Chapter 6: Knight in Shining Armor

1810 Words
NASA loob na si Ariyah Lynn nang sasakyan ni Chance pero hindi pa rin mawala ang panginginig ng katawan niya sa takot. Hindi naman siya natatakot no’ng umpisa ng gulo, pero nang makarinig siya ng putok ng baril at nang sapilitang paghablot ng lalaki sa kaniya ay doon na siya nag-umpisang matakot. "Here. Drink it." Sa nanginginig niyang kamay ay inabot niya ang mineral water na ibinigay nito sa kaniya at uminom kaagad. "S-Salamat," aniya at ibinalik ang bote ng mineral water rito na nakalahati niya ang laman. Hindi ito sumagot at kinuha lang nito ulit mula sa kaniya ang bottle ng mineral water. Tinakpan nito iyon at inilagay sa may gilid sasakyan nito. "Put your seatbelt on. We're going home." wala pa ring emosyon ang boses na utos nito sa kaniya. He is cold as an ice as expected. Pero nang maalala niya ang kaniyang pinamili ay kaagad siyang kinabahan. "Iyong pinamili ko, Manong. Wala po akong pera para—" "Mas iniisip mo pa iyan kaysa buhay mo?" masungit na tanong nito sa kaniya kaya natahimik siya. "Na kahit tumatakbo na ang lahat, nananatili ka pa rin doon. Tanga ka ba?" Napanguso siya. “Ang sakit mo namang magsalita—” “Bakit? Ano pa ba ang ibang tawag doon?” "Wala naman kasi akong pera para bayaran iyon—" "And you think that's the first thing Thea will think about, before your safety?” Umirap na lang siya at nanahimik. Alam niyang hindi ang pera ang unang iisipin ni ate Thea. Pero sayang naman talaga. Lumaki siyang hindi naghihirap at lahat ng luho niya ay nabibili niya pero marunong naman syang magpahalag ng pera. Napabuntonghininga na lang siya at ibinaling ang tingin sa labas. Wala ng masyadong tao sa palengke pero maraming mga gulay na nakakalat sa lupa na pinupulot na ng mga may-ari. ‘Yung mga natumbang estante ng gulay at sibuyas ay ibinabalik na rin sa dating ayos. Mabuti na lang talaga at may mga pulis kaagad ang dumating kanina at dinampot iyong mga lalaking nagrarambulan at nagpaputok pa ng baril. Kinikilabutan pa rin siya kapag naiisip niya ang malakas na putok na iyon. Para kasing sa panaginip niya. “Get out.” Napatingin kaagad siya kay Manong nang magsalita ito. Nakahinto na rin ang sasakyan nito. “Po?” “Ang sabi ko, lumabas ka na.” Mabilis naman siyang napatingin sa labas. Nagulat pa siya nang nasa tapat na pala sila ng gate ng bahay nina ate Thea. “Salamat,” aniya at tinanggal ang seatbelt na nakapulupot sa kaniyang katawan. Akmang bubuksan na sana niya ang pinto sa may gilid niya nang maalala niyang hindi pala dapat na malaman ng kuya Derick niya ang nangyari. Siguradong mag-aalala iyon sa kaniya lalo na si ate Carla at baka ayaw na siya nitong pagtrabahuin. Hinarap niya ang lalaki. “What?” Natigilan siya. Bakit ba ang sungit ng lalaking ito? Then, she remembered on what he did to ate Rachell’s flower and chocolate she gave to him. “Bakit ba ang sungit mo, Manong?” balik niyang tanong dito. Mas lalong nagsalpukan na ang dalawang makakapal nitong kilay na nilingon siya. “Lalabas ka o ako na ang hihila sa’yo palabas?” banta nito sa kaniya. Pero sa halip na matakot ay hindi niya iyon nararamdaman. Simula kanina nang iligtas siya nito sa gitna ng away ay itinuturing na niya itong kaniyang tagapagligtas. She owed him for her dearest life. Ngumiti siya. “Lalabas po ako, promise…” parang batang itinaas pa niya ang kaniyang kanang kamay. “May sasabihin lang ako sa’yo saglit. Sana pagbigyan mo ako.” Hindi ito sumagot. Itinuon nito ang mga mata sa unahan, humigpit ang mga kamay nitong nakahawak sa manibela at nag-iigting ang mga panga. Pero sa halip na matakot sa mga body language nito na halatang napipikon na dahil sa kakulitan niya ay namangha lang siya. “Sana Manong hindi na lang ito makakarating sa kuya Derick ko.” “At hindi ka lang pala tanga, magsisinungaling ka pa.” maanghang nitong sab isa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin dito. “Ayaw ko lang na mag-aalala siya sa akin at saka mas mabuti na iyong magsisinungaling kaysa pag-aalalahanin ko iyong mga tao sa bahay. At ayaw kong dagdagan pa ang mga alalahanin ni ate Thea.” Tiningnan niya ito nang hindi ito kumibo. “Manong, please…” pakiusap niya. Umusog pa siya at hinawakan ng dalawang kamay niya ang namumutok nitong braso. “Get your f*****g hands off me.” madiin nitong saway sa kaniya. Pero makulit siya at hindi ito binitiwan. Mahina pa niya itong niyugyog. “Please, Manong…” Pinapungay pa niya ang mga mata para maawa ito. “Fine. Now, get out!” Napanguso siya. Pero napangiti rin naman kaagad. Ewan ba niya, pero simula kanina nang iligtas siya nito at kanina pa pinagsasalitaan ng hindi Maganda, yes, nao-offend siya pero hindi naman siya nagagalit dito. “Yayy! Thank you! At saka thank you rin at niligtas mo ako,” sabi niya, pagkuwan ay binuksan na niya ang pinto ng sasakyan nito at bumaba kaagad siya. Nag-doorbell lang siya at pinagbuksan naman kaagad siya ng guard. Wala pa sina ate Thea at ang mga bata. Pero bukas naman ang bahay kaya nakapasok naman siya sa loob. Kinuha niya ang phone na bigay ni Dr. Fortalejo sa kaniya at tinawagan si ate Rachell. “Lynn, kumusta ka? Nagkaroon daw ng gulo sa palengke. Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa’yo?” sunud-sunod na tanong ni ate Rachell sa kaniya. Puno ng pag-aalala ang boses nito sa kabilang linya. Napakurap siya. Napaawang pa ang bibig niya. Paanong nalaman nito na nagkagulo kanina sa may palengke? Sinabi ba kaagad ni Manong dito ang nangyari? “Okay lang po ako, ate Rachell. Paano nga po pala niyo nalaman?” tanong niya rito. “Sinabi sa akin ni Doc Lawrence.” Kay Doc Lawrence pala nagsumbong si Manong. “Ah, gano’n ba. Okay lang ako, ate Rachell. Napatawag lang ako dahil nag-aalala po ako doon sa mga pinamalengke ko. Hindi ko kasi nasalba. Pero ‘wag kang mag-aalala, babayaran ko—” “Naku! H’wag mo na iyong alalahanin. Ang importante ay walang nangyari sa’yong masama.” sabi nito. Gusto sana niyang sabihin dito na iniligtas siya ni Chance Saavedra kaya walang nangyari sa kaniya nang masama. Pero may kung anong pumipigil naman sa kaniya kaya hindi na lang niya sinabi. She will keep it to herself. Napangiti siya at napahawak pa siya sa tapat ng kaniyang dibdib. Bakit pumipintig ng malakas ang puso niya? “Ah, Lynn? Wala ka na bang ibang concern?” untag sa kaniya ni ate Rachell nang natahimik na siya. Napakurap-kurap siya. “Uh…sorry, ate Rachell. Wala na po. Pakisabi na lang po pala kay Doc, na salamat at hindi niya pababayaran sa akin iyong nasayang na pinamalengke ko.” Narinig pa niya ang mahina nitong pagtawa, bago umuo at ibinaba na ang phone. Pero hindi siya nakuntento at nagtipa siya ng mensahe sa among doctor ng kaniyang pasasalamat at humingi na rin ng pasensya sa nangyari. Hindi pa rin dumating sina ate Thea at ang kambal kaya ginawa na lang niya iyon ng pagkakataon para linisin ang room ng mga ito at kunin ang mga maruruming damit ng mga bata. Patapos na siya sa paglilinis nang bumukas ang pinto nang kuwarto. Nanlaki ang kniyang mga mata at mabilis na tumalikod at tatakbo na sana siya sa loob ng banyo dahil nandito na ang kambal. “Tita Lynn…” She froze where she was standing, nang marinig niya ang pamilyar na boses ni Hope na sinambit ang pangalan niya. Mangiyak-ngiyak at dahan-dahan niya itong hinarap. “H-Hope,” garalgal ang boses na sambit niya rin sa pangalan nito. Ngumiti naman ito sa kaniya. Pero nang maalala niya ang sinabi ni ate Thea, na ‘wag muna siyang magpakita sa mga bata ay natatarantang mabilis niyang dinampot ang basket na puno ng labahin at walang lingon-likod na lumabas siya sa kuwarto ng mga ito. Ngunit napasinghap naman siya at namilog pa ang kaniyang mga mata nang sa paglabas niya ng silid ay nakasalubong niya si Faith, nakasunod naman dito si ate Thea. Tatalikod na sana siya at iiwasan ang mga ito nang marinig niya si ate Thea. “It’s okay, Lynn.” Natigil siya sa akmang pagtalikod niya at dahan-dahan siyang humarap sa mga ito. Napakura-kurap pa siya nang makita niyang tipid na nginitian siya ni Faith bago ito pumasok sa loob ng silid ng mga ito. “Ate Thea…” mangiyak-ngiyak na namang sambit niya habang sinusundan ng tingin si Faith. “Totoo po ba iyong nakita ko? Nginitian ako ni Faith.” Naramdaman niya ang kamay ni ate Thea na humawak sa balikat niya at mahina nito iyong pinisil. “Yes, Lynn. Sabi ng doctor nila, unti-unti na nilang nao-overcome ‘yong trauma. Masaya ako, Lynn. Sobrang saya.” ani ate Thea. Humarap siya rito at namilog pa ang kaniyang mga mata nang bigla na lang siya nitong yakapin. Pero agad din siyang gumanti ng yakap dito. Sobrang saya rin niya. Kaya sa sobrang saya niya ay agad din niyang ibinalita iyon kay Doc Lawrence thru text message. Ilang minuto rin silang nagpapalitan ng mensahe at alam niyang sobrang saya rin nito. Kung nakunan lang sana niya ng picture iyong ngiti ni Faith kanina at na-record ang pagsasalita ni Hope, tapos ise-send niya kay Doc, nakasisiguro siyang wala pang isang minuto ay sumugod na ito rito para makita nito ang mag-iina nito. Pinagsalikop niya ang dalawang kamay at idinikit niya pa iyon sa tapat ng dibdib niya at pumikit. “Sana, Lord, magtuloy-tuloy na po ang paggaling ng kambal para magkabalikan na rin sina ate Thea at Doc Lawrence.” mahina at taimtim pa niyang dalangin. Nang mag-aalas singko nang hapon ay may dumating na mga grocery. Hindi na rin naman siya nagtaka dahil sinabi ni Doc sa kaniya na may inutusan na itong tauhan nito para mamalengke at mag-grocery. Nagluto kaagad siya at dinamihan pa niya para mabigyan niya si Manong. Pasasalamat na rin niya rito sa pagligtas sa kaniya kanina at sa pagtupad sana nito na hindi nito sasabihin sa pinsan niya ang nangyari. Dala niya ang isang lunch box na may lamang specialty chicken adobong niluto niya ay lumabas siya ng bahay para pumunta sa kubo ni Manong. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid at baka may tauhan dito ni Doc at sisitahin na naman siya. Pero mukhang wala naman ang nakabantay rito no’ng isang linggo kaya mabilis siyang naglakad patungo sa kubo. Kinakabahan na kumatok siya ng tatlong beses nang mapatapat na siya sa nakasaradong pinto ng kubo nito. Pero walang sumagot kaya akmang kakatukin na sana niya ulit nang marinig niya ang malamig at galit na boses ni Manong. "What are you f*****g doing here, woman!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD