"Son.." Bigla akong napalingon. "Mom." Sabay halik sa pisngi nito. Sinundan naman nito ang tinitingnan ko. Nasa veranda kami ng mga oras na iyon kung saan tanaw ang malawak na swimming pool at halamanan. Umupo ito sa tapat ko. "Malalim yata ang iniisip mo? May problema ba?" tanong nito. Muli akong napatingin sa dalagang abalang-abala sa pagdidilig ng mga halaman. Simula ng makita kong lumuha ito hindi na ako mapalagay ni makatulog ng maayos. Hindi ko maintindihan kung bakit ang laki 'agad ng impact nito sa buhay ko. Para bang hindi ko na nanaisin pang makita itong umiyak ulit? Para bang gagawin ko ang lahat para dito? 'Wag ko lang itong nakikitang nasasaktan ni nalulungkot. Humugot ako ng mabigat na buntong hininga. "About Nadz." Pansin ko ang pagkunot noo ng mommy ko.

