NESTLE
Hindi ko alam kung paano kikilos.. Nahihiya ako dahil kaharap ko ang buong pamilya ni Miss Ganda.. Sa kanang bahagi ay si Miss Ganda, Sir Dimitri, at yung triplets. Sa kaliwa ay si Drake, Seige, Samuel, Duke at ako. At ang nasa gitna ay isang baby chair na para kay Benj na katabi ni Miss Ganda at sa katabi kong gitna ay si Bettina.
Halos hindi ako makalunok dahil para akong nahihiyang gumalaw. Tapos tumabi pa itong si Duke sa akin.
"Wag kang mahiya, Nestle. Dinamihan ko talaga ang luto ko para marami kang pagpilian," sabi ni Miss Ganda.
"Sige po. Salamat," nahihiya kong sabi at tumingin sa ulam.
"Heto Ate Nestle. Ayokong nakikita kang nagugutom," nakangiting sabi ni Deo at pinaglagyan ako ng adobo sa plato.
"Thanks," nakangiti kong sabi.
"Mommy, dito na po ba titira si Ate Nestle?" tanong ni Bettina na ang tanging kinakain lang ay pasta. Mabubusog kaya siya doon?
"Pwede naman. Pero nasa Ate Nestle mo iyon kung gusto niya," nakangiting sabi ni Miss Ganda habang sinusubuan si Benj.
"Naku! Yun nga po pala ang sasabihin ko.. Baka po--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang sumingit si Duke.
"Dad, about sa bagong room na gagawin sa hotel. Nakausap ko na ang ibang architect na mangangasiwa doon," sabi nito na tila nililihis ang usapan about sa pagstay ko.
"Good. Ngayon na may secretary ka na ay tiyak na mas mapapadali ang trabaho mo dahil may katuwang ka na," sabi ni Sir Dimitri at nabigla ako nang tumingin naman ito sa akin. "Hija, thanks for accepting my wife's offer to you," sabi nito.
"Ah-eh.," hindi ko alam ang sasabihin ko. Feeling ko nacorner ako at walang ibang pagpipilian kundi tanggapin ang pagiging secretary ni Duke. Nakakahiyang tumanggi. Lalo't ang buong akala nila ay tanggap ko. "Walang anuman po," nahihiya kong sabi. Nakakaintimidate naman itong si Sir Dimitri kung tumingin. Parang nakikita niya ang buong pagkatao mo.
"Excuse me po Ma'am, handa na po ang pinapaayos niyong guest room," napatingin ako sa kasambahay nila na biglang lumapit kay Miss Ganda.
"Ganun ba. Sige, salamat Nay Josie," sabi ni Miss Ganda habang pinupunasan ng tissue ang nguso ni Benjamin.
"Mommy, dito matutulog si Ate Nestle?" naeexcite na tanong ni Bettina.
"Yes," maikling tugon ni Miss Ganda.
"Wahh! Mommy, tabi na lang kami sa bed, please!" pakiusap ni Bettina at nagpuppy eyes pa.
"Naku Mommy, wag niyong pagbigyan. Tiyak na kukulitin lang niya'n si Ate Nestle," singit ni Seige.
"Your so epal talaga," inis na sabi ni Bettina.
"Bettina, watch your word," maawtoridad na sabi ni Sir na tila hindi gusto ang lumalabas sa bibig ni Bettina.
"Sorry," labas sa ilong na sabi ni Bettina. Napailing naman si Sir na sanay na sa ugaling iyon ni Bettina.
"Ouch! Daddy oh!" biglang aray ni Seige na katabi lang ni Bettina.
"Tumigil kayong dalawa. Gusto niyo bang bawasan ko ang allowance niyo?" sabi ni Miss Ganda.
"Pag binawasan niyo pa Mommy, singkwenta na lang ang matitira," nakangusong sabi ni Bettina.
"Paano. Ikaw lagi ang pasaway. Buti ako, may two hundred pa," sabi ni Seige.
"Paano naman si Kuya Deo? Bente na lang ganun," pasimpleng ngumisi si Bettina na painosente ang mukha.
Napaupo naman ng maayos si Deo na tila kanina pa tulala. "Hoy! Wag niyong idadamay ang allowance ko," sabi ni Deo agad.
"Speaking of you, Deo. Bakit may nakita akong panty sa room mo? Hindi kay Bettina at hindi rin akin iyon," nakataas ang kilay na sabi ni Miss Ganda.
"Ah-eh...--"
"Mommy, kailangan po ng patnubay ng magulang si Kuya Deo. Rated SPG," sabi ni Bettina. Pansin ko parang si Bettina ang bully sa magkakapatid. Hindi marunong magtago ng sekreto.
"Deo, may inuwi ka bang babae dito? Sagot!" sabi ni Miss Ganda tila nagagalit na.
"Wala, Mommy. Kay Kacey po iyon," sagot ni Deo.
"Huwaat! Pati ang nananahimik na si Kacey ay ginalaw mo?" nahahigh blood na sabi ni Miss Ganda.
"Hindi po ganun, Mommy. Ninakaw ko lang sa sampayan nila," napangiti ako dahil tila nagbublush si Deo. Mukhang may gusto siya doon sa Kacey.
"Juskong bata ka oh! Manang-mana ka sa ama mo," iling-iling na sabi ni Miss Ganda.
"Hey misis, bakit ako na naman?" sabi ni Sir na tila laging sinasangkot ni Miss Ganda.
"At kanino magmamana yan? Sa akin? Naku tigil-tigilan mo ako, Dimitri," mataray na sabi ni Miss Ganda.
"Naku misis, nahihigh blood ka na naman.. Baka naman buntis ka ulit ha?" nakangising sabi ni Sir na kinainit ng mukha ni Miss Ganda.
"Bibig mo. Kita mong may bisita tayo," mariin na sabi ni Miss Ganda at kinurot si Sir na kinahalakhak nito.
"Buntis ka, misis ko?" natutuwang sabi ni Sir.
"Ewan ko sa'yo," sabi ni Miss Ganda at tumayo. Umalis siya ng dining area tila nagtatampo?
"Excuse me, may aalamin lang ako," nakangisi sa tuwa si Sir na tumayo at umalis din. Kaya naiwan na ako sa magkakapatid.
"Tsk. Magloloving-loving na naman sila. Buti na lang sound proof ang kwarto nila," sabi ni Samuel.
"Hay busog! Sarap talagang magluto ni Mommy," sabi ni Diesel na kanina pa tahimik.
"Balita ko Sel, magaling daw magluto si Fuentes. Di ba isa sa quality nang babae na gusto mo ay magaling sa kusina, maganda, sexy hot body, at palaban. Siguro kunwari ka lang naiinis doon pero ang totoo may gusto ka sa kaniya," sabi ni Deo na tila tuwang-tuwa nang may mapagtanto.
"Ulol! Bahala nga kayo dyan," inis nitong sabi at tumayo at umalis din sa dining area. Iling-iling na tumayo din si drake na tahimik lang mula kanina. At ang sumunod ay si Deo.Tila hindi mapaghihiwalay ang tatlo.
"Ikaw Ate Nestle, may boyfriend ka na ba? O kayo na ni Kuya?" pukaw sa akin ni Bettina.
"Huh?.. Oo may boyfriend na ako," nahihiya kong sabi.
"Ouch! Wala na palang pag-asa. Sayang naman," parinig na sabi ni Bettina kay Duke.
"Tsk. If you're done, go to your room," inis na sabi ni Duke.
"Ate, may menstrual period yan. Kaya eskapo na ako," humahagikgik na bulong sa akin ni Bettina at tumayo. Umalis din ito ng dining area. Tumayo din si Seige at Samuel. At ngayon ko lang napagtanto na tila iniwan nila ako kay Duke. Mabuti at nariyan pa si Benj na naglalaro ng isang superman na laruan.
Ang awkward kaya hindi ko alam kung Tatayo na ba ako para magtungo sa magiging kwarto ko? o mag-i-stay?
Naisipan ko na ligpitin na lang ang pinagkainan dahil tapos na ako at maging si Duke. Bubuhatin ko sana ang plato nang hawakan ako ni Duke sa kamay kaya tila ako nakuryente at alam ko na maging siya ay ganun din.
Napabitaw siya sa kamay ko at napahimas sa batok. Napatikhim ako dahil mas lalong naging awkward ang pakiramdam ko.
"Hayaan mo na sila manang ang magligpit niya'n. Ituturo ko sa'yo ang magiging kwarto mo," sabi niya.
"Sige," sabi ko na lang dahil nakita ko din ang paglapit ng kasambahay. Binaba ko muli ang plato sa table.
Tumayo si Duke at lumapit kay Benj. Kinilik niya ito at tumingin sa akin.
"Sumunod ka," sabi niya kaya tumango na lang ako. Nauna siyang lumabas ng dining area at sumunod ako.
Hindi ko nakita sa living room ang mga kapatid niya. Baka nasa sariling mga kwarto na ang mga ito.
Umakyat kami sa second floor na kita ang view ng dagat mula sa glass wall. At sa bawat dingding ay may nakasabit din na mga painting na gawa ni Miss Ganda.
Humakbang pa kami sa isang hagdan tila may third floor pa. Hanggang sa huminto kami sa maraming pinto ng kwarto. Lumakad kami at tinitingnan ko ang mga pinto na may mga nakasabit na pangalan sa bawat pinto. May kaniya-kaniyang pangalan pala ang mga room nila. At may mga nakasabit din base sa personality nila.
"Here's your room. Next to my room. If you need something, just knock on my door," sabi niya.
"Okay," sagot ko habang tumatango-tango. Tumingin pa siya sa akin tila ayaw pang umalis.
Tumalikod na siya ng mapagtanto niya na kailangan na niya akong iwan dito. Pipihitin ko na sana ang pinto nang humarap ulit siya.
"And wake up at four in the morning. You need to exercise before we go to the hotel," bilin pa nito.
"Huh? Ang aga naman," reklamo ko. Paano kasi. Naghihilik pa ako ng mga oras na iyon.
"Tsk. Don't argue with me. Just follow what I said. Good night," sabi niya at tuluyan nang umalis. Tsk. Dinagdag lang yung exercise para makapag-good night siya.
Inis na pumasok ako ng kwarto na nilaan sa akin. Pagpasok ko ay dim lights ang nabungaran ko. At sa pagkita ko pa lang sa kwarto ay napapawow na ako sa ganda at linis. Sigurado ba silang guest room lang ito? Para kasing kwarto ng prinsesa. Yung bed ay may nakapalibot pa na manipis na kurtina. Habang ang higaan ay parang pang royal blood ang mga telang nakasapin. Kulay asul at puti ang buong kapalibot na kulay sa higaan pa lang.
Nasa gilid na din ang bag na pinaglalagyan ng gamit ko. Halata na talagang pinaghandaan nila ah. Puro gamit pambabae ang nakikita ko.
Lumapit ako sa kama at naupo. Ang lambot at ang sarap sa pakiramdam ng tela na sinapin. Humiga ako at pumikit. Pero napadilat din ako nang tumunog ang cellphone ko. Umayos ako ng upo sa kama at hinalungkat ang shoulder bag ko para hanapin ang phone ko. Nang makuha ko ay agad kong tiningnan kung sino ang tumawag.
"Si Khalil," nasabi ko nang makita ang pangalan ni Khalil na tumatawag. Nakalimutan kong tawagan siya at sila inay. Agad kong isinwipe ang tawag niya.
"Hon, where are you? Narito ako sa apartment mo. Pinuntahan kita sa bangko pero wala ka na daw doon. Gabi na at hindi ka pa umuuwi," sunod-sunod nitong sabi. Napakagat-labi ako dahil nakonsensiya ako na hindi ko agad siya natawagan.
"Kasi Khalil, hindi na ako nagtatrabaho dyan sa bangko. Sa iba na kasi ako nakaassign. Sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo," sabi ko na may bakas ng guilt. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Saan ka naman nandoon?" tanong nito at huminahon na.
"Nasa isang isla ako. Kaya baka matagal bago ako makakabalik dyan," sabi ko sa kaniya.
"Saang isla? At bakit napakalayo naman. Dapat sinabi mo muna sa akin bago ka pumayag na magpadestino dyan," bakas sa boses niya ang inis.
"BF Island. Tsaka malaki din kasi ang sahod kaya ginrab ko na ang chance. Dagdag din iyon sa pagpapaaral kay Magnolia. Tsaka tinatawagan kita pero bakit hindi mo sinasagot? At bakit nga pala hindi mo ako nasundo?" balik kong tanong ng maalala ko na hindi ko siya macontact.
"Huh? Nasira kasi ang phone ko dahil nahulog kaya bumili pa ako. Tapos nasira pa ang tiyan ko kaya hindi na kita nahatid," paliwanag nito.
"Ganun ba. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kaniya. Nakahinga ako ng maluwag na iyon lang pala. Akala ko ay may nangyari nang hindi maganda.
"Yes.," tugon niya. Tumango-tango ako kahit hindi naman niya nakikita. "Hon, I have something to tell you.,"
"Hmm.," tugon ko lang at ibig sabihin ay ituloy niya at papakinggan ko. Napahinga siya ng malalim tila hirap na hirap sabihin. "Ano yun?" tanong ko. Dahil natagalan siya sa pagsabi kung ano nga ba ang sasabihin niya.
"Wala. Wala. I love you," sabi nito kaya napangiti ako. Yun lang pala! Bakit tila hirap pa siyang sabihin?
"Alam ko," sagot ko, dahil hindi naman tanong yung sinabi niya. Kaya kailangan bang sagutin? Ewan ko. Alam ko mahal ko siya. Pero nahihirapan akong sabihin.
Nagpaalam lang kami sa isa't-isa at binaba na ang tawag. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay sila inay naman ang tinawagan ko. Sinabi ko na iba na ang trabaho ko. Sinabi ko din na kila Miss Ganda ako nagtatrabaho para hindi sila mag-alala.
Sinabihan lang nila ako na mag-ingat at wag papabayaan ang sarili. At tumawag daw ako pag may oras na ako para magkamustahan daw kami.
Pagkatapos ng tawag na iyon ay napahiga akong muli sa kama. Ang sarap talagang mahiga sa kama. Pero naisip ko na maglinis muna ng katawan at magsipilyo para makatulog na ako. Parang pagod na din ang katawan ko sa pag biyahe dito sa isla at sa dami ng pangyayari.
-
DUKE
Inalog ko ang alak na hawak ko habang nakaupo sa V.I.P seat sa second floor ng Paraiso Bar dito sa isla. Kalmado akong nakaupo habang may malalim na iniisip.
I know I'm so desperate para pagmukhain na sila Mommy ang may gusto na maging secretary ko si Nestle. And thanks god. She finally accepted the offer.
Nung nasa elevator kami ay para akong tinamaan ng sakit sa walang paligoy-ligoy niyang pagsasabi na mahal niya ang tarantadong iyon. Akala ko sapat na yung iniwan kong pagmamahal sa kaniya para habang wala ako ay alam ko na ako lang nakatanim sa puso niya. Pero hindi ko man lang nalaman na eepal pala ang Khalil na yun.
Binato ko ang hawak na baso ng alak sa pader dahil naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ba yung sinasabi ni Nestle na pinagpalit ko siya? Oo alam ko na may inentertain ako na ibang babaeng two years ago. Umuwi ako ng Pilipinas para sa misyon ko na hanapin ang mga nagpapadala ng threat sa pamilya ko. Hindi ako nagpakita kay Nestle no'n dahil ayokong mag-iba ang plano ko pag oras na makita ko siya.
Nakipagdate ako sa mga babae na alam namin ni Daddy na kasapi ng underworld mafia.
Kaya paano niya masasabi na nagtataksil ako?
"Easy Dude. Kakarating lang namin basag na naman ang baso," nakangiting sabi ni Xenon na naupo paharap sa akin. Sumunod si Chad na tahimik na naupo sa tabi ni Xenon.
"Tsk. Kanina pa ako umiinom. Napakatagal niyo," asik ko sa kanila.
"Paano kasi si Chad, hinanap ko pa. Tingin ko may kinakatagpo ito. Nakita ko sa puno ng coconut tree may kausap na babae.. Kaboses pa nga ni Bettina," sabi ni Xenon at nakita ko ang gulat na mukha ni Chad.
"Bettina? Totoo ba Chad?" seryoso kong tanong habang nakatingin sa kaniya. Mata sa mata. Wag lang siyang magkakamali ng sagot.. Alam niya ang Bro Code. Binalaan ko sila na walang pwedeng magkagusto kay Bettina. Kahit sino sa kanila ni Xenon. Dahil bata pa si Bettina para sa boyfriend-boyfriend na iyan. At ayoko na kaibigan ko ang magiging boyfriend niya. Pinangako ko kay Mommy na poprotektahan ko ang mga kapatid ko. Lalo na si Bettina na only girl sa aming magkakapatid.
"Nagkakamali lang si Xenon. Hindi ako papatol sa kapatid mo. Kapatid na rin ang turing ko dun," sabi ni Chad na kinahinga ko ng maluwag.
"Good.. Dahil ayokong magkagalit tayo pag nilabag mo ang Bro Code ko," sabi ko sa kaniya at kinuha ang inorder kong alak at sinalinan ang baso nila.
"So dude, bakit ka nag-aya na mag bar ngayon? Hindi ka ba tutunghay kay Nestle mo?" tanong ni Xenon at nilagok ang alak na nilagay ko.
"Nasa bahay siya ngayon," sabi ko sa kanila.
"What? Ang bilis niyo naman na mag live-in ni Nestle," Siraulo nitong sabi.
"Asshole! Pinilit lang ni Mommy at Daddy iyon. Balak nga na tanggihan na ang pagiging secretary ko. Buti nariyan sila Mom para wala na itong pagkakataon na makatanggi pa,"
"Eh ano pang kinaiinit ng ulo mo? Kasama mo mismo sa iisang bahay si Nestle. Dapat nga matuwa ka dahil madali mo siyang makukuha muli," sabi ni Xenon habang si Chad ay
tahimik na umiinom.
"Paano ako sasaya kung may galit pala siya sa akin? May sinasabi siya na ako raw ang nagtaksil sa aming dalawa. Na alam niyo naman na hindi ko magagawa iyon. Tapos sabi pa niya na si Khalil na daw ang mahal niya at hindi na ako," nakakalokong sabi ko na may halong pait na tono.
"Look dude. Hindi kaya nung akala mo ay nakita mo si Nestle noong nagdate kayo ng anak ni Sanchez. Two years ago pa iyon. Baka siya nga iyon at hindi ka namamalikmata lang. Baka nakita niya na may ibang babae kang kadate kaya akala niya ay nambabae ka," sabi ni Xenon. Napabuga naman ako ng hangin at napasandal ang ulo sa sandalan ng couch.
Napangiti ako kung yun nga ang dahilan. Ibig sabihin lang no'n ay natabunan ng pagseselos niya ang nararamdaman niya sa akin.
Umalis ako sa pagkakasandal sa upuan at tumayo na kinatingin ng dalawa.
"Let's go. Nakakawalang gana na rito," aya ko sa dalawa na napapailing.
Nauna akong lumakad sa dalawa. Pababa pa lang kami ng hagdan ng makarinig ako ng sigawan sa baba.
"Get up, b***h! Look at my dress. You ruined it," sabi ng isang babae sa isang babae na weird. Nakamanang dress ito at salamin na malaki. Hindi ko na lang pinansin pa at lalagpasan sana namin ng itulak nung babaeng puputak-putak ang babae na walang kaimik-imik.
Sa lakas ng pagkakatulak ay napunta ito sa gawi ko kaya sinalo ko dahil mukhang babagsak ito.
"Hey, are you okay?" tanong ko. Kaya pala tahimik dahil umiiyak. Hindi ito umimik kaya humarap ako sa babaeng tumulak. Napansin ko ang pagtahimik ng lahat. Syempre kilala ako rito sa isla. At alam nila na pamilya namin ang may-ari. "What are you doing ha?!" maawtoridad kong tanong sa babae.
"Paharang-harang kasi siya e. Kaya natapunan niya ang dress ko," maarte nitong sabi.
"Tsk. Wala namang nagbago kung matapunan ka o hindi. Bagay lang sa'yo yan dahil napakaarte mo," harsh kong sabi. Tumingin ako sa bouncer ng bar. "Palabasin niyo ang babaeng ito at wag na wag niyo nang papaapakin pa sa bar," utos ko sa mga bouncer.
Tumingin lang ako saglit sa mga tao sa paligid at sa babaeng inapi kanina. Pagkaraan ay tumalikod na ako para makauwi.
Pasalamat siya at hindi ko siya pinaalis ng isla.. At pasalamat siya na nasa mood ako ngayon. Dahil ang ayaw namin ni Dad ay ang mga nanggugulo sa isla.
"Wait!" may narinig akong babaeng sumigaw pero hindi ko na pinansin. Pero nabigla naman ako ng may humawak sa braso ko. Hinawi ko iyon sa pagkakaakalang may balak itong masama. Pero nang makita ko ay yung babaeng manang na tinulungan ko. "Sorry," nahihiya nitong paumanhin nang hawiin ko ang kamay niya. "Gusto ko lang na magpasalamat. Bago lang kasi ako rito kaya hindi ko alam na nakapasok pala ako sa bar," mahinhin nitong sabi.
"Okay. Yun lang ba?"
"Huh? Oo--eh hindi pala. Gusto ko nga palang mahingi ang pangalan mo para hindi ko makalimutan ang tumulong sa akin. Ako nga pala si Kimberly," nakangiti nitong sabi kaya lumabas ang braces nito.
"Duke. Sige, " maikli kong sabi at tumalikod na.
"Weird," bulong ni Chad.
"Ano yun, dude?" tanong ni Xenon na narinig din pala niya.
"Nothing," tugon ni Chad kaya tumango na lang kami at sumakay na sa kaniya-kaniyang kotse para umuwi.