“Tell me!” Chance voice blasted around the room but Congressman Mendez in front of him didn’t even flinch. Nasa loob sila ng interrogation room dito sa National Bureau of Investigation. Nakaupo ito sa isang gawa sa bakal na upuan. Ang dalawang kamay nitong nakaposas ay nakapatong sa ibabaw ng mesang nasa harap nito. Sa halip na maupo rin siya sa upuang nasa harap nito ay nanatili lang siyang nakatayo. Nasa labas naman sina Liam, Jacob at North. Pinapanood sila mula sa parihabang salamin nitong silid, kung saan makikita sila ng mga ito rito sa loob. “You don’t deserve my daughter, Saavedra.” Napangisi siya. Iyong ngising magpapatindig ng balahibo nang kung sino man ang makakita. At ramdam niya iyon ngayon sa kaharap. Biglang naglumikot ang mga mata nito at umayos sa pagkakaupo, pi

