GABING-GABI na pero hindi pa rin makatulog si Ariyah Lynn. Nasa isip pa rin niya ang naging panaginip niya.
Kahit na anong gawin niya para mawaglit lang iyon sa isip niya pero pilit pa rin na umuukilkil iyon sa isip niya.
Na para bang totoong nangyari ang panaginip niyang iyon.
Pero kung totoo man iyon, sino iyong babaeng tinawag niyang ate Erin? 'Yung mga magulang din niya sa panaginip na 'yon, hindi rin ang Mommy at Daddy niya.
No. Hindi iyon totoo. Panaginip lang talaga iyon, kaya walang ibig sabihin ‘yon.
Malalim na bumuntonghininga siya at bumangon. Lumabas siya ng kuwarto at nagpasyang tumambay na muna sa labas, sa may swimming pool.
"Who are you?"
Kaagad nanigas ang katawan niya nang may nagsalita sa likuran niya.
Bumilis ang t***k ng puso niya at dahan-dahan siyang tumayo.
Bayolente siyang napalunok saka hinarap ang taong iyon. Pero gano’n na lang ang pamimilog ng kaniyang mga mata nang makilala niya ang lalaki.
Si Manong Chance. Anong ginagawa nito rito? Sinong nagpapasok—natigilan siya nang maalala niya ang narinig niya noong Isang araw roon sa clinic ni Dr. Fortalejo. Isa nga pala ito sa mga bodyguard na nagbabantay kay ate Thea at sa mga anak nito.
“Maayong gabii, Man—Sir,” mabilis na bawi niya sa muntik niyang pagtawag dito na Manong.
"Ah, bagong katulong po ako nina Dr. Fortalejo at ate Thea. Ariyah Lynn po ang pangalan ko, Sir."
Sinubukan pa niyang ngitian ito pero nauwi lang din sa pagngiwi nang walang emosyong tiningnan lang siya nito.
Ang mga mata ng lalaki ay kasinglamig ng tubig sa pool at kasingdilim naman ng gabi.
“Anong motibo mo at gabing-gabi na at nandito ka pa rin sa labas ng bahay?”
Napasimangot siya sa pang-aakusa nito sa kaniya.
“Grabe siya! Motibo agad? Hindi ba puwedeng nagpapahangin lang? Baka ikaw d'yan ang may motibo.”
"What?"
Naningkit ang mga mata nito kaya napangiwi siya.
“Nagpapahangin nga lang. A-Ano kasi… nanaginip kasi ako ng masama kanina kaya dito muna ako tumambay,” pagsisinungaling niya.
Pero totoo rin naman na nanaginip siya ng masama kaninang hapon kaya hanggang ngayon hindi pa rin siya makatulog dahil sa takot na baka muli niyang mapanaginipan ang panaginip niyang iyon.
“I know you,” sabi nito na ikinalaki nang kaniyang mga mata. “Ikaw iyong babaeng espiya na tinakasan ako sa Cebu.”
Napalunok siya at bahagya pang napa-atras nang makita niya ang galit sa mga mata nito.
Gabi na pero dahil sa mga ilaw na nakapalibot ay kitang-kita niya pa rin ang galit nito.
Nakita niyang bumaba ang tingin nito sa mga paa niya pero saglit lang at bumalik din kaagad sa mukha niya.
Mas lalong bumilis ang t***k ng puso niya. Pakiramdam nga niya ay lalabas na iyon.
Ano ba ang idadahilan niya? s**t! Ariyah Lynn, think an alibi! Quick!
"H-Hindi, ah!" nauutal na tanggi niya. "Si Manong mahilig gumawa ng kuwento."
"And do you really think I can't recognize you by your new look?"
Napangiwi ulit siya. Napahawak pa siya sa dulo ng maiksi niyang buhok.
“Fine. Ako nga iyon," nakasimangot na pag-amin niya.
Hindi na rin siya makatingin dito ng deretso.
"Pero hindi naman ako espiya, Manong. Gusto ko lang talagang umuwi na sa amin nang gabing iyon, pero iyong kaibigan ko na sinamahan ko sa party na iyon ay ayaw pang umuwi. Wala naman akong ibang masasakyan kaya nang makita kong papasok ka na sa sasakyan mo ay mabilis din akong pumasok doon sa likuran,” pagsisinungaling niya.
Sana maniwala naman ito. Kung hindi ito maniniwala, hindi na niya alam kung ano pa ang sasabihin niya para makalusot lang.
“Kung gusto mo pa lang umuwi, bakit umabot pa tayo sa airport? Tinakasan mo pa ako,” puno pa rin ng pagsususpetsa ang boses nito.
Napangiwi na naman siya. Nanginginig na pinaglalaruan niya ang kaniyang mga daliri sa kaniyang mga kamay.
“Kasi naman, Manong, inakusahan mo akong espiya. Natakot ako na baka ipadampot niyo po ako sa mga pulis at malaman ng mga magulang ko na tumakas ako sa bahay para sumama sa mga kaibigan ko na mag-party. Saka natakot din ako nang tinutukan niyo po ako ng baril.”
Sorry po talaga, Lord. Kailangan ko lang talagang magsinungaling. Promise po, magsisimba na talaga ako tuwing Linggo, ‘wag niyo lang akong hayaan na mabuko ng lalaking ‘to.
Pero totoo naman talaga na nakaramdam talaga siya ng takot nang tinutukan siya nito ng baril nang gabing ‘yon.
"Then why are you here?" he asked again.
Naman! Bakit ba ang daming tanong ng lalaking ‘to? Daig pa nito ang isang detective.
Gusto na tuloy niya itong ikutan ng mga mata pero pinigilan niya ang sariling gawin iyon at baka mas lalo lang itong magalit sa kaniya.
“Nalaman kasi nila. Nagalit sila sa akin kaya pinatapon nila ako rito sa Isla Re—.”
“Anong pangalan ng mga magulang mo?” putol nito sa sinasabi niya.
Napakurap-kurap siya. s**t! Pati ba naman pangalan ng mga magulang niya kailangan pa nitong alamin?
"Manong naman, kailangan pa ba iyon?" aniya at umatras na naman ulit.
Ngunit wala na pala siyang maaapakan dahil nasa pinaka-edge na siya ng swimming pool.
Nanlaki ang kaniyang mga mata at napaawang ang kaniyang bibig.
Sinubukan pa niyang ibalanse ang katawan pero huli na. Ipinikit na lang niya ang mga mata at hinanda ang sarili sa pagbagsak niya sa tubig.
Ang bilis naman yata ng karma niya sa mga kasinungalingang hinabi niya.
Pero bago pa man siya tuluyang nahulog sa swimming pool nang may malabakal na kamay ang humatak sa kaniya.
Pakiramdam niya naalog naman ang utak niya nang bumangga siya sa malapader sa tigas ng katawan nito.
Humigpit ang kapit niya sa lalaki. Takot na takot siya sa nangyari. Hindi siya marunong lumangoy at sa tingin pa niya ay nasa 16ft ang lalim ng swimming pool.
Mabilis din naman siya nitong inihiwalay sa katawan nito.
“S-Salamat, Manong.” Halos manginig ang mga labing sabi niya. “P-Papasok na po ako sa loob.”
Pagkasabi n’yon ay agad na siyang tumakbo pabalik sa loob ng bahay. Muntik pa siyang mabuwal dahil sa panginginig ng mga tuhod niya sa sobrang takot.
Pero may isa pa siyang hindi maintindihan sa kaniyang sarili. Nang madikit kanina ang katawan niya sa lalaki, mas lalong bumilis ang t***k ng puso niya pero alam niyang hindi iyon dahil sa sobrang takot niya.
Tuluyan na siyang hindi nakatulog kaya kinabukasan ay tatanga-tanga siya at tila wala sa sarili.
"Lynn, pumunta na ba si Miss Rachelle dito?"
Napakurap siya at mula sa niluluto ay agad na napatingin siya sa ate Thea niya na kapapasok lang dito sa kusina.
"Hindi pa po, Ate,"
Nakakunot ang noo nito at mataman siyang tinititigan kaya naiilang na nag-iwas siya ng tingin dito.
“Hindi ka ba nakatulog kagabi?” tanong nito.
Napakamot siya sa kaniyang ulo, saka umiling.
“Medyo po...” pag-amin niya. Hindi pa rin makatingin dito.
“Namamahay ka pa rin ba?”
Umiling siya ulit. “Hindi naman po, Ate. Kaya lang nanaginip po kasi ako ng masama kaya hindi na ako nakatulog pa ulit.”
Tumango-tango ito. “Matulog ka na muna pagkatapos nating kumain ng almusal. Saka na lang iyang mga gawain mo.”
"Sige po, ate Thea,"
Pero nang maalala niya iyong lalaking nagligtas sa kaniya kagabi ay bigla siyang natigilan. Pero kung hindi naman kasi siya nito nilapitan at sinisindak sa mga salita nito hindi naman siya aatras.
Matapos nilang mag-almusal ay natulog na muna siya. Nagpasalamat naman siya at nakatulog siya ng maayos at hindi na siya dinalaw ng masamang panaginip na 'yon.
Nagising lang siya nang tumawag sa kaniya ang secretary ni Dr. Fortalejo at sinabing siya na muna ang mamalengke dahil busy raw ito at hindi ito makapunta rito sa bahay.
“Kuya, minsan ba nanaginip ka na iba ang mga magulang mo na kasama?” biglang tanong niya sa kuya Derick niya.
Ito ang maghahatid sa kaniya papuntang palengke pero aalis din ito kaagad dahil pupunta ito ng Davao kasama sina ate Thea at ang kambal para sa checkup ng mga bata.
Pero kailangan muna nilang dumaan sa clinic para kunin kay Miss Rachelle ang perang pang-pamalengke niya.
Kumunot ang noo nito at sandali pa siya nitong tinapunan ng tingin at ibinalik din kaagad ang tingin sa daan.
“Hindi naman ako nanaginip ng ganiyan. Bakit?”
“Wala naman. Baka panaginip lang talaga iyon.”
Baka wala naman talagang ibig sabihin n’yon at siya lang itong parang praning na hindi pa rin maka-get over sa panaginip niyang iyon.
“Nanaginip ka ng gano’n?” tanong nito.
Tumango siya. "Hmm."
Ikinuwento niya rito ang napapanaginipan niya. Natigil lang siya sa pagkukuwento nang huminto na ang minamanehong sasakyan nito sa harap ng clinic ni Dr. Fortalejo.
Bumaba naman kaagad siya at pumasok sa loob ng clinic.
“Thank you, Lynn. Sobrang busy lang talaga ngayon. Ang daming pasyente ni Doc,” ani ate Rachelle sa kaniya.
Nakita nga niyang ang daming pasyente rito sa loob ng clinic.
“Okay lang po iyon, Miss Rachelle.”
Matapos niyang makuha rito ang pera ay kaagad na siyang nagpaalam dito at bumalik sa sasakyan.
"Are you sure, na kaya mo talagang mamalengke?" may pag-aalalang tanong ni kuya Derick sa kaniya, habang nagmamaneho na ito papuntang palengke.
"Sure na sure, Kuya. Alam ko po ito." May pagdududa pa siyang tiningnan nito. "Kuya nga, alam ko po talaga. Promise."
Inisa pa niya ang kanang kamay, tanda ng pangangakong kaya talaga niyang mamalengke.
Minsan na rin naman siyang nakasama kay Nana Mila noon na namalengke.
"Imposible,” sabi nitong tila hindi pa rin kumbinsido. “Ano ba ang mga pinaggagawa mo sa Cebu at alam mo ang mga gawaing bahay? Eh, halos ayaw ka ngang palabasin ng mga magulang mo noon."
Alam nito iyon dahil isang buwan din itong nakatira noon sa mansion nila sa Cebu.
"Nagpapaturo ako kay Nana Mila. Siya nga po pala, Kuya, nakita ko kagabi si Mr. Saavedra,” aniya, nang maalala niya ang nangyari kagabi.
Medyo kinilabutan pa siya nang maalala ulit ang muntikan na niyang pagkahulog sa swimming pool kung hindi siya kaagad nahatak ni Manong.
"Ano?!" malakas nitong sambit.
Natawa naman siya. "Si Kuya, ang OA maka-react."
"Bakit mo siya nakita? Nagpunta ka ba sa kubo niya?”
Natigilan siya. So, hindi si Dr. Fortalejo ang nakatira roon sa kubo, kundi si Manong Chance. Ito rin ba ang tinutukoy na boss noong lalaking bodyguard?
“Pinagalitan ka ba niya, Lynn?"
"So, si Manong po ang nakatira sa kubong iyon?" tanong niya rito, sa halip na sagutin niya ang tanong nito.
Mas lalong nalukot ang noo nito. "Manong?"
"Si Mr. Saavedra po, Kuya. Manong po ang tawag ko sa kaniya."
Marahas itong nagbuga ng hininga.
"Oo, at ipinagbabawal ang pagpunta roon. Kaya 'wag ka na ulit na pupunta roon kung ayaw mong masesanti."
Siya naman ang napatango-tango. "Pero hindi naman ako nagpunta roon, Kuya," aniya.
Nilingon naman siya nito at may pagdududang tiningnan.
"Knowing you, Lynn. Ang kulit mo at napakatigas pa ng ulo mo."
Napasimangot siya. "Hindi nga, Kuya. Hindi pa ako handang mawalan ng trabaho, ano?”
"At bakit mo naman siya nakita? Eh, halos hindi nga 'yon lumalabas doon sa kubo?"
Mas lalong nadagdagan ang curiosity niya, kung ano ang meron sa kubo na iyon. At ano naman ang ginagawa ni Manong sa loob? Hindi ba ito nabo-bored na laging nakakulong?
"Lynn," untag sa kaniya ni kuya Derick nang hindi na siya nakasagot pa.
"A-Ano kasi... hindi ako nakatulog ulit dahil sa masamang panaginip kaya lumabas ako at a-ano nakita ko lang siya sa gilid ng pool," pag-iiba niya sa totoong nangyari.
Shit! Sana hindi ang mga ito magka-usap dahil paniguradong mabubuko siya.
Eh, kasi naman... ayaw naman niyang malaman ng kuya niya na magkakakilala na sila sa Cebu ni Manong at napagkamalan pa siyang espiya nito.
Huminto ang sasakyan sa harap ng maliit na palengke.
"Oh, siya! Sige na, bumaba ka na at i-text mo ako kapag tapos ka ng mamalengke at susunduin kita."
"Pero pupunta kayo ng Davao ni ate Thea, Kuya, hindi ba?"
"Oh, s**t! Oo nga pala. Okay, basta piliin mo iyong matinong driver ng tricycle na sasakyan mo, okay?"
"Yes, Sir," aniya at nakangiting sumaludo pa siya rito.
Naiiling na lang ito sa kaniya.
Pagkapasok niya sa loob ng wet market ay agad niyang binili ang mga nakalista na bibilhin. Marami-rami rin iyon kaya medyo natagalan siya sa loob.
Pero hindi pa man niya nabili ang lahat nang biglang nagkagulo. Nagsitakbuhan ang mga tao palabas ng palengke at dahil hindi naman siya sanay kaya hindi kaagad siya nakatakbo at tila nanigas na lang siya sa kaniyang kinatatayuan.
Muntik pa siyang mabuwal nang banggain siya ng mga taong nagtatakbuhan.
Then, she heard a loud bang in the whole place, kaya natulala na lang siya.
"Miss, dali na!"
Narinig niyang sabi ng isang lalaki at mahigpit na hinawakan ang braso niya.
Sa takot niya dahil hindi naman niya ito kilala ay kaagad siyang nagpumiglas.
"B-Bitiwan niyo po ako, Kuya..." naiiyak na sabi niya at pilit niyang binabawi ang braso niyang mahigpit na hawak nito.
"Dali na, Miss. Naay nagdinunggabay diri sa sulod sa palengke basin madamay ka—"
"Bitiwan mo siya."
Mas domoble ang kaba niya nang marinig niya ang matigas at malamig na boses ni Manong. At isang iglap lang ay nasa harap na niya ito at walang kahirap-hirap na kinuha nito ang braso niya mula sa pagkakahawak na lalaki.
"M-Manong..." nanginginig ang mga labing sambit niya.
Hindi na rin niya napigilan ang sarili at umiyak na napayakap siya rito dahil sa takot.