“Here,” Chance glanced at Liam before he picked up the black folder he placed on the table in front of them. He scanned all the papers inside and read what was written there. “Ito na ba lahat?” tanong niya kay Liam. Itiniklop niya ang folder at muling inilapag iyon sa mesa bago hinarap ang kaibigan. “Yes. Miss Mendez—oh, Miss Monterazza pala, was indeed a billionaire,” anito sa kaniya. Ang dami ngang properties sa iba't-ibang lugar at mga kompanya na under sa Monterazza Group of Companies na pag-aari ng mga magulang nina Ariya at Erin. Pero dahil sa gahamang stepbrother ni Mr. Monterazza na si Congressman Alfredo Mendez na siya ring kinilalang ama ni Ariyah ay namuhay ang babae na naging sunud-sunuran sa mga Mendez. “Mababawi pa ba lahat ng properties at companies na naibenta ng

