Chapter 11: Her Biggest Fear

2101 Words
PARANG ipinako na ang mga paa ni Ariyah Lynn sa buhangin. Hindi siya makagalaw. Nanginginig ang kaniyang mga tuhod, nanlalamig ang kaniyang katawan at pakiramdam niya tatalon na ang puso niya palabas sa sobrang kaba. Anong ginagawa ni Simon dito sa Isla Reta? Nalaman na kaya nito na nandito siya? No. Hindi puwede! Hindi siya nito puwedeng makita. Nakita niyang naglakad na ang lalaki papunta sa hotel kasunod ang mga bodyguard nito. Pero bigla itong huminto at lumingon sa gawi niya. Suminghap siya at mabilis na tumalikod at naglakad palayo. Sa kaba at takot na baka nakita siya ng lalaki ay napatakbo siya sa may kanang bahagi ng Isla. Hindi niya alam ang daang tinatahak niya pero hindi na niya iyon iniisip pa, ang importante ay makalayo siya. Hindi siya puwedeng makita ni Simon. Mataas ang dulo ng dress na suot niya kaya huminto muna siya saglit at sinalikop iyon at bahagyang itinaas saka ipinagpatuloy niya ang pagtakbo. Panay rin ang lingon niya sa kinaroroonan ng mga ito. Hindi na niya ang mga ito masyadong maaninag dahil madilim at saka sobrang layo na rin niya. Pero hindi pa rin siya dapat na papakampante. “Ouch!” Napasinghap siya nang may mabangga siyang babae at napasigaw pa ito. Napatingin naman kaagad siya sa babae pero agad na nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang si ate Gemini ang nabangga niya. Nakaupo na ito sa buhangin, nakatukod ang isang kamay sa buhangin at nakahawak naman sa tiyan nito ang isang kamay nito. “A-Ate Gemini…” kinakabahang agad niya itong dinaluhan. “Ate… ate… s-sorry, may masakit ba sa ‘yo? Gusto mo ba na dadalhin kita sa hospital?” nagpapanik na sunud-sunod na tanong niya. Baka napaano ito at ang baby sa tiyan nito. Umiling ito at tumayo. Kaagad naman niya itong tinulungan sa pagtayo. “I’m fine—Lynn?” gulat nitong sambit nang sa pag-angat nito ng tingin ay siya ang nakita. “Wala bang masakit sa ‘yo, Ate? Si baby po? Baka nasaktan ka po, Ate, at ang baby.” aniya, puno pa rin ng pag-aalala. “Relax, Lynn. Okay lang ako.” anito habang pinagpag ang kamay na may nakadikit na buhangin. Pati ang suot nito. Saka lang niya napansin na iba na ang suot nitong damit mula sa suot nito kanina. “Sorry po talaga, Ate. Hindi ko po sinsadya…” aniya, hindi pa rin mapakali. “Bakit ka ba tumatakbo? At mukha ka pang takot na takot, may problema ba?” tanong nito, habang nagpapagpag pa rin sa likurang bahagi ng damit na suot nito. Napakurap siya. Saka lang niya naalala si Simon at ang mga tauhan nito. Napatingin siya sa kung saan siya nanggaling kanina. Kumalabog ang dibdib niya nang makitang may mga taong papalapit sa kanila. Nagpapanik na hinarap niya si Gemini. “A-Ate, may…” lumingon siya ulit. “Ano ba ang problema, Lynn?” “Ate Gemini, itago niyo po ako. Hindi nila ako puwedeng makita,” takot na takot na pakiusap niya rito. Hinawakan pa niya ito sa braso at panay ang lingon niya kung nasaan iyong mga lalaki. “Ha? Sandali—” Hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita at tumakbo na siya sa sobrang kaba at takot niya na maabutan siya ni Simon at ng mga tauhan nito. Narinig naman niyang tinawag siya ni Gemini. “Stop running, Lynn!” sigaw nito. Nilingon niya ito habang patuloy pa rin na tumatakbo. Sinusundan siya nito. Agad naman siyang nag-aalala dahil buntis ito. She slows down, pero hindi siya huminto. Naabutan naman siya nito. Hinawakan siya sa braso at hinila sa kung saan. “Let’s go to where I stay.” Tinahak nila ang kakahuyang bahagi ng Isla. Ilang saglit pa ay bumungad sa kaniya ang nakahilirang mga concrete house. Maliit lang ang mga ‘yon na sa tingin niya ay may tig-iisang kuwarto lang sa loob. Same design din, pati color ng bubong ay magkapareha rin. Sa tingin niya ay mga cottages ito na pinarerentahan ng may-ari kung may gustong mag-o-overnight. Sa pinakadulong bahagi siya nito dinala. Mula rito ay naririnig niya ang paghampas ng alon sa dagat. Binuksan nito ang pinto ng apartment at kaagad siya nitong pinapapasok sa loob. “Halika pumasok ka,” Nauna na rin itong pumasok sa loob. Napatingin naman siya sa kaniyang mga paa na napuno ng puting buhangin. Pagkatapos ay napatingin siya sa baldosadong sahig ng tinitirhan nito. Sobrang linis at nakakahiyang umapak na ganito karumi ang mga paa niya. Pero dahil nasa dibdib pa niya ang sobrang takot na baka nasundan pa rin siya ng mga tauhan ni Simon ay pikit-matang pumasok na lang siya sa loob. Isinara naman kaagad niya ang pinto. Ni-lock pa niya. “Maupo ka muna at kukuha lang ako ng tubig.” anito sa kaniya, saka nagtungo sa maliit nitong kusina. Saglit itong nawala. Tinungo naman niya ang maliit nitong sofa at naupo. Pinagsalikop niya ang nanlalamig pa niyang mga kamay. Nang bumalik ito ay may bitbit na itong isang basong tubig. “Here. Uminom ka muna.” Tinanggap niya ang baso na dala nito. Uminom siya at halos maubos niya ang tubig doon. “Salamat po, Ate.” Tumango lang ito, pagkatapos ay tumalikod at tinungo nito ang isang armchair na nasa harap niya at naupo ito roon. “Ano ba ang nangyari? Bakit gusto mong itago kita? Sino ba ang mga humahabol sa ‘yo at takot na takot kang makita nila?” sunud-sunod nitong tanong sa kaniya. Napalunok siya at nagyuko ng ulo. Humigpit ang pagkakahawak niya sa baso. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya ang totoo rito o hindi. Natatakot kasi siya na kung sabihin niya kay Gemini ang tungkol kay Simon, baka mas lalo lang siyang matunton ng mga tauhan ng Daddy niya. Or worst baka magkakilala ang boss nito at si Simon. Isla Reta is a good place but it’s a less developed resort. At kilala niya si Simon, mas gugustuhin nitong magbakasyon sa ibang bansa kaysa ang magpunta sa ganitong lugar kung gusto nitong mag-relax. Kaya malakas talaga ang pakiramdam niya na nalaman na nito mula sa mga tauhan ng Daddy niya na nakita siya ng mga ito roon sa Davao. At kaya ito nandito sa Isla dahil alam na nitong nandito siya. “Lynn?” untag ni Gemini sa kaniya. “Tell me, so I can report them to my boss.” Mangiyak-ngiyak na nag-angat siya ng tingin dito. “A-Ate…” Kumunot ang noo nito. May pag-aalala na rin siyang nakita sa mga mata nito. Hindi na niya napigilan at tumulo na ang mga luha niya. Naalarmang tumayo ito. Lumapit ito sa kaniya at naupo sa tabi niya. “Lynn, may nang-harass ba sa ‘yo? May mga guest ba rito na binabastos ka?” Umiling siya. “Then, tell me, bakit gusto mong itago kita dahil ayaw mong makita ka nila?” Magsasalita na sana siya nang may kumakatok mula sa labas ng pintuan. Napaigtad siya at namilog ang mga mata. Naalarma naman siya nang tumayo si Gemini. Mabilis niyang hinawakan ang braso nito para pigilan ito. “H-H’wag mong pagbuksan, please…” nakikiusap na sabi niya kay Gemini. Patuloy pa rin ang pagkatok ng kung sino sa labas ng pintuan. “Gemini, it’s me. Open the door.” Napakurap siya nang marinig ang boses ng taong kumakatok. Kilala niya ang boses na ‘yon. It’s Sir Sebastian’s voice. Gemini sighed. Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito nang akmang tatayo na ito. “Pumasok ka muna sa kuwarto ko—” “Gemini, I know you’re still awake. Buksan mo itong pinto at mag-usap tayo.” Halata sa boses ng lalaki na nawalan na ito ng pasensya sa hindi pagsagot dito ni Gemini. “That goddamn man.” mahina pero may diin sa boses na sabi ni Gemini. Hinawakan nito ang kaniyang kamay saka tumayo kaya napatayo na rin siya. Hinila siya nito sa tapat ng nakasaradong pinto. Binuksan nito iyon at pinapapasok siya. Pumasok naman kaagad siya sa loob ng kuwarto. “Dito ka muna at kakausapin ko lang ang boss ko.” anito, pagkatapos ay sinarado nito ang pinto. Inilibot niya ang paningin sa buong kuwarto. Maliit lang ito pero malinis. Maliit lang din ang kama na nakadikit sa may dingding. May maliit na cabinet sa bandang ulunan ng kama at isang stand fan sa gilid n’yon. Maliit lang din ang bintana na gawa sa jalousie. “Don’t deny it, woman.” Napakurap siya at napatingin sa nakasaradong pinto nang marinig niya mula sa labas ang boses ni Sir Sebastian. Lumapit siya sa may pinto at idinikit niya ang kanang tainga roon para mas mapakinggan niya ang pinag-uusapan ng mga ito. “Nakita ka ng mga tauhan ko na may kasama roon sa dalampasigan. Tumakbo pa kayo nang nilapitan nila kayo.” Suminghap siya. Kung gano’n hindi mga tauhan ni Simon ang mga lalaking papalapit sa kanila kanina. “Lahat na lang ba talaga ng galaw ko, papakialaman mo, Sir?” kalmadong tanong ni Gemini. Pero halata pa rin sa boses ng babae na hindi ito natutuwa. “Sino ang babaeng ‘yon? Bakit siya tumakbo at hinahabol mo?” “Isa sa mga guest ng beach resort na kakilala ko.” kalmado pa ring sagot ni ate Gemini. Pumatlang ang katahimikan. Pagkatapos ay narinig niya ulit si ate Gemini na nagsalita. “Inaantok na ako, Sir. Matutulog na ako at maaga pa ako bukas sa hotel.” Hindi niya narinig na nagsalita si Sir Sebastian. Ilang saglit lang din ay narinig niya na bumukas ang pinto ng apartment. Aalis na siguro si Sir Sebastian. Huminga siya ng malalim. Umalis siya sa tapat ng pinto. Ilang sandali pa ay bumukas iyon at pumasok si ate Gemini. “Ite-text ko na lang si Thea na dito ka na matulog sa apartment ko at bukas ka na uuwi sa bahay nila.” sabi nito. Tinungo nito ang cabinet at naglabas ng t-shirt at pajama roon. Bumalik ito kaagad sa kaniya at ibinigay ang mga iyon sa kaniya. “Magbihis ka na muna.” Tumango siya at tinanggap ang bihisan. “Magtitimpla ako ng gatas. Gusto mo rin ba?” tanong nito sa kaniya. Umiling siya. Matagal pa siya nitong tiningnan bago marahang tumango at lumabas na ng kuwarto. Nang maiwan siya ay mabilis naman ang kilos niya na nagbihis. Pagkatapos ay lumabas kaagad siya ng kuwarto. Dumeretso siya sa kusina nang makitang wala ito sa sala. Naabutan naman niya itong nakaupo sa harap ng maliit nitong lamesa habang umiinom ng gatas. Nang makita siya nito ay kaagad na pinasadahan nito ng tingin ang damit nitong suot na niya. Nakita pa niyang tumaas ang isang sulok ng labi nito. Pagkatapos ay sininyasan siya nitong lumapit at iminuwestra ng isang kamay nito ang upuang nasa tapat nito habang sumisimsim sa tasang hawak. Medyo malaki at maluwag sa kaniya ang t-shirt pero komportable naman siya at ang pajama ay kasya naman sa kaniya. “Na-text ko na si Thea. And she said, okay.” anito, matapos maibaba ang tasa sa harap nito. “Salamat, ate Gemini.” nahihiyang sabi niya rito. Pasimple pa niyang niyapos ang sarili at hinaplos ang mga braso para maibsan man lang ang panlalamig niya. Tumitig lang ito sa kaniya. Naiilang siya at nahihiya pa rin kaya nagyuko siya ng ulo. Tumayo ito kaya nag-angat siya ng tingin dito. Nakita niyang kumuha ito ng tasa sa may cupboard at kutsara. Pagkatapos ay sinalinan nito iyon ng mainit na tubig mula sa takore. Bumalik ito saka inilapag sa harap niya ang isang tasa na may mainit na tubig at isang sachet na Milo. “Nilalamig ka kaya mas mainam na uminom ka n’yan.” Tumango siya at nagpasalamat. Pagkatapos ay dinampot niya ang sachet ng milo at binuksan. Naupo naman ito ulit at ipinagpatuloy ang pag-inom sa tinimpla nitong gatas. “Siguro naman sasabihin mo na sa akin kung bakit ka tumatakbo kanina?” Napalunok siya at napa-angat ang tingin niya kay Gemini nang magsalita ito. Naalala niya ang narinig kanina kay Sir Sebastian. Napalunok siya ulit. “A-Akala ko kasi mga masasamang tao ‘yong mga lalaking papalapit sa atin kanina.” “Mga tauhan sila ng boss ko. Pero hindi iyon ang tinutukoy ko. Earlier than that, sino ang humahabol sa ‘yo at tumatakbo ka?” Kagat ang pang-ibabang labi na napayuko siya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. “Hinahabol ako ng mga tauhan ng lalaking gusto ng daddy ko na pakakasalan ko,” pag-amin niya. At ngayong buwan sana ang kasal nila ni Simon kung hindi siya naglayas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD