Bigla akong napapitlag ng bulungan ako ng secretary ko. "Sir, ayos lang po ba kayo? Kanina pa kayo kinakausap ni Mr. Lourges." Bigla akong napabaling sa kausap. Gusto kong sabunutan ang sarili ko at isang linggo na ako rito sa Singapore pero wala rito ang puso't isipan ko! Kung hindi lang talaga mahalaga ang pag-uusapan ng mga board member ko, wala pa akong balak bumalik dito. Ang bigat-bigat sa pakiramdam na iwanan ang dalaga. Parang hindi ko na kayang malayo rito. Kung hindi ko nga lang iniisip ang kainosentehan nito baka tuluyan ko na itong inangkin noong nasa dorm kami nito. Lalo akong nabaliw dito ng matikman ko ang masarap nitong dibdib! Para akong mababaliw sa sobrang pagmamahal sa dalaga. Paulit-ulit kong binigkas sa harapan nito kung gaano ko ito kamahal. At ipinangako ko r

