“Anak, ‘wag kang mawalan ng pag-asa, ha? Darating si Sir Chance. Darating siya at ililigtas nila tayo rito. Hindi ka makakasal kay Simon,” sabi ni Nana Mila sa kaniya, nang sila na lang dalawa ang naiwan sa kuwarto niya. Pang-ilang ulit na rin nito iyang sinabi na tila ba ang sarili na nito ang kinukumbisi at hindi na siya. Kung kanina ay tumatango pa siya, ngayon ay hindi na. Malungkot na lang niya itong tiningnan mula sa repleksyon nila sa salamin. Tapos na silang ayusan ng makeup artists na kinuha ni Alicia para ayusan sila ni Nana Mila kaya nagpaalam na ang mga itong lalabas na. Pero nanatiling nakaupo siya sa harap ng vanity habang nakatayo naman ang Nana niya sa kaniyang likuran at inaayos ang veil sa buhok niya. She’s wearing a white bateau neckline with V-back. May manipis na

