Episode 19 (Nadz)

1547 Words

ARAW ng Lunes. Bigla akong napalingon sa pintuan ng marinig ko ang pagbukas nito. Si Nanay Len. Nakangiti ito habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. "Okay na po ba itong suot ko Nanay Len?" tanong ko habang pinagmamasdan ang sarili. Isang maong na pants at white t-shirt. Nagsuot din ako ng white shoes. "Oo naman 'nak. Kahit ano naman ang isuot mo e, bagay sa'yo." Nakangiti ito habang hinahaplos ang mahabang buhok ko. Bigla naman akong napangiti. Hindi ko naiwasang yakapin ito. Naramdaman ko naman ang haplos nito sa likuran ko. "Oh tama na 'yan at baka mauwi na naman sa pag-iyak." Ramdam kong nakangiti ito. Kumurap-kurap naman ang mga mata ko upang maiwasan ang panunubig nito. Hinaplos nito ang mukha ko. "Napakagandang bata." Bigla akong napanguso sa papuri nit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD