TAHIMIK lang silang tatlo sa loob ng sasakyan. Si Adrian na ang nagmamaneho dahil iyong driver pala na sumundo sa kanila kagabi ay driver pala iyon ng kapatid nito. Nasa passenger seat siya nakaupo, sa tabi ni Adrian at ang anak nila ay nasa backseat. Nang sulyapan niya ito ay busy ito sa pinapanood nito sa tablet na ipinahiram dito ni Adrian kanina. “Kumalat iyong picture nating tatlo kagabi sa internet,” sabi ni Adrian, kaya agad nabaling ang tingin niya sa lalaki. Seryoso ang mukha nito at paminsan-minsan ay kumukunot ang noo nito habang ang mga mata ay nakatuon lang sa daan. “Sinong nagpakalat? Mga fans mo?” Marahas itong bumuntonghininga saka tumango. Halata sa mukha nito na hindi nito nagustuhan ang nangyari. “And Silver was so furious at me,” busangot ang mukhang sumbong nito

