"Senorito..?" gulat na sambit ni Manang Len. Hindi rin nakaligtas sa akin ang tinginan ng ilang kasambahay. Ito kasi ang unang pagkakataon na pumunta ako ng kusina. "May kailangan kayo senorito?" tanong ni manang. Nginitian ko ito ng makitang mukha itong nabahala. Bago pa ako makasagot sa tanong nito. Iniluwa noon sa kung saan ang dalagang kanina ko pa yata hinahanap. Kita ko sa mukha nito ang pagkagulat. Ngunit 'agad ding yumuko. Pasimple ko pang pinasadahan ang itsura nito. Napaka-simple nitong manamit. Ngunit hindi mapaghahalataan na isa itong kasambahay. Tumikhim ako at saka binalingan si manang. "Gusto ko lang magpatimpla ng kape, manang." At saka sinulyapan si Nadz. Gumalaw ang panga ko ng makitang kagat-kagat na naman nito ang ibabang labi. Hindi yata alam ng dalagang

