CHAPTER 13 - GOLF PARTNER

2877 Words
NESTLE Napaangat ako ng tingin nang tumayo si Duke. Busy ako sa pinapaayos niyang mga papeles. Hindi ko alam kung ano bang topak ang pumasok sa isip niya at kanina pa niya ako tinatrato ng ganito. Pag magtatanong ako ay malamig lamang ang boses niya pag kinakausap ako. Tapos panay pa ang paulit niya sa inayos kong mga papeles. "Follow me. We're going to visit the construction site," wika niya habang sinusuot ang tuxedo nito na hinubad niya. Nataranta naman ako at inayos muna ang mga papers. Pinatay ko ang laptop na pinagamit niya at kinuha ang bag ko. Lumabas si Duke kaya agaran akong sumunod. Maraming empleyado ang bumabati at yumuyuko pag nadadaanan namin sila. Wala namang tugon itong si Duke at tila hangin lang kung tingnan ang mga empleyado niya. Tumapat siya sa private elevator na tanging siya lang pala ang maaaring makagamit. Napatingin ako sa shoes ko nang mapansin na parang pabigay na pala. Simula kasi nang magwork ako sa bangko ay hindi ko pa ito napapalitan. Siguro pag nakasahod na ako ay bibili ako ng bago. Pumasok siya at sumunod ako. Tahimik lang kami habang hinihintay na makarating sa ground floor. "What's my schedule in the afternoon?" tanong niya. Agad ko namang hinalungkat ang bag ko at kinuha ang shedule list ko sa mga lakad, meeting, etc. Tiningnan ko at binasa sa kaniya. "Ahem. Your shedule at 3 pm is with Mr. Chan at the Golf Village. At 6 pm you have a meeting with Mr. Lazaro in the Sea Blue Restaurant. That's all," sabi ko sa kaniya at tumingin sa kaniya na nakasandal sa elevator habang nakapamulsa. Nakapikit siya na tila hobby niya pag nasa elevator na. "Cancel my meeting with Mr. Lazaro," sabi niya at dumilat kasabay ng pagbukas ng elevator. Napamaang ako dahil bakit niya kinancel? Sumunod ako agad bago pa ako mapagsarahan ng pinto. "Duke este Sir, bakit niyo ipapacancel? Sabi ni Mr. Lazaro ay importante daw iyon--" "I said, cancel my meeting. I'm the boss here anyway," sabi niya na pinutol ang sasabihin ko. "Yeah! Yeah! Boss Arrogant," inis na bulong ko. "Your saying?" tanong niya. "Wala Sir. Sabi ko po na napakabait niyong boss. Sobra," madiin at sarkastiko kong sabi. Hindi siya sumagot at tumuloy lang ng lakad. Busangot at nakanguso na sumunod ako sa kaniya. Ang bilis pa niyang maglakad. Binabagalan ko na nga dahil baka bumigay na ang heels ko. "Hi Duke! Hi Nestle! Saan kayo pupunta?" biglang sulpot ni Kimberly sa dinadaanan namin. Nakasuot na siya ng uniform ng isang receptionist. Kulay black and violet ang color match ng uniform. Maputi pala siya kaya bagay sa kaniya ang uniform. Nakasuot pa rin siya ng salamin at nakapusod ang buhok. Alam ko na maganda siya pag inayusan. Kitang-kita kahit na may hadlang. "Back to work, Kimberly. Hindi kita hinire rito para gawing laro lang ang pagtatrabaho mo rito," sabi ni Duke. "Hindi naman ako naglalaro lang. Masama bang magtanong?" nakangusong sabi ni Kimberly na akala mo ay close sila ni Duke. "Bumalik ka na at maraming bisita ngayon. Pag may naghanap sa akin ay sabihin mong bumalik na lang bukas," sabi na lang ni Duke dito. "Let's go, Nestle," tawag sa akin ni Duke at lumakad na.  "Hay! Kahit nagsusungit siya ang gwapo pa rin niya. Tingin mo may girlfriend na siya?" sabi niya sa akin. Umiling lang ako at maglalakad na sana nang magsalita pa siya. "I want him. Help me, Nestle," sabi nito. Hindi ko na siya pinansin at humabol kay Duke. Anong akala niya na porket kilala na niya ang pangalan ko ay feeling close na siya para manghingi ng tulong. Tiningnan ko ng masama ang likod ni Duke. Nakakainis! Pagdating namin sa labas ng hotel ay nag-aabang na ang kotse niya at yung driver. Nang ambang lilingon si Duke ay agad kong inalis ang masamang tingin sa kaniya. "You go first," sabi niya sa akin at pinapauna akong pumasok. Hindi na ako nagkomento pa at sumakay na gaya ng sabi niya. Umusog ako sa pinakadulo at sa bintana agad ako tumingin. "Sir, saan tayo?" tanong nung driver na tauhan nila. "Sa hardware muna. Kailangan kong alamin kung tama ba ang mga nabiling gamit para sa gagawing ilang gusali ng hotel," sabi ni Duke kay Kuyang driver. Pagkasabi ni Duke no'n ay pinaandar na ni Kuyang driver ang sasakyan. Nakatingin lamang ako sa dinaraanan namin. May ilang maliliit na bahay din pala na naninirahan rito. Siguro ay hindi na ito sakop ng isla nila Duke. Sandali lang din ang byahe dahil malapit lang pala ang hardware na sinasabi ni Duke. Nauna siyang bumaba kaya umusog ako para makababa. Pero napaangat ako ng tingin sa kaniya ng maglahad siya ng kamay sa akin. Tinanggap ko iyon dahil nahihirapan din akong bumaba. Sinara niya ang pinto pero hindi pa niya binibitawan ang kamay ko. Maglalakad na sana siya pero napahinto din nang hindi ako nagpatanggay. Nagtataka siyang lumingon sa akin. "Yung kamay ko," sabi ko sa kaniya. Agad naman niyang binitawan ito at napahagod siya sa batok niya bago tumalikod. "Follow me," sabi niya at naunang lumakad. Sumunod ako sa kaniya at hindi na inisip pa iyon. "Magandang araw, Sir Duke," bati ng tingin ko ay may ari. Nasa isang table ito na may sinusulat sa isang resibo. Maputi ang buhok ni manong habang may salamin. "Ayos lang ba ang inorder ng mga trabahador ko?" tanong ni Duke rito. Naupo naman ako sa isang bangko dahil nangangawit ako. "Yes, Sir. Halika at ipakita ko sa inyo ang resibo. Gaya ng sabi ng mga tauhan niyo," sabi ni manong kay Duke at inaya sa table nito sa loob na pagitan lang ay isang mahabang counter na may display na mga gamit na mabibili rito. Tumingin sa akin si Duke at nang makita na nakaupo ako ay sumunod na siya kay manong. Napahinga ako ng malalim at nagpalumbaba habang tinitingnan ang mga trabahador na binubuhat ang mga sako-sakong mga semento. "Oh ilan na ba yan?" tanong ng isang trabahador na babae? Napaayos ako ng upo sa gulat na kaya niyang magbuhat ng semento? Tiningnan ko ang suot niya. Loose shirt, pants na pambabae, lumang rubber shoes, at nakacap din siya na pabaliktad. Nakaipit ang mahaba niyang buhok. Mukha siyang tomboy pero maganda naman siya base sa figure ng mukha niya. "Astig talaga nitong si Jhaycee. Napapasunod ang mga gunggong na tamad," bulungan ng dalawang trabahador nitong hardware tungkol siguro doon sa babae. Pumasok yung babae at napatingin sa akin. Nginitian ko siya at siya naman ay alanganin na ngumiti at tinungo ang counter. May kinuha siyang notebook doon tila listahan ng mga deliver. "Let's go," napatingin ako kay Duke na hindi ko namalayan na nariyan na pala. Tumango ako at tumayo. Sabay naming tinungo yung kotse niya. Sabi ni Duke ay sa mismong construction na daw kami patungo. Kaya bumalik kami ulit sa hotel. Pero sa pinakalikod na umikot ang sasakyan dahil doon gumagawa ng bagong building. Pagdating namin doon ay nagsuot muna kami ng parang helmet sa ulo. Basta yung nilalagay ng mga karpintero sa ulo nila. Si Duke ay nagtanggal ng tuxedo at pinahawakan sa akin. Napasimangot ako dahil sa akin pa pinabitbit. 'Nestle, secretary ka di ba?' napapailing na lang ako sa sarili ko. Nababaliw na ata ako. Pati isip ko kinakausap na ang sarili. Tinaas niya ang manggas ng polo niya at tinungo ang mga manggagawa. Kaya sumunod ako. Tumitingin din ako sa mga bagong gawang room. Marami na din pala na nagawang room.. Pintura na lang ang kailangan. Nag-ikot-ikot pa kami nang may maramdaman akong nakatingin sa akin. Lumingon-lingon naman ako pero wala akong makita. Nagkibit-balikat na lang ako at sumunod kay Duke na may kausap na lalaki tila engineer o namununo sa paggawa nitong building. Lalapit pa lang sana ako kay Duke na nakatingin pala sa akin. Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa akin. "Iwas!" sabi niya pero hindi ko maintindihan. Tinakbo niya ang pagitan namin at hinatak ako. Nakarinig ako ng mga nagbagsakan na mga bakal. Para naman akong natuod ng maunawaan ko kung bakit niya ako pinapaiwas. "Tsk. Kung hindi kita hinatak baka natamaan ka na," sabi ni Duke na nakayakap pala sa akin. Pero hindi ko magawang tanggalin dahil nagulat pa rin ako sa nangyari. Umalis ako sa yakap niya at tiningnan ang mga bakal. Napakarami no'n at may ibang matulis. Tiyak na baon sa katawan ko pag tumama sa akin. "Bakit hindi niyo nakita na babagsak ang mga bakal ha?" sabi nung engineer sa mga tauhan na gumagawa. "Sir, nasa isang sulok po iyan at nakatali pa. Kaya nga po nakakapagtaka na nagbagsakan," sabi nung isang lalaki. Kung gano'n, hindi lang aksidente ang nangyari? "Hahayaan ko ito. Pero sana ay wag nang maulit. Ayoko na dahil lamang sa kapabayaan niyo ay may masaktan. Wag niyo nang itatayo sa isang tabi ang mga bagay na babagsak," sabi ni Duke sa mga ito. "Yes, Sir. Pasensya na," paumanhin ng engineer. "Sige, pagpatuloy niyo na ang ginagawa niyo at aalis na kami," sabi muli ni Duke at hinawakan ako sa braso para hatakin palabas. "Aray naman!" reklamo ko nang agad niya akong isakay sa sasakyan. Pagsakay niya ay hinarap niya ako. "Bakit kasi hindi ka tumitingin sa paligid mo ha?! Paano kung nabagsakan ka? Sa susunod wag ka nang sumama," irita niyang sabi. Sino kaya nagsama sa akin doon? "Aksidente po iyon, Sir. Kung sino man ang nasa posisyon ko ay hindi din malalaman na mababagsakan. Tsaka ikaw ang nagsama-sama sa akin doon. Tapos parang sinasabi mo na pinilit ko talagang sumama sa'yo. Haler!" sabi ko sa kaniya. "Tsk. Ayaw talagang magpatalo," bulong nito. "Ano?" nakakunoot-noo kong tanong dahil hindi ko narinig ang binulong niya. "Kuya Wilson, sa Havanna tayo," sabi ni Duke at hindi pinansin ang tanong ko. Inirapan ko siya at sa bintana na lang tumingin. Habang tumitingin ako sa bintana ay iniisip ko pa rin ang nangyari. Paano kung nabagsakan ako? Paano kung hindi ako nahatak ni Duke? Tumingin ako kay Duke na sa bintana din nakatingin. Tila malalim ang iniisip niya. Gusto ko pa rin na magpasalamat dahil sa kaniya ay wala akong galos ngayon. Ibubuka ko sana ang bibig ko nang huminto na ang sasakyan. Tumingin ako sa paligid at ang nakita ko ay ang isang Aurora Fashion & Shoe Store. Agad kong kinuha ang sched list ko sa bag at tiningnan kung may appointment ba si Duke d'yan? Pero wala naman. "Teka Duke, wala ka namang appointment d'yan," sabi ko sa kaniya. "Kailangan lang ba ng appointment bago ako magtungo rito?" sabi niya. "Tsk. Napakasungit," bulong ko nang makababa siya. Humalukipkip ako dahil hindi naman niya ako sinasabihan na sumama. Kaya maiiwan na lang ako rito. "Uupo ka na lang ba d'yan?" tanong niya at sumilip mula sa pinto. "Ikaw na lang. Kaya mo na siguro na walang secretary, di ba?" sarcastiko kong tanong. "Baba! Pag hindi ka sumunod, hindi ko ibibigay ang paunang sahod mo," sabi niya na kinaayos ko ng upo. Bubulyawan ko sana siya dahil pati sahod ko pinapakialaman. Pero tumalikod na siya at umakyat ng hagdan. Nagdadabog na bumaba ako ng kotse at sumunod sa kaniya. Ayaw ko sana na bumaba dahil pabigay na ang heels ko. Masyadong nakaladkad nang hatakin ako ni Duke mula sa aksidente. Pumasok siya at kasunod ako.. Nilibot ko ang tingin sa store. At ang masasabi ko lang ay mamahalin lahat ng tinda. Pero ang nakapukaw sa akin ay yung mga display na mga damit, pants, at shoes. Hindi siya printed kundi isang pinta. At isa lang naman ang iniidolo ko sa pagpinta, lalo na sa mga damit at ilang artworks nito na nakita ko na. "Good Day, Sir Duke!" bati ng mga empleyado kay Duke na talagang kilalang-kilala siya. Tumango lang si Duke at naupo sa isang couch na tingin ko ay waiting area ng mga costumer. "Bihisan niyo siya ng gaya ng sabi ko sa inyo," sabi ni Duke. At nabigla ako nang tumingin sa akin ang mga empleyado. Ngumiti ang mga ito at agad na lumapit sa akin. Hinawakan ako ng dalawang babae sa braso na kinataka ko. "Wait! Saan niyo ako dadalhin?" naguguluhan kong tanong sa mga ito nang hatakin ako. Tumingin ako kay Duke na nakasandal lang sa couch at nakapikit. Nagpupumiglas ako pero malakas sila lalo't dalawa. Dinala nila ako sa isang fitting room at doon ay marami pa akong nakitang mga damit. May kinuha sila sa isang kahon at inabot sa akin. "Ma'am, suotin niyo po," nakangiting sabi ng isa. Napahinga ako ng malalim at kinuha iyon. "Gusto niyo po na tulungan namin kayo magbihis?" tanong nung isa. "Wag na. Kaya ko na," agad akong tumanggi at umiling sa tanong nito. Haler! Kahit babae sila kaya ko namang bihisan ang sarili ko at tsaka nakakahiya naman na maghuhubad ako sa harap nila, lalo't hindi ko sila kilala. Pumasok ako sa isang room na may sliding door. Nilapag ko ang box sa isang table doon na patungan siguro ng mga nagfifitting. Binuksan ko iyong kahon at tiningnan ang laman. Naguguluhan na kinuha ko ang laman. "Isang golf uniform?" taka kong sabi sa sarili. 'May nakasulat na ngang golf, nagtataka ka pa.' Pero ang kinaganda nitong puting-puti na uniform ay pinta din ang ginamit para sa word na Golf. Kinuha ko pa ang iba at isang palda na medyo maikli. Tapos may sapatos pa na pinta rin ang design. Isang bulaklakin ang design ng sapatos. At ang pinakahuli ay cap na puti rin. Bakit naman ako pagsusuotin ni Duke ng ganito? "Miss, tapos na po kayo?" katok ng empleyadong babae na nagdala sa akin dito. Nataranta naman ako at kinuha ang damit. "Wait lang!" tugon ko at hinubad na ang suot kong formal suit. Sinuot ko ang tshirt na puti na pakwelyo siya. Sakto lang siya sa akin na parang alam na alam na nila ang sukat ko. Sinunod ko naman ang palda na may pasunod na cycling short na pinapasalamat ko. Mamaya tangayin ng hangin ang palda ko, edi kita na ang hindi dapat makita. Naupo ako sa isang chair at sinuot ang mahabang medyas na puti at ang rubber shoes na puti. Nakakapagtaka na sukat na sukat lahat. Madali lang ba talagang mahulaan ang mga size ko? "Ma'am, are you done?" katok muli ng babae. Dali-dali ko namang inayos ang formal na suot ko kanina at maging ang sapatos. Inilagay ko sa kahon na pinaglagyan ng uniform na suot ko ngayon. Binuhat ko iyon pati ang bag. Tiningnan ko pa kung may naiwan ba ako? Nang wala na ay lumabas na ako. Nang makita ako ng mga sales lady rito ay napangiti sila. "You're so cute, ma'am," puri nila sa akin na kinamula ng mukha ko. Syempre uto-uto ako kaya paniwalang-paniwala ako. Chos. "Halika na po at naiinip na po si Sir," aya na nila sa akin kaya tumango ako Kinuha nila sa akin ang box na ayaw ko pang ibigay sa kanila. "Kami na po ang magbibitbit at maglalagay sa sasakyan," sabi pa nito kaya hinayaan ko na. Paglabas namin ay nakita ko si Duke na nakacross legs na nakaupo habang nakasandal sa upuan. May katabi siyang paper bag at ang kinagulat ko na terno kami ng suot pero panlalake. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. Napatiim bagang siya nang makita ang palda ko. "Bakit palda ang pinasuot niyo?" sabi niya sa mga empleyado na nasa tabi ko. "Po? Ay Sir, palda po talaga ang sa babae," sagot nung pinakamataas sa kanila. Iba kasi ang suot niya sa ibang empleyado. Tumayo si Duke habang bitbit ang paper bag. "Let's go, Nestle," sabi niya tila nabadtrip. Problema na naman nito? Naku padalas ng padalas ang sumpong niya. Tsk! tsk! Nagpaumanhin ako at nagpasalamat sa mga empleyado bago sumunod kay Duke. Nakita ko siya na naghihintay na sa sasakyan. Kaya bumaba na ako ng hagdan. Pagsakay ko ay sinungitan agad ako. "Ayusin mo nga ang upo mo. Kita mong ang ikli-ikli na nga ng suot mo hindi ka pa umayos," sabi niya. "Bakit ba inis na inis ka? Wala kang magagawa kung ito ang uniform. Tsaka ikaw itong pinagbihis pa ako kala mo naman na maglalaro din ako," dahil nakakainis na siya ay pinatulan ko na. "Tsk. Maglalaro ka rin dahil kailangan mo akong tulungan na matalo si Mr. Chan," sabi niya. "Ano?! Talagang sa akin ka pa humingi ng tulong ha? Anong akala mo sa akin professional player? Ayoko ngang maglaro. Ikaw na lang," sabi ko sa kaniya na umiiling-iling. "Kailangan mo akong tulungan dahil para ito sa mamamayan na nawalan ng tirahan rito," sabi niya. "Huh? Bakit anong kinalaman ng golf sa mamamayan rito?" naguguluhan kong tanong sa kaniya. "Dahil pag natalo natin si Mr. Chan, ibabalik niya ang lupang binili niya na dahilan kung bakit wala nang lupang matayuan ang mga tao rito na naninirahan sa isla," paliwanag niya. "E, mayaman naman kayo. Bakit hindi mo bilhin sa kaniya iyon?" suggestion ko dahil ayoko talaga. Jusko! Baka sa akin ay matalo pa. "Mayaman na si Mr. Chan. Pag binili niya ay hindi na niya binebenta muli.. Kaya ang tanging paraan lang ay matalo siya," "Matanda na siguro iyon. Kaya tiyak na kaya mo nang matalo iyon," sabi ko na kinailing niya. "I don't think so. Yes, he's actually old. He's already 70. But, no one can beat him. He's an expert when it comes to golf. And I don't know if I will win," sabi niya. "Bakit hindi mo siya matatalo? Hindi ka ba naglalaro ng golf?" tanong ko sa kaniya. "Hindi. Dahil car lang ang kaya ko," sabi niya. "Ano ba yan! Bakit kasi hinamon mo? Bahala ka pag natalo ka. Ikaw ang may kasalanan pag mawalan ng bahay ang mga tao rito," "Kaya nga dalawa tayo. Wala nang atrasan," nakakalokong sabi niya. Inirapan ko siya at tumingin na lang sa bintana. Napahinga ako ng malalim dahil tila wala na akong magagawa. Nakakainis naman ang araw na ito! Napakaraming nangyayari na lagi kong kinakagulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD