INILAPAG ni Chance ang kutsara at tinidor kahit hindi pa man niya nakakalahati ang pagkain sa plato niya. Dinampot niya ang plastic bottled water. Binuksan niya iyon at uminom. Nang pumasok si Tres ay patayo na siya. “Tapos na kayo, Boss?” tanong nito sa kaniya, saka tumingin sa plato niyang may laman pang pagkain. “Saan mo ba ‘to in-order? Bakit iba na ang lasa?” tanong niya pabalik dito. Dinampot niya ang plato at inilagay sa Tupperware na naroon ang sobrang pagkain niya. Pagkatapos ay hinugasan niya ang plato’t kutsara saka ibinalik sa lalagyan. Hindi naman iyon masasayang dahil may mga aso naman silang alaga rito sa headquarters at paminsan-minsan ay pinapakain nila iyon ng kanin. “Sa restaurant, Boss,” sagot naman nito, saka umupo na sa harap ng mesa para kumain na rin ng tang

