PAGKALABAS nila ng NAIA Terminal 3, nagulat siya nang bigla na lang may mga grupo ng mga babae na nagsitakbuhan para makalapit sa kanila, particularly kay Adrian. Namilog ang mga mata niya at agad kinabahan dahil buhat-buhat ni Adrian ang anak nila at baka maipit kung dumugin ng mga ito ang lalaki. Natigil siya sa paghakbang at akmang bibitiwan na ang cart na may laman ng kanilang mga gamit para lapitan si Adrian at kunin na muna rito ang anak niya. Pero bago pa man niya iyon magawa ay mabilis ng nakakilos ang mga guard sa Airport at agad na hinarangan ang mga babae na makalapit sa kanila. Siguro nasa sampu ang mga babae. Tapos may dalawang lalaki na mukhang hindi naman mukhang lalaki. Seriously, gabi na, ah. Bakit may mga fans pa rin si Adrian na nagkukumpulan dito sa labas ng airpor

