Kagat-kagat ang ibabang labi ko habang nasa tapat ng pintuan. Gising na kaya siya? Para akong tanga na nakatitig lang at hindi malaman kung kakatok o aalis na lang muna at babalik na lang mamaya. Tapos ko na kasing linisin ang kuwarto ng dalawang kambal. Pero hindi ko pa yata napansin ang paglabas ng Kuya Alex ko. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago kumatok ng tatlong beses. Itinapat ko pa ang tainga ko sa pintuan. Nagbabaka-sakaling may marinig na ingay sa loob. Hanggang sa maisipan kong pihitin ang seradura ng pinto. Napa-awang ang labi ko. Hindi naka-lock? Ibig sabihin lumabas na siya? Hindi ko lang yata napansin kanina sa Dining area. Dahan-dahan akong pumasok. Katahimikan ang sumalubong sa akin. Wala na nga ito sa kama. Ang bango talaga ng kuwarto nito.. Iyong bango

