nakatikim ng pananakit ng dalawang kambal. "S-sige po.." At saka tumayo. Hinawakan nito ang braso ko. "Sabihin mo sa akin kapag sinaktan ka ulit. Dahil hindi ako mangingiming umalis sa pamamahay na ito para mailayo ka sa kanila." Nangilid ang luha sa mga mata ko. Bigla ko

