INAAYOS niya ang mga nilutong pagkain sa mesa habang kausap niya si ate Thea sa cell phone. Nangunugumusta ito sa kaniya at sa pagsasama nila ni Chance. Ayaw na niyang magsinungaling kaya sinabi na niya rito ang totoo. “Baka puwede pa naman na maayos niyo ‘yang dalawa? Nandito na kami sa Maynila ni Lawrence, gusto mo bang kausapin namin si Chance? Pagpaliwanagan ba—” “Ate, hindi na. Nakapagpaliwanag na ako. Alam na niya ang mga dahilan ko. Pero alam mo naman na hindi talaga niya ako mahal, ‘di ba?” Si Chance na rin ang nagsabi na walang magbabago kung malaman pa nito ang mga dahilan niya. Hindi pa rin siya nito kayang mahalin. “I’m sorry, Lynn,” malungkot ang boses na sabi nito. “Bakit kayo humihingi ng sorry?” “Kung nakinig lang kami sa iyo noon at pinigilan si Lawrence sa gusto n

