Nagtaka ako ng titigan ako ni Nanay Len. Nasa kuwarto kami ng mga oras na iyon. "Hija, 'wag mong sasabihin kahit kanino sa kanila kung saan ka kinuha ni Donya Elisha." Gulat akong napakurap sa harapan nito. Ibig sabihin alam nito kung saan ako nanggaling? Akmang magsasalita ako ng tumango ito. "Sinabi niya sa akin ang lahat. Kaya nga, sa akin ka ipinagkatiwala. Basta 'wag mong sasabihin sa kanila. Mas mabuti na iyon para hindi sila mag-isip ng kung ano-ano sa iyo." Bigla akong napayuko. Uminit ang gilid ng mga mata ko. Nakaramdam na naman ako ng sama ng loob sa mga nakilala kong mga magulang. "S-salamat po," garalgal na wika ko. Hinawakan nito ang kamay ko. Napatingala naman ako rito. "Wala kang dapat ipagpasalamat sa akin. Basta maging mabuti ka lang dito, mapapa-ayos ang buhay mo

