Chapter 10: Rejection

2290 Words
KANINA pa hindi mawaglit ang mga ngiting nakapaskil sa mga labi ni Ariyah Lynn habang pinagmamasdan niya sina ate Thea at Doc Lawrence na nagsasayaw sa gitna ng dance floor habang tinutugtog ang kantang Forevermore. Ikinasal ang mga ito kanina sa loob ng yate. At dito sa malaking function hall ng Isla Reta Hotel ginanap ang reception. Lahat ng mga bisita ay taga-Maynila at maliban sa pamilya ni Doc Lawrence at kapatid ni ate Thea na nakilala niya kanina ay wala na siyang iba pang kilala. Masaya siya para kay ate Thea dahil sa wakas natupad na ang matagal na nitong pangarap na masayang pamilya para sa mga anak nito. At alam niya na magiging masaya ang mga ito. Siya rin kaya? Kailan din kaya siya makakatagpo ng lalaking magmamahal sa kaniya kagaya ng pagmamahal ni Doc Lawrence kay ate Thea? Wala sa sariling napatingin siya kay Sir Chance. Isa ang lalaki sa mga groomsmen ni Doc Lawrence. Tahimik lang ang lalaki na nakaupo sa harap ng isang round table kasama ang mga kaibigan nito. Tumatango lang ito kapag kinakausap but most of the time, tahimik lang talaga ang lalaki. Sa ilang buwan niyang pagtatrabaho kina ate Thea at Doc Lawrence, mabilang lang sa kaniyang mga daliri kung ilang beses pa lang niyang nakita ang lalaki. At ni minsan ay hindi pa niya ito nakikitang ngumiti. Kung walang emosyon ang mukha nito, nakakunot naman ang noo. Para bang laging pasan nito ang mundo. Kahit no’ng makita niya ito kaninang umaga na nakikipaglaro ng habulan sa kambal, nanatili pa ring seryoso ang mukha nito. At nang ibigay niya rito ang dala niyang ulam ay basta lang nito iyong kinuha at tinaboy kaagad siya. “You like him, don’t you?” Napakurap siya at agad napatingin sa katabi niyang si Gemini. Kagaya niya ay isa rin ito sa mga kinuhang bridesmaid ni ate Thea. Buntis ito at halata na ang umbok sa tiyan nito pero napakaganda pa rin nito. After no’ng encounter nila sa yate ay kanina lang sila nito ulit nagkausap. Humingi ito ng pasensya at sinabi nito sa kaniya na mainit lang daw talaga ang ulo nito nang araw na iyon. “Hindi ah,” kaagad na tanggi niya sa babae. Humalukipkip ito at pinagtaasan siya ng kilay. “H’wag mo ng i-deny. Kitang-kita ko kung paano mo siya tingnan kanina pa. At kitang-kita ko rin na sobra kang nagseselos kay Miss Rachelle dahil siya ang ka-partner niya at hindi ikaw.” Napalunok siya at napaiwas na lang ng tingin sa babae. Si Sir Liam, ang bodyguard ni Miss Ellah, ang naging kapareha niya kanina sa entourage. Wala siyang kaalam-alam sa surpresang kasal ni Doc kay ate Thea at wala rin siyang kaalam-alam na pati siya ay kasali sa mga magiging bridesmaid nito. Sina ate Gemini naman at si Sir Sebastian ang magkapareha na mukhang hindi rin magkasundo. Hindi na lang siya umimik at itinuon na lang niya ulit ang tingin kina ate Thea at Doc Lawrence. Nang biglang nag-iba ang music ay nagsitayuan ang ibang mga couples at tumungo sa dance floor para sabayan ang bagong kasal sa pagsasayaw. Nakita naman niyang tumayo si Sir Liam at niyaya si Miss Ellah na sumayaw. Napuno pa ng tukso ang babae sa mga kakilala nito at mga kaibigan na mukhang may alam sa kung ano ang relasyon ng dalawa. Well, kahit siya ay ramdam niya na hindi lang basta personal bodyguard ni Miss Ellah si Sir Liam. Tumayo rin si Sir Drake at naglahad ng kamay sa asawa nitong si Miss Jenina na kaagad namang tinanggap ng huli at tumungo ang mga ito sa dance floor. Nakita rin niyang tumayo ang kapatid ni ate Thea na si Ma’am Jenny at niyaya si Sir Sebastian na sumayaw na pinaunlakan naman ng lalaki at tumungo rin ang mga ito sa gitna ng dance floor. “Tsk. Go get your man, bago ka pa maunahan ng iba d’yan.” utos sa kaniya ni Gemini, saka padabog na tumayo at naglakad palabas ng function hall. Kunot ang noong sinundan na lang niya ng tingin ang babae. Ano’ng problema nang babaeng ‘yon? Nabaling ulit ang tingin niya kay Sir Chance nang may babaeng lumapit dito. Hindi niya kilala ang babae pero maganda ito at halatang mayaman. Niyaya nito si Sir Chance na sumayaw pero hindi man lang natinag ang lalaki sa kinauupuan nito. Walang nagawa ‘yung babae at umalis na lang. Sa tingin niya ay napahiya ito. Marami pang mga babaeng sumubok na ayain si Sir Chance na sumayaw pero lahat sila ay hindi pinaunlakan ng lalaki. Huminga siya ng malalim. Tumayo siya at naglakad palapit dito. Kinakabahan siya. Natatakot na baka kagaya ng ibang mga babae ay tatanggihan din siya nito. “Hi,” pambungad niya rito. May matamis na ngiting nakapaskil sa mga labi niya. Hindi ito sumagot. Hindi rin siya nito tiningnan kaya nagsalita siya ulit. “Puwede ba kitang maisayaw?” Hindi pa rin nawala ang ngiti niya. Pero ramdam na niya ang pag-iinit ng kaniyang mukha. "If I didn't want to, what would you do, Miss Salvador?” he asked in a very cold voice. Napalunok siya. Sa lamig at baba ng boses nito, pakiramdam niya ay nanindig pati pinong balahibo niya sa katawan. Bahagya pa siyang napaigtad nang mag-angat ito ng tingin sa kaniya at magtama ang kanilang mga mata. Kung gaano kalamig ang boses nito ay gano’n din kalamig ang madilim at walang emosyon nitong mga mata. Bayolenteng muli siyang napalunok. Mas lalo rin siyang kinabahan at gusto na lang niyang umalis sa harap nito kagaya ng ibang mga babaeng sumubok na makipagsayaw rito kanina. “What now, Miss Salvador?” untag nito sa kaniya nang hindi na siya makapagsalita. Tila naputulan na kasi siya ng dila habang nakatitig dito. He moved and leaned his back against the backrest of the chair. Malamig pa rin ang mga mata nitong hindi man lang inaalis sa pagkakatitig sa kaniya pero hindi na kasing dilim kanina. She even saw his eyes flickered as if he is amused. Umayos siya sa pagkakatayo at matapang na inilahad niya ang kanang kamay sa harap nito. “Mr. Chance Daire Saavedra, can I dance with you?” malakas niyang sabi, halos pasigaw na. Nagulat naman siya nang maghiyawan ang lahat ng mga taong nandito. Saka lang niya namalayan na lahat ng atensyon ng mga bisitang nandito ay sa kanila na nakatuon. Tumigil na rin ang kantang pinapatugtog mula sa speaker. Mas lalong nag-apoy sa init ang kaniyang mukha. At kahit hindi niya tingnan ang mga babaeng nagtangkang makasayaw si Sir Chance kanina, alam niyang masama na ang mga itong nakatingin sa kaniya. “Wow, ha! Ang kapal ng mukha. Hindi nga tayo pinansin, siya pa kaya?” Narinig niyang komento ng isang babaeng hindi niya kilala. Pagkatapos ay nagbulungan na ang mga ito. Napatingin siya sa mga ito pero inirapan lang siya saka humalukipkip. Hindi itinago sa mga mukha nito ang panunuya sa kaniya, na tila kampanteng gaya ng mga ito ay ire-reject din siya ni Sir Chance. Nang mapatingin siya sa gawi nina ate Thea at Doc Lawrence ay nakatingin na rin ang mag-asawa sa kanila ni Sir Chance. Gulat ang reaksyon ni ate Thea. Pero si Doc ay mukhang hindi man lang ito nagulat sa ginawa niya. Iniwas niya ang tingin sa mag-asawa at hinarap ulit si Sir Chance. Pero muntik na siyang mapaatras nang makitang madilim na ang mukha nito. Umiigting na rin ang mga panga at nang dumako ang mga mata niya sa dalawang kamay nitong nakapatong sa mga hita nito ay mahigpit na nakakuyom na ang mga ‘yon. “Pagbigyan mo na, bro.” Isang lalaki ang nagsalita, inudyukan si Sir Chance na pagbigyan siyang isayaw nito. Hindi niya kilala ang lalaki pero isa ito sa mga groomsmen ni Doc Lawrence na taga-Maynila rin. Hindi nagsalita si Sir Chance o kahit na tapunan man lang ng tingin iyong lalaki ay hindi nito ginawa. Tumayo ito. Isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong itim na slacks. Sunud-sunod na ang paglunok na ginawa niya. Naitaas niya ang mga kamay sa may bandang tiyan at pinagkukurot-kurot niya ang mga daliri ng kaliwang kamay niya. Ibinaba nito ang mukha para magpantay ang mga paningin nila. Hindi niya iniwas ang mga mata rito. Dumadagundong sa kaba ang puso niya nang mas lalo pa nitong inilapit sa kaniya ang mukha nitong hindi na kakitaan ng anumang emosyon. “I don't like women who are aggressive and can humiliate themselves, just to get what they want.” bulong nito malapit sa kaniyang tainga. Nahigit niya ang kaniyang paghinga. Umayos ito sa pagkakatayo saka tumalikod at naglakad na palabas ng function hall. Nakita naman niyang sumunod kaagad dito ang mga kaibigan. Gano’n din sina Sir Drake at Doc Lawrence, maliban na lang kay Sir Liam na nasa kay Miss Ellah pa rin ang mga mata. Nangatog ang mga tuhod niya. Nanlamig ang katawan at pinangiliran ng mga luha ang mga mata sa sobrang pagkapahiya. I don't like women who are aggressive and can humiliate themselves, just to get what they want. Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig nang mag-echo sa pandinig niya ang sinabi nito sa kaniya. “Lynn,” si ate Carla na siyang unang nakalapit sa kaniya. Nag-aalalang hinawakan siya nito sa siko. “Your hand is sweating coldly. Okay ka lang ba?” puno ng pag-aalalang tanong nito sa kaniya. Lumapit na rin sa kaniya sina ate Thea, Miss Jenina, Tita Estella at Miss Ellah nap uno ng pag-aalala ang mga mukha. Tumikhim siya. Pilit niyang nginitian ang mga ito para ipakitang okay lang siya. “Okay lang ako. Nakita ko kasi na lahat na lang ng mga babaeng lumapit sa lalaking ‘yon kanina para ayaing sumayaw pero hindi niya pinansin. Na-challenge ako, kaya sinubukan ko rin siyang ayain.” mahinang aniya sa mga ito. Nakangiti pa rin. But her heart is bleeding. Nasasaktan siya sa huling mga salitang binitiwan ni Sir Chance. Narinig niyang bumuntonghininga sina ate Thea at Miss Jenina. Hindi man ang mga ito nagsalita pero ramdam niya na pinipigilan lang ng dalawa ang mga gustong itanong ng mga ito sa kaniya. Binigyan naman siya ng isang basong tubig ni Miss Ellah na kaagad naman niyang tinanggap at inubos ang laman dahil pakiramdam niya nanuyo ang lalamunan niya sa dami ng pawis na lumabas sa katawan niya. “Salamat po,” aniya. Inilapag niya sa ibabaw ng mesa ang basong wala ng laman. “Ano ba’ng sinabi sa‘yo ni Gemini at ginawa mo ‘yon?” biglang tanong sa kaniya ni Miss Jenny, na lumapait na rin. Napatingin silang lahat dito. Magkasalubong ang mga kilay nitong nakatingin sa kaniya. Wala man siyang makitang pag-aalala sa mukha nito para sa kaniya gaya ng ibang mga nandito pero halata naman sa mukha nitong hindi ito natutuwa. Mukhang nakita sila nitong nag-uusap ni Gemini kanina bago pa man niya ginawa ang eksenang ‘yon. “May sinabi sa‘yo si Gemini?” tanong na rin ni ate Thea sa kaniya. “For all we know, baka kung anu-anong kalandian na ang tinuturo sa‘yo ng babaeng ‘yon,” sabi ni Miss Jenny. Kaagad naman itong sinaway ni ate Thea. Namula ang mukha niya. Nagyuko siya ng ulo at pinaglalaruan ang mga daliri. “Walang sinabi sa akin si ate Gemini.” depensa niya sa babae. Wala naman talaga maliban doon sa ayain niyang sumayaw si Manong bago pa man siya maunahan ng iba. Sina Sir Drake at Doc Lawrence na lang ang bumalik. Lumapit si Doc kay ate Thea. Si Sir Drake naman ay kay Miss Jenina at niyapos pa nito ang asawa. Humingi siya ng paumanhin kina ate Thea at Doc sa nangyari. She ruined the mood. This supposedly ate Thea and Doc Lawrence’s day, but she stole the scene. “Nah, ‘wag mo nang isipin iyon.” Despite sa nangyari ay ipinagpatuloy ang program. Like slicing of the cake, throwing of the bouquet so on and so forth. Naging masaya ulit ang lahat pero hindi na niya makuhang ibalik ang kasiyahang nararamdaman niya kanina. Hindi siya mapakali knowing na hindi pa rin bumabalik si Sir Chance. Nag-aalala siya. Alam niyang galit na naman ito sa kaniya dahil pinapahiya niya ito. Tumayo siya at lumabas ng hotel. She needs to breath. Kaagad naman na dumampi sa balat niya ang malamig na panggabing hangin. Nagpalinga-linga siya sa paligid, nagbabasakali na makita niya ang lalaki pero mukhang wala na ito rito sa hotel. Umuwi na kaya ito? She sighed. Pumunta siya sa may dalampasigan. Hinubad niya ang suot niyang stiletto dahil lumulubog ang takong n’yon sa puting buhangin. Niyapos niya ang sarili nang malakas na umihip ang malamig na hangin. Naglakad pa siya hanggang sa maabot ng tubig-dagat ang kaniyang mga paa at mahinang humahampas doon. Napatingin siya sa unahan. Madilim ang dagat pero kumikislap naman ang tubig dahil sa mga bituin sa langit. Napatingala siya. Ipinikit niya ang mga mata. Dinama ang lamig ng hangin na humahampas sa kaniyang mukha at ang mahinang paghampas ng alon ng dagat sa kaniyang mga paa. You like him, don’t you? May gusto na ba talaga siya kay Sir Chance kaya siya nagkakaganito? Kahit ilang beses na siya nitong tinataboy, but still, she keeps on chasing him. Dahil ba may nararamdaman na siya para rito? Agad na nagmulat siya ng mga mata nang makarinig siya ng tunog ng makina na paparating na motorboat. Suminghap siya nang makitang may tatlong motorboat na magkasunod na huminto sa unahan. Bumaba rin kaagad ang mga lalaking sakay ng dalawang motorboat. Pero agad namilog ang kaniyang mata nang makilala niya ang lalaking bumaba sa isa pang motorboat. “Simon…” mahinang sambit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD