NAKAKATITIG lang si Ariyah Lynn sa wedding dress na susuotin niya na nakalapag sa ibabaw ng kaniyang kama. Sa gilid niyon ay isang box, na laman naman ay ang sapatos na susuotin din niya. Dala iyon ni Alicia kanina nang dumating ito, sa kung saan man ito galing ay hindi niya alam. Wala rin naman siyang pakialam! How she wished, na si Chance ang groom niya. Then she remembered the day when she and Chance got married. Kahit sa loob lang iyon ng city office ng Mayor roon sa Samal pero masaya siya. Kahit may kaba siyang naramdaman dahil sa mga consequences ng ginawa niya pero sa puso niya naroon iyong saya na hindi niya kayang ipaliwanag. Pero ngayon, kaba, takot, inis at galit ang nararadaman niya. Halo-halo na gusto na lang niyang magluksa at isipin na bukas ay libing ni Simon at Alicia at

