"Hoy! Nadz." "Ha?" lutang na wika ko. Nakatayo ang dalawang kaibigan ko sa harapan ko. "Okay ka lang ba? Mukhang wala ka sa sarili?" si Emily. "Masama ba pakiramdam mo?" segunda naman ni Loida. Mabilis akong umiling. Tumayo na rin ako habang inililigpit ang mga gamit. "Okay lang ako. May iniisip lang." "Sino? May boyfriend ka na ba?" Biglang sumilay ang ngiti sa labi ng dalawa. Ewan ko ba kung bakit bigla na lang uminit ang magkabilaan kong pisngi. "W-wala ah. Hindi ko nga naiisip ang ganiyang bagay." Sabay iwas ng tingin. "Ows? 'Di nga?" nanunuksong wika naman ni Loida. "Promise. Wala talaga." Tumawa naman ang mga ito. "Binibiro ka lang namin. Halata naman sa iyo e!" wika ni Emily. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ang totoo matanda ako sa mga ito. Pero nagmumukha akong ba

