DIMITRI'S UNIVERSITY IN MAKATI. Isang mahabang buntong - hininga ang pinakawalan ko habang nakatanaw sa malawak at napakalaking university. Nakaramdam ako ng kalungkutan sa isiping hindi ko na makakasama pa ang dalawang kaibigan. Pumayag kasi ako sa alok ni Ma'am Elisha na mag-take ng examinations. At pinalad naman akong makapasa. Kaya ngayon, heto ako sa harapan ng university kung saan ako papasok. Business ang kursong kinuha ko. Pangarap kong balang araw may mahawakan din akong sariling negosyo. Jeans at blouse ang suot ko ng mga oras na 'yon. Hinayaan ko lang na ilugay ang mahabang buhok ko. Lihim akong napalunok pagkapasok sa classroom. Bigla ba naman naglaho ang ingay at sa 'kin kaagad ang atensyon ng mga ito. Napayuko ako ng makitang tumaas ang kilay ng limang babae sabay ting

