Napa-awang ang labi ko ng buksan nito ang isang maliit na box. Isang kuwentas na sobrang kinang! Bigla akong napalunok. "S-sandali.." Pagpipigil ko ng akmang isusuot nito sa leeg ko. Nagtatanong naman ang mga mata nito. "Bakit mo ako binilhan ng ganiyan? At saka bakit ang dami nito? Sa akin ba talaga lahat ito? Ang dami mong ginastos." Labis ang pag-aalala ko. Ayokong magtapon ito ng pera sa mga ganitong bagay. Kaya ko namang mabuhay na wala ang mga ito. Basta nakakakain ako't may ilang damit. Okay na iyon sa akin. Napapikit ako sandali ng kintalan nito ang labi ko. "This is my gift to you, baby. At lahat ng ito ay para sa'yo. At 'wag mong isipin ang gastos. Masyadong maliit lang ito hmm." Hindi ako nakakibo ng umikot ito sa likuran ko at isuot ang kuwentas sa leeg ko. Ramdam ko a

