"Who are you?" Muntik na akong mapaigtad sa pagkagulat. Dahil sa nagkakagandahang bulaklak, hindi ko namalayang may tao na pala sa likuran ko. Mabilis akong napapihit paharap. Bigla akong napalunok ng makita ang magandang babae ngunit nakataas ang kanang kilay. Naka-krus pa ang mga braso nito. Biglang kinabog ang dibdib ko sa kaba. "I'm asking you?" Umigkas ang kilay nito na naging dahilan ng panginginig ng kamay ko. Kasalukuyan kasi akong nagdidilig noon ng halaman. Isang linggo na rin ako rito sa mansion. At naging magaan naman ang mga araw na lumipas. Hindi ko lang masabi ngayong may kaharap akong magandang babae ngunit hindi ko maintindihan ang sinasabi. "A-ano po iyon ma'am?" kandautal na tanong ko. Pakiramdam ko, biglang pinagpawisan ang noo ko. Napalunok ako ng kumunot a

