CHAPTER 14 - MEET MR. CHAN

2912 Words
NESTLE Sakay kami ni Duke ng isang golf cart para dalhin kami kay Mr. Chan.. Iniisip ko kung ano bang itsura ni Mr. Chan? Siguro masungit iyon, mataba, maputi ang buhok.. ano pa ba? May tungkod. Tapos yung tungkod ang ginagawa nitong pangtira sa bola. Napabungisngis ako sa kagagahan na iniisip ko. "What's funny?" tanong ni Duke. "Wala! Wala!" umiling-iling ako sa kaniya. "Ngayon lang ulit kita nakitang ngumiti," sabi niya na kinawala ng ngiti ko sa labi. Napatikhim ako at tumingin sa paligid. Spell A-W-K-W-A-R-D. "Narito na tayo," sabi niya nang mapansin na wala akong naging reaksyon sa sinabi niya. Bumaba siya at bumaba na rin ako. May nakita akong ilang empleyado rito sa golf na may tulak-tulak na mga gamit sa golf. Maraming napapatingin sa amin na mga naglalaro. Ang ilan siguro ay nasa thirty na. Sa aming paglalakad ay naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Duke sa bewang ko at hinapit ako habang inaakay na maglakad. Hinawakan ko iyon at balak sanang alisin. "Don't," bulong niya sa maawtoridad na boses. "I want them to know that you are mine," habol pa niyang sabi. "Ano bang pinagsasabi mo?" sabi ko sa kaniya at hinawakan ang kamay niya para alisin. "We're here," bulong niya kaya nahinto ako at napatingin sa tinitingnan niya. Nakita ko ang isang matandang lalaki na maputi nga ang buhok pero hindi mataba. Masiyadong fit at matikas pa rin ang katawan. Nakaupo siya sa isang folding chair habang may mga nakapaligid rito. May dalawang babae na sexy na pinaypayan siya habang may iniinom siya. Napasunod na lang ako kay Duke dahil nakahawak pa rin siya sa bewang ko. Huminto kami sa may gilid ni Mr. Chan na nakatingin na sa amin. Kinabahan ako dahil mukha nga siyang masungit. Tiningnan pa niya muna kami tila kinikilatis. "Good Afternoon, Mr. Chan. I'm Duke Sean Ford; the BF Hotel's CEO," seryosong pakilala ni Duke.  "Have a seat, Mr. Ford," sabi ni Mr. Chan at nagulat ako ng tumingin siya sa akin. "You're his wife, right?" tanong niya. "No-no, Sir," tanggi ko. Umismid ito tila hindi gusto ang nangyayari. "I thought you're married now, Mr. Ford? You told me before our meeting that you already have a wife. You know marriage is very sacred for me," "Yes, Mr. Chan. She's my wife. She's so nervous that's why she doesn't know what she is saying," tugon niya na kinalaki ng mata ko. Tumingin ako sa kaniya na nakatutok lang ang mata sa matanda. Pinisil niya ang bewang ko para iparating na makisakay na lang ako. "Is that true, Miss?" tanong ni Mr. Chan sa akin. Pinisil ulit ni Duke ang bewang ko. "Y-Yes, Sir," nauutal kong sagot. "I see. That's right," natutuwa niyang sabi tila gustong-gusto niya na nakakarinig ng mag-asawa. "Glenda, please give them drinks," utos nung matanda sa babaeng isa sa nagpapaypay rito. Nakasuot ng chinese dress ang mga ito pero sexy. Lalo't kita ang cleavage at kalahating hita. Sinunod naman nung Glenda ang utos ni Mr. Chan. Nagsalin ito sa baso ng inumin at tsaka lumapit sa amin. Kumuha ako at ganun din si Duke. "Uminom muna kayo dahil baka mauhaw kayo sa inyong paglalaro," sabi ni Mr. Chan. Isang tea ang pinaiinom sa amin. Sumimsim ako habang nag-uusap si Duke at Mr. Chan. Iniisip ko kung bakit sinabi ni Duke na may asawa na siya? At bakit ako pa? Humanda siya pag-alis namin dito. Dahil hindi pwede sa akin na ako pa talaga ang gagamitin niya. "Mr. Chan, kaya lang naman ako narito ay upang ipakiusap kung maaari ba naming mabili ang lupang nabili niyo sa bayan ng isla na ito?" sabi ni Duke na kinahalakhak ni Mr.Chan. "Mr. Ford, alam mo siguro na kapag binili ko ang isang bagay ay hindi ko na binebenta," "Nagbabaka-sakali lang ako, Mr. Chan," napahinga siya ng malalim tila nahihirapan siyang kumbinsihin ang matanda. Noon, alam ko na may side si Duke na mabait lalo na sa mga taong nahihirapan. Isinama kasi ako nila Miss Ganda nung bata pa lang kami sa isang amusement park. May nakita kami ni Duke noon na isang ale na tagapaglinis ng parke. May tatlong anak ito na maliit pa sa amin noon. Umiiyak ang tatlong iyon dahil gutom na daw sila. Nilapitan iyon ni Duke kaya sumunod ako. May kinuha si Duke sa paper bag na bitbit niya kung saan ay binili ni Miss Ganda na mga burgers and fries na may free sports car na toys. Binigay niya iyon sa mga bata. 'Salamat, hijo. Napakabait niyo naman na bata,' pasalamat ng ale. Tahimik lang na tumango si Duke habang pinapanood ang mga bata na gutom na gutom na kinakain ang binigay niya. "Mapapayag mo ako, Mr. Ford. Kung matatalo niyo si Glenda at ako sa larong golf. Pinapangako ko na maluwag kong ibibigay ang titulo," nagbalik lang ako sa aking diwa nang magsalita si Mr. Chan. "And if we lose?" "Hindi niyo na maaari pang muling makuha ang titulo," sabi pa ni Mr.Chan.. Nagkatinginan kami ni Duke at nakikita ko ang determinasyon sa kaniyang mata na makuha ang titulo. Ngunit paano kami lalaban kung pareho naming hindi alam kung paano laruin ang golf? Tumango ako sa kaniya kaya tumingin kami kay Mr. Chan. "Sige, pumapayag kami," sagot ni Duke sa hamon ni Mr. Chan. "Okay. Glenda, magbihis ka na at may kakalabanin ka," nakangiting sabi ni Mr. Chan kay Glenda na yumuko at nanlaki ang mata ko ng isa-isa niyang tinanggal ang tali ng chinese dress nito. Napatingin ako kay Duke na nakatingin doon.. Nagpalipat-lipat ako ng tingin dahil konti na lang matatanggal na ang suot nito. Hindi ko alam ang gagawin. Parang ayokong tumingin si Duke sa katawan ng ibang babae. Kaya dahil sa hindi ko nakontrol ang sarili ay natakpan ko ang mata niya. "Hey!" anas niya sa akin at hinawakan ang kamay ko na nakatakip sa mata niya para alisin. "Wag! Kasi- ano pala. Kailangan kong gawin ito upang alisin ang kaba mo," hindi ko malaman ang sasabihin ko. Napakagat ako ng labi dahil parang nakakatanga ang sinabi ko. "Hahaha! I like your wife, Mr. Ford. She's jealous," tuwang-tuwa na sabi ni Mr.Chan kaya napatingin ako muli doon. Namula ako sa kahihiyan dahil nakadamit na pala talaga yung Glenda. Inalis ko ang kamay ko sa mata ni Duke at tumalikod habang iniinom ang tsaa. Nakakahiya! Shet! Gusto ko nang lumubog sa lupa. Baka iba ang isipin ni Duke. "I agree with you, Mr. Chan. She's very possessive of me. And I like that," sakay naman nitong si Duke. Humarap ako sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay. Ibig sabihin lang no'n ay tumigil siya. Napakamot siya ng kilay at tumigil. "Mag-umpisa na tayo, Mr. Chan," pag-iiba ni Duke. "Is it okay with you na ang misis mo ang kumalaban kay Glenda?" tanong ni Mr.Chan. Nagkatinginan kami dahil akala namin ay partner-partner ang labanan. Lalo akong kinabahan dahil ako ang unang magpapatalo. Naman! Anong laban ko kay Glenda na mukhang hasang-hasa nang makipaglaban sa golf? Kaya ko ito! Ititira at ishoshoot ang bola. Sana naman mashoot. Lord, please help us. Kahit ngayon lang po. Bigyan niyo kami ng galing sa paglalaro ng golf. Please! Please! "Yes, Mr. Chan. It's okay with me," nakangiti kong sabi at tumingin kay Glenda na napapangiti at napapangisi habang iniikot ang ulo tila nagbabanat na ng buto para sa magiging laban namin. Tumayo na ako at sumunod kay Glenda na patungo kung saan kami pupwesto. May hawak ang isang babae na taga-pangasiwa ng mga gamit ng golf. Isang cart golf bags. Lalagyan ng mga golf club 'yung pamalo sa golf ball'. Pumili ako ng akin at gano'n din si Glenda. "Dahil alam kong wala kang laban sa akin. Sa malapit lang," sabi ni Glenda tila iniinsulto ako. "Anong akala mo sa akin hindi marunong pumalo? Hindi mo ba alam na expert ako sa golf," sabi ko habang kinikilatis pa ang golf club parang isang ginto. "Okay sabi mo," nakangising sabi niya. "Nestle!" napalingon ako sa likod ko nang tinawag ako ni Duke. Tumingin muna ako kay Glenda bago lumapit kay Duke. "Bakit?" tanong ko pagkalapit ko sa kaniya. "Magconcentrate ka. At dapat kahit na hindi mo kaya ay dapat makaisang palo ka lang at dapat mashoot mo na ang bola," bilin niya. "E, paano kung marami akong palo bago ko matamaan ang bola?" "Kundi matatalo ka. Dahil pakontian lang ng palo sa golf upang manalo," sabi niya. Lalo akong napressure. Ganun pala iyon. "Sige. Sige. Thank you sa information," sabi ko sa kaniya at tatalikod na sana nang hawakan niya ang kamay ko. Kaya lumingon muli ako. "Alam kong kaya mo yan," sabi niya. Kumabog ang dibdib ko habang nagkatitigan kami ng mata. Agad akong umiwas dahil mas lalo akong kinabahan. Binawi ko ang kamay ko sa kaniya. "Salamat. Sige punta na ako doon," sabi ko sa kaniya na hindi makatingin. Tumakbo na ako muli sa pwesto ni Glenda na nakahalukipkip habang naiiling na tinitingnan pala kami. "What a sweet couple," sabi niya pagkalapit ko. "You know what I think? He's good in bed. Right?" nakangising sabi niya tila sinusura ako. Anong akala niya magpapaepekto ako para matalo. "Hindi din. Mandidiri ka lang. Ang baho kaya ng hininga niya. Tapos yung paa niya puro alipunga," sabi ko. Ibig kong humalakhak ng makita na napangiwi siya. Gosh. Maging ako nandidiri sa mga pinagsasabi ko. Kahit hindi naman totoo. Umismid siya at tumingin na sa bola ng golf. "Umpisahan na natin," sabi niya. "Ako muna bago ikaw," pagpapatuloy niya. Tumango ako at umatras ng konti. Pumuwesto na siya at inuma ang golf club sa golf ball. Mahina niyang pinalo ang bola. Napalunok ako nang mashoot. Tumingin siya sa akin at tinuro ang bola tila pinapahiwatig na easy lang. Huminga ako ng malalim at pumuwesto. Inuma ko ang golf club sa bola at tumingin ako sa hole na magiging goal ng larong ito. Mga dalawang step lang ang pagitan. Malapit lang. Jusko. Ang shunga ko na talaga pag hindi ko pa nashoot ito. Bumuga ako ng hangin at mahinang pinalo ang bola. Napahigpit ang hawak ko sa golf club habang tinitingnan ang tila slow motion na paggulong ng bola. Napapadyak ako sa inis nang huminto ang bola sa dulo ng butas. Naman! Bakit hindi ka pa nashoot. "Paano ba yan. I'm the winner," natatawang sabi ni Glenda. "Hindi. Isa pa," desperada kong sabi. Hindi niya ako pinansin at iiling-iling na tinalikuran na ako. "Ano ba yan! Hindi pa nga ako nag-iinit doon ay tapos na agad," reklamo ko. "Gano'n talaga, miss. Wala silang time makipaglaro sa mga baguhan," sabi ni ateng na may hawak ng golf bags. "Ang yabang naman." "Dahil may maipagmamayabang sila. Himala nga at pumayag na makipaglaban sa inyo si Mr. Chan," sabi muli ni ateng. Nacurious naman ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. "Dapat ay inisip niyo muna ang sarili niyo bago kayo pumunta rito," sabi niya. "Bakit nga?" tanong ko. "Fe, heto nga pala ang golf club," biglang sulpot ni Glenda na kinahinto ni ateng sa pagkukwento. Tiningnan ni Glenda ito tila may pinapahiwatig. Umalis na si Glenda kaya tinanong ko ulit si Fe na gaya ng tawag ni Glenda. "Ateng, bakit niyo po nasabi iyon?" tanong ko ulit. "Wala. Wala iyon. Kalimutan mo na," sabi niya at umalis na sa harap ko. Nakibit-balikat na lang ako at lumapit na kela Duke. Naupo muli ako sa tabi ni Duke paharap kay Mr. Chan na nangingiti. "Bago tayo magharap, Mr. Ford. Uminom muna ulit kayo ng tsaa," sabi niya sa amin. Iinom sana ako ng pigilin ni Duke ang pag-inom ko. Nagtataka na tumingin ako sa kaniya. "It's okay, Mr.Chan. Hindi naman kami nauuhaw. Umpisahan na natin nang magkaalaman na," seryosong sabi ni Duke. Inagaw niya ang basong hawak ko at inilapag sa lamesang nasa harap namin. "Kung gano'n. Halika na bata," nakangingiting sabi ni Mr.Chan. Hindi ko alam kung ngiti o ngiwi? Tumayo ang dalawa at tinungo ang pwesto namin kanina. - DUKE I smell something to Mr. Chan. I observed him when Nestle is playing. And I felt trouble in his aura. And I know. He put something in the drinks he offered. "Matapang ka, bata. Alam mo bang wala pang nakakatalo sa akin?" he said when we went to the game area. "I know," I said. Alam kong may tinatago ka Mr. Chan. Hindi ko lang malaman kung ano nga ba? Dapat pala hindi ko naisama si Nestle dito. "Sa larangan ng golf, kailangan ay magconcentrate ka sa nilalaro mo. Dahil baka mamaya naisahan ka na pala," makahulugan niyang sabi. "I don't think so. Paano kung hindi nagtagumpay ang plano na maisahan ang kalaban na manlalaro?" "You are so smart boy. And I don't like that," sabi niya at pinalo ang bola. I think one meter ang layo ng hole. Hindi niya nashoot kaya napangisi ako. Lumapit kami sa inabot ng bola niya. Tinira niya iyon at nashoot na. "Tila sumasablay na kayo, Mr. Chan. I heard never pa kayong sumablay. Tila tumatanda na nga kayo," sabi ko sa kaniya. Nakangiti pa rin siyang humarap sa akin. Kahit na alam kong pikon na siya. "Bakit hindi mo din subukan, bata. Pag nakaisang tira ka. Ibibigay ko na ang titulo," sabi niya. Pinaikot-ikot ko ang hawak na golf club at napapailing sa sinabi niya. "Bakit hindi mo ilabas muna at ipakita sa akin kung totoo ba yung titulo," suhesyon ko. "If that's what you want. Okay. I'll show you. Miranda, give me that folder," utos niya sa isang babae niya. Kinuha niya iyon at nilabas ang titulo. Hinarap niya sa akin kaya binasa ko. Iyon nga ang titulo. Tumango ako sa kaalamang iyon. Ngumiti siya na nilagay ulit ang titulo sa folder. "Ngayon. Tumira ka na ng magkaalaman na," sabi niya pa. Umayos ako ng tayo at sinipat ang layo ng hole. Nang matantsa ko na ay isang palo ko lang ay lumipad na ang bola at bumagsak. Gumulong iyon at nashoot sa hole. Tumingin ako kay Mr. Chan na nakangisi na. "Magaling bata," sabi niya. Naglahad ako ng kamay upang ipahiwatig na iabot na niya. "Marunong naman akong tumupad sa usapan," wika niya pa at iaabot na sana niya ng may maramdaman ako na may tumutok ng baril sa ulo ko. "Pero marumi akong maglaro," pagpapatuloy niya. "DUKE!" sigaw ni Nestle. s**t! "Bonus pa ang asawa mo. Hiramin ko muna siya," nakangisi niyang sabi na kinadilim ng mukha ko. Sinipa ko ang nasa likod ko ay pinalo ito ng golf club kaya nakatulog. Tumingin ako kay Mr. Chan na tumatakas na kasunod ang mga naglabasan nitong mga tauhan na bitbit ang walang malay na si Nestle. Tumakbo ako at hinabol sila. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Dad. "Dad, trouble," sabi ko sa kabilang linya. "Don't worry, Son. Hindi sila makakaalis ng isla ng hindi napaparusahan. Nandyan na sila Wallex," sabi ni Dad na kinangiti ko. Talagang alam na ni Dad ang mga likaw ng bituka ng mga katulad ni Mr. Chan. "Thanks, Dad," sagot ko at binaba na ang tawag. Hinanap ko ang may bitbit kay Nestle. At nakita ko ang mga ito na patungo sa mga nakaabang na sasakyan. Tinakbo ko na upang maabutan. Napakakulit kasi. Tiyak na ininom niya ang bigay ni Mr. Chan na tsaa. Hinawakan ko sa balikat ng may hawak kay Nestle at hinarap. Inagaw ko si Nestle pero may sumugod sa akin na dalawa. Ambang pauulan ako ng suntok ng yumuko ako kaya sila ang nagkasapakan. Tinulak ko sa sasakyan ang may hawak kay Nestle kaya bumangga ang likod niya sa sasakyan dahilan kung bakit lumuwag ang hawak niya kay Nestle. Inagaw ko muli si Nestle ng sa wakas ay nabitawan niya. Susugod sana ito ng sipain ko ang private parts niya na kinaluhod niya sa sakit. I know that feeling. Dahil nasubukan na ni Nestle sa akin yan. Masakit sa junior. Sinipa ko ng malakas ang mukha niya na kinahimatay nito. Tumingin ako kay Nestle na tulog na tulog. Ngumisi ako at nagnakaw pa ng halik sa labi niya. Pagkakataon nga naman. "Dude, take advantage ha?" sabi ni Xenon. Humarap ako at nakita si Xenon at Chad tila sumabit pa kela Wallex. Tiningnan ko silang dalawa ng masama. "Kesa naman sa payo niyo na maging malamig ang trato kay Nestle pero hindi naman tumalab," asik ko sa kanilang dalawa. Kaya lang naman ganun ang trato ko kay Nestle nitong araw ay dahil sa payo ng dalawang ugok na ito. Baka daw pag pinahirapan ko si Nestle ay baka daw bumalik ang feelings nito para sa akin. "Alam mo naman na niloloko ka lang namin, sumunod ka naman. Hahaha! Damn Dude, tiyak na turn off na yan sa'yo," natatawa pang sabi ni Xenon na kinatawa din Chad. "Asshole!" inis kong sabi sa kanila. kung hindi ko lang buhat si Nestle tiyak na may sapak na sa akin ang dalawang ito. Napatingin kami kela Wallex na hatak-hatak si Mr. Chan na nakaposas habang maga ang mukha. "Duke, heto ang titulo na balak pa niyang sunugin. Kami na ang bahala rito sa matandang manlolokong ito," sabi ni Wallex. "What do you mean?" "Pinapainom niya ang bawat makakalaban niya ng tsaa na may halong gamot na pampahilo. Upang lagi siyang manalo sa golf sport," sabi ni Wallex. Tumango ako at tumingin kay Mr. Chan. Sabi na may kakaiba rito. Mabuti at marunong na akong malaman ang mga galaw ng kalaban. "At isa din siya sa myembro ng Calixta Group na hinahanap natin na may balak na masama sa pamilya niyo," pagpapatuloy ni Wallex na kinatiim bagang ko. "Paaminin niyo yan at pahirapan kung maaari. Natitiyak ko na narito na din ang mga kasamahan niya'n sa isla," utos ko sa kanila. "Sige. Mauna na kami," paalam niya kaya tumango ako. Pag-alis nila Wallex ay siyang parada ni Kuya Wilson ng sasakyan sa harap namin. "Xenon, Chad, sumunod na lang kayo," sabi ko sa dalawa. "Sige, Dude," sabi nila kaya tumango ako at sumakay na kami ni Nestle. Inayos ko ng upo si Nestle at sinandal ko sa balikat ko bago ko siya akbayan. Susulitin ko na dahil tiyak na paggising niya hindi ko na magagawa ito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD