Episode 4 (Third Person)

1400 Words
Nagkatinginan ang mag-asawa. Nakasalampak ang batang si Nadz, habang nakatulala at bumubulong-bulong. Halata rito na wala na sa katinuan. Bigla-bigla na lang tatawa at iiyak. Iikutin din nito ang buhok at saka magsasalita ng kung ano-ano. "Hindi totoo..!" At saka hihikbi na parang baliw. Iiling-iling din ito. Titingin din ito sa paligid na akala mo may kinatatakutan. Bigla rin sisiksik sa isang dulo at saka bubulong-bulong. "Sa tingin ko, kailangan nating itapon ang babaeng iyan. Baliw na! Hindi na natin 'yan mapapakinabangan!" Inis na wika ng asawang babae. Nameywang naman ang lalaki habang nakamasid sa batang si Nadz. "Parang dugyot ang itsura. Pulubi. Bagay nga na nabaliw ng tuluyan!" wika pa ng asawang babae. "Saan naman natin 'yan itatapon?" baleng ng asawang lalaki. "Edi sa labasan! Hayaan mo siyang magpagala-gala hanggang sa mapagtripan ng kung sino riyan. Magdusa siya hanggang kamatayan niya!" naiinis na wika nito. Nang lumapit ang lalaki kay Nadz. Sumunod naman ang babae. "Anong gagawin mo?" tanong nito. Nang hawakan ng lalaki ang buhok ni Nadz. Napangiwi naman si Nadz ngunit tulala pa rin ito at bumubulong-bulong. Natigilan sila ng tumingin si Nadz sa kanila. Ngunit halata sa itsura nito na wala sa sarili. Ngumiti pa ito ngunit 'agad din hihikbi at parang takot na takot. "Hoy, bata! Huwag mo nga kaming dadramahan! Tumayo ka diyan at maghanap ng makakain namin! Kung hindi pasasabugin ko ang ulo mo nitong baril ko!" Pananakot ng lalaki. At saka itinutok nito ang baril kay Nadz. Ngunit napa-awang ang bibig nila ng tumingin lang si Nadz sa baril at hinawakan pa iyon. Wala sa sariling tumitig doon at bumulong-bulong na naman. Napatayo bigla ang lalaki. Bumitaw ng mabigat na buntong hininga. "Sabi ko naman sa iyong baliw na iyan! Sa mga nalaman niya tiyak 'di niya iyon matanggap kaya natuluyang nabaliw!" inis na wika ng asawang babae. Tumalikod na ito. Sumunod naman ang asawa nitong lalaki. "Paano natin 'yan itatapon?" tanong nito. "Hay naku! Isakay mo sa tricycle at pagkatapos iwan mo na doon sa labasan! Mababalitaan na lang natin na patay na iyan." SUMAPIT ang gabi. Galit na hinablot ng lalaki ang braso ni Nadz. Kita niya na wala na nga ito sa sarili. Sa maghapon ba namang hindi ito kumain, hindi nito nagawang tumayo sa labas ng bahay kahit pa tirik na tirik ang araw. Nakayuko lang ito at nagsusulat-sulat at bumubulong-bulong. Kahit kinaladkad niya ito, wala pa rin itong reklamo at tumatawa at hihikbi lang na parang baliw! "Sa labasan tayo!" wika nito sa tricycle driver. Makalipas ang ilang minuto. Itinulak niya ang batang si Nadz sa labas ng tricycle. "Tapos na ang serbisyo mo! Goodluck sa ilang araw na mabubuhay ka pa!" At saka nito iniwan ng tuluyan ang batang si Nadz. Nakasalampak naman si Nadz. Ngunit tumayo ito at nagpalakad-lakad. Humihikbi ito ngunit tatawa din pagkatapos. Nakangiti pa siya kahit ramdam niya ang gutom sa tiyan niya. Kita niya na may mga palengke. Maraming tindahan. Paroo't parito ang mga tao. Hindi niya pansin ang mga taong nandidiri sa itsura niya. Hanggang sa itaas niya ang kamay na parang nangmamalimos. Ngunit nakangiti pa rin siya na parang wala sa sarili. Kung minsan tumatalon-talon pa siya. Oras ang lumipas. Umupo siya sa isang sulok. Ramdam niya ang matinding gutom. Ngunit walang magbigay sa kaniya. Pansin niya ang langaw na pabalik-balik sa katawan niya. Nilalaro niya rin ang buhok at iniikot-ikot iyon. "Patay... may pinatay sila!" At saka siya hihikbi. "Hindi totoo... Ayaw.." Ang mga binubulong niya sa sarili. Hanggang sa mapatingin siya ng may ibatong pagkain sa kaniya. Mabilis niya itong dinampot at kaagad kinain. Nagkakalampag pa ang kaniyang mga paa. Tumatango-tango rin siya habang nakangiti. "Magandang bata, nabaliw lang!" "Sino kaya ang mga magulang niyan?" "Bakit kaya nila hinayaan na maging ganiyan ang kalagayan niyan?" "Grabi, kawawa naman! Baka mapahamak iyan dito! Gabi pa naman!" Mga naririnig niyang salita. WALA sa sariling palinga-linga siya sa paligid. Masyadong madilim at wala na ring mga tao. Naglakad-lakad siya. Nang batuhin siya ng ilang bata at sabihang baliw. Hanggang sa makarating siya sa maliit na restaurant. Umupo siya sa labas. Pasalampak at nagsulat-sulat na naman. Tumatawa pa siya ng malakas. "Hoy baliw! Umalis ka nga rito!" Itinulak siya at pilit pinapa-alis sa labas ng restaurant na iyon. "Malas ka sa negosyo! Alis! Ang baho mo!" Wala sa sariling naglakad siyang muli. Hanggang sa makita niya ang malaking truck. Humagighik siya at tinakbo ang truck. Umakyat siya paitaas at doon nagtatalon-talon. Hanggang sa may marinig siyang mga boses. Nakaramdam siya ng takot at sumiksik sa pinakadulo at nagtago sa malaking cartoon na naroon. Naglumikot din ang kaniyang mga mata. Naramdaman niyang gumalaw ang truck na parang may mga inilalagay doon. Sumilip siya ng bahagya habang nakangiti. Ang mga mata nitong wala sa sarili. Nataranta siya ng maramdaman niyang gumagalaw ang truck. Hanggang sa makita niyang papalayo ang sasakyan sa lugar na kinalalagyan nito kanina. Humagighik siya bigla at sumalampak. Humiga siya hanggang sa makatulog siya sa truck na iyon habang gumagalaw ito. "Gag*! May baliw dito!" Doon siya naalimpungatan. Nakatunghay ang isang malaking lalaki sa kaniya. Hanggang sa umakyat din ang isang payat na lalaki. Nagsumiksik siya bigla. Naglumikot ang mga mata at bumubulong-bulong na naman. "Paano 'yan napunta diyan?" Nang makita niyang binatukan ang payat na lalaki. "Gag*ka talaga! Bakit ako ang tatanungin mo. Kayo ang naglagay ng mga gamit dito hindi niyo napansin!" singhal ng matabang lalaki. Napakamot ang lalaking payat. "Paalisin mo 'yang baliw na iyan. Baka ano pang magawa ko diyan!" Lalo siyang nagsumiksik ng lumapit ang isang lalaki sa kaniya. "P-patay! Sinong patay!" sambit niya. Pansin niyang natigilan ang lalaki. "Hoy baliw! Bumaba ka na rito kung ayaw mong masaktan sa akin!" bulyaw ng payat na lalaki. Nang bigla siyang umiyak ngunit tumawa rin ng malakas. Nagtalon-talon pa siya na ikina-atras ng lalaki. "Langyang baliw ito! Sabi ng bumaba ka--" Nang bigla na lang tumakbo si Nadz at bumaba ng truck. Naglakad-lakad siya. May minsan na napapatingin siya sa palagid. Ang likot ng mga mata niya. Kaliwa't kanan siya kung lumingon. Maraming tao. Maraming nakatingin. May bumabato sa kaniya at pinagtatawanan din siya. "Panibagong baliw na naman!" "Ang baho!" "Alis dito!" Hanggang sa umupo siya malapit sa kalsada. Nagsumiksik siya at hinaharang ang kamay dahil sa pambabato ng mga taong nagdaraan. Gutom na siya. Kumakalam na ang kaniyang sikmura. Ilang beses siyang napalunok. "Aaahhhhh.." sambit niya habang nakanganga ang bibig at nakatingala sa langit. Nakataas din ang kamay niya na akala mo gustong hawakan ang nakikita sa itaas ng langit. Nang bigla na lang siyang humagulhol tapos tatawa ng malakas. Sisigaw na parang galit sa mundo. "Hoy baliw! Tumahimik ka!" Bigla siyang nagsumiksik. Napa-aray siya ng hawakan ng matabang babae ang buhok niya. "Baliw ka! Ang ingay-ingay mo!" At saka siya tinadyakan. Umalis siya sa lugar na iyon na paika-ika. Nang makita niya ang isang batang kumakain ng ice cream. Nilapitan niya ito at ini-abot ang kamay. Nagulat ang bata ngunit hindi naman tumakbo. Akmang iaabot sa kaniya ang kinakain nito ng may isang kamay na humablot sa bata. "Anong ginagawa mo? Baliw iyan!" Napaatras si Nadz ng makitang masama ang timpla ng mukha ng isang babae. "But mommy, she's hungry!" "Lets go!" "No mommy. Kailangan natin siyang mabigyan ng food! She's hungry please!" Nagliwanag ang mukha ni Nadz ng itapon sa paanan niya ang isang box. Sumalampak siya sa sahig at kaagad binuksan ang box. Kinalampag niya ang paa ng makitang pagkain iyon. "Next time, huwag na huwag kang makikipaglapit sa baliw ha! Mamaya saktan ka pa nila! Ang baho pa naman!" "She's not crazy mommy!" At saka napatingala si Nadz ng i-abot sa kaniya ang mineral water ng bata. Nang mawala sa paningin niya ang bata at mommy nito. Doon siya napayuko at lihim na lumuha. Sariwang luha na alam niyang mula sa kaniyang puso. Nanginig ang kaniyang bibig habang kinakain ang pagkain. Hanggang sa dahan-dahan niya itong bitiwan. At saka pinagtiklop niya ang dalawang tuhod at yumuko saka humagulhol ng iyak. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa maibsan ang bigat at sakit sa kaniyang dibdib. Wala siyang pakialam kung amoy mabaho ang katawan niya. Wala siyang pakialam kung nilalangaw na siya. Gusto niyang magalit! Sumigaw sa galit! Isigaw ang sama ng loob niya! Kung bakit nabuhay pa siya sa mundong ito, kung ganito lang din naman pala ang mararanasan niya. Walang totoong mga magulang! Nakagisnan ang mga taong halos patayin siya araw araw!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD