NESTLE
Matagal bago ko naproseso sa utak ko na si Duke nga ang kaharap ko. Ibang-iba na siya. Yung style ng buhok niya ay medyo mahaba at bagsak na halos matakpan ang kilay niya. At hindi din maialis ang isang hikaw na itim sa kanan niyang tenga. Mas tumangkad at nagbuild ang katawan niya.. Nakasuot siya ng tuxedo pero ang polong puti ay nakabukas ang tatlong butones.
Nagbalik lang ako sa sarili nang magulat ako na nasa harap ko na pala siya. Hinawi niya ang tumikas na buhok ko pero agad akong umatras at hinawi ang kamay niya.
"Wag mo akong hahawakan! Plinano mo ang lahat ng ito! Kung alam ko lang na ikaw pala ang makakatrabaho ko ay hindi ko na lang sana tinanggap pa ang maging sekretarya mo," galit kong sabi at lumapit sa lamesa at kinuha ang bag ko. Tumalikod na ako at lumapit sa pinto. Binuksan ko iyon pero ayaw mapihit. Humarap ako kay Duke na ngayon ay nakaupo sa swivel chair at nakataas ang paa sa lamesa. Habang may binabato sa ere na mansanas na hindi ko alam kung saan niya nakuha.
"Bakit nakalock ito? Buksan mo ito at aalis na ako," mariin kong sabi sa kaniya.
"Hindi ka aalis. Secretary na kita at kailangan mo akong sundin," sabi niya at kumagat sa mansanas.
"Magreresign na ako. Ayokong maging secretary mo," sabi ko sa kaniya.
"Nah. Nah. You signed the contract. And the contract is effective today. If I we're you. Don't waste your voice and just sit down beside me," sabi niya at binato sa basurahan ang buto ng mansanas.
"At bakit naman kita susundin. Aalis na ako --" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bumukas na ang pinto. Kaya napalingon ako doon. Nagpasukan ang mga medyo may edad na lalaki na tila mga respetadong tao. May ilang babae din na mga may hawak na folder at may I.D ng hotel.
Tumingin ako kay Duke na nginuso ang tabing upuan nito tila sinesenyas na maupo ako at may magaganap na meeting. Dahil pinagtitinginan na rin ako ay agad akong napalapit at naupo sa tabi nito. Pero malayo sa kaniya. Ayokong makatabi siya.
"Good morning, Mr. Ford. I heard from my secretary na ikaw na ang new CEO ng BF Hotel," sabi ng isang may edad na lalaki na medyo may katabaan at may bigote.
"What you see, is what you get. And it's obvious right, Mr. Fuente? I'm sitting in the CEO's chair," sarcastic na sabi ni Duke.. Ang plastic na ngiti ni Mr. Fuente (daw) ay biglang naglaho.
Napatikhim naman ang iba kaya doon napokus ang tingin ni Duke. Tsk. Napakajerk talaga niya. Pati matanda hindi ginagalang.
"Let's proceed to our meeting for today. Shiela, start the presentation," sabi ni Duke na seryoso at may maawtoridad na boses. Sumandal ito sa swivel chair at muling inangat ang paa sa lamesa tila nasa bahay lang kung makaupo. Palihim na tiningnan ko siya ng masama.
Tila ramdam niya na may pumapatay na ng tingin sa kaniya kaya lumingon siya sa gawi ko. Inirapan ko siya nang ngumisi ito.
Napahinga ako ng malalim dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin dito. Kung alam ko lang talaga na siya ang boss ko. Hindi na sana ako pumirma pa sa kontrata. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ko binasa ang contract. Baka mamaya may ibang nakalagay doon.
Pagkatapos ng meeting ay sumabay ako sa paglabas ng mga kameeting ni Duke. Pero hindi pa ako nakakalayo ng may humatak sa akin at sinabay ako na ipasok sa isang elevator.
"Ano ba! Bakit ka ba nanghahatak?!" irita kong sabi. Lalabas pa sana ako ng elevator nang sumara na ito. Galit na humarap ako sa kaniya. "Alam mo. Hindi ka na nakakatuwa! Pati trabaho ko pinapakailaman mo! Mabuti pa na hindi na kita muling nakita," galit na sigaw ko sa kaniya. Pero siya ay seryoso lang ang mukha habang tinititigan ang pagsisigaw ko.
Mula sa pagkakasandal sa pader ng elevator habang nakapamulsa ay umayos siya ng tayo. Lumapit siya sa akin na kinaatras ko.
"Ano ba! Wag ka ngang lumapit!" irita kong sabi pero ang totoo ay bigla akong kinabahan. Nacorner niya ako sa sulok at hinarang ang isang braso nito.
Sinuntok niya ang elevator malapit sa mukha ko kaya napapikit ako sa pagkakaakala na mukha ko ang susuntukin niya.
"f**k! Bakit ba galit na galit ka?! Sabihin mo nga ang kasalanan ko at bakit mo ako pinagpalit, ha?!" sigaw niya.
Tinulak ko siya dahil bumukas na ang elevator.. Pero binalik niya muli ako sa pagkakasandal at sinara niya muli ang elevator at inistop para hindi magbukas. Hinarap niya ako ulit kaya kinabahan na ako.
"Wala akong sasabihin! Ikaw ang umalam. Dahil para sa akin simula nang umalis ka, wala na din namamagitan sa atin.. May boyfriend na ako at mahal ko siya," mariin kong sabi sa kaniya. Natulala siya sa sinabi ko pero hindi ko pinansin.. Tinulak ko siyang muli para makadaan. Pipindutin ko sana ang bukasan ng elevator nang hatakin niya muli ako at sinandal. Hindi pa ako nakakarecover nang manlaki ang mata ko nang halikan niya ako. Hinawakan ko ang dibdib niya at tinulak siya pero hindi ko magawa nang lalo pa niya akong ginitgit at mapusok na hinalikan..
"Hmmp!" umiiwas ako at pinagsusuntok siya pero hinawakan niya ang isa kong kamay at hinapit ako sa bewang. Umiyak na ako dahil mali ito. Feeling ko ay para akong nagtaksil kay Khalil. Ano bang kasalanan ko para ganitohin niya ako? At nagagalit ako sa sarili ko dahil lumakas ang t***k ng puso ko para sa kaniya na akala ko ay wala na. Akala ko ay hindi ko na mararamdaman pag nagkita kami. Pero alam ko na si Khalil na ang mahal ko.
Bumitaw siya nang malaman na umiiyak na ako. Sinampal ko siya at pinagsusuntok sa dibdib.. Sinalo lang niya iyon habang ako ay patuloy sa pag-iyak at pagpalo.
"Napakasama mo talaga! Napakasama mo!" galit kong sigaw sa kaniya. Napahinga ako ng malalim sa sobrang paghikbi ko. Pinunasan ko ang luha habang nakatingin sa kaniya. "Ipakulong mo na ako. Pero ayokong maging secretary mo," seryoso kong sabi sa kaniya. Lumapit ako sa button ng elevator para buksan ulit yun. Sa pagkakataon na iyon ay hindi na niya ako pinigil pa na pinagpapasalamat ko. Lumabas ako ng elevator at naglakad sa hallway para sumakay sa ibang elevator pababa.
Nagpunas ako ng luha dahil baka may iba pang makakakita sa akin. Sumakay ako sa elevator na mabuti at walang tao. Iniisip ko kung paano ako makakaalis ng isla? E, sa tauhan ako ni Duke nakasakay kanina. At yung mga gamit ko nga pala! Saan ko hahagilapin? Pero tiyak na narito sa hotel iyon. Magtatanong na lang ako.
Paglabas ko ng elevator ay nilibot ko ang paningin sa ground floor. Maraming foreigner akong nakikita. Tila mga turista rito. Napakalawak ng ground floor para tuloy akong maliligaw.
"Nestle!" napalingon ako sa gilid ko ng may tumawag sa akin na pamilyar na boses. Napalunok ako nang makita si Miss Ganda, si Sir Dimitri, at si Benjamin na malaki na; dahil nakakatayo na.
Nahihiya akong lumapit dahil simula ng umalis sila ay ngayon ko lang ulit sila nakita. Tama pala na nakita ko si Miss Ganda kanina. Natural nandyan nga si Duke di ba. Tanga ko talaga! Head turner si Miss Ganda at si Sir Dimitri. Daming napapatingin sa gawi namin na lalo kong kinahiya.
"Mabuti at nakarating ka ng maayos," nakangiting sabi ni Miss Ganda at humalik sa pisngi ko.
"P-Po?" hindi ko maunawaan ang sinabi niya kahit napakadaling tagalog lang naman ang salita niya.
"Ikaw na ang secretary ng anak ko, right? Sorry kung binigla kita. Request ko kasi iyon," sabi nito habang nakahawak ang mga kamay niya sa mga kamay ko.
"Kayo po ang kumuha sa akin at hindi si Duke?" nalilito ako. Tumango siya at ngumiti. Akala ko ay si Duke ang kumuha sa akin para guluhin akong muli. Pero tila nagkamali ako doon.
"Oo. Bago lang kasi ang anak ko bilang CEO ng hotel. Kaya nang malaman ko na nagtatrabaho ka sa bangko ay naisip ko na pwede ka. Dahil kilala ka namin at alam ko na magseseryoso si Duke sa trabaho. Kaya pasensya na kung hindi mo agad nalaman," mahaba nitong paliwanag.
"Okay lang po," sabi ko na kahit hindi okay. "Pero miss--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang hawakan ako sa pulso ni Miss Ganda.
"Halika. Dahil kilala ka naman namin ay doon ko naisip na sa bahay namin ka tumira. Nandoon na din ang gamit mo," nakangiting aya nito at hinila na ako kaya hindi agad ako nakaimik. Tahimik lang si Sir Dimitri habang nakaalalay ang kamay sa bewang ni Miss Ganda habang akay-akay si Benjamin na tingin ko ay three years old na.
Kinakabahan ako dahil ayokong makita si Duke. Ang makasama pa kaya sa isang bahay ay hindi ko ata kaya. Kailangan kong sabihin kay Miss Ganda na ayaw kong tanggapin ang pagiging secretary. Pero paano ko sasabihin kung lagi akong nabibitin pag sasabihin ko na.
Sumakay kami sa isang kotse na Mercedes ang tatak. Nasa back seat ako at itinabi sa akin si Benjamin na nakatingin sa akin. Ngumiti ako at lalo akong napangiti nang ngumiti siya. Ang cute. Tingin ko ay lalaking gwapo ito paglaki. Saan ka nga naman magtataka. Kung ang parents ay gwapo at maganda. Tsaka pansin ko bakit ang bilis magsilaki ng pamilya nila. Bakit ako eto maliit na babae at wala nang pag-asang lumaki.

Tumayo itong si Benjamin kaya nagulat ako. Hinawakan ko siya baka mahulog.
"Benj baby, sit down. Baka mahulog ka," sabi ni Miss Ganda nang mapansin siguro ang pagtayo ni Benjamin. Pero hindi naman sumunod ito at ang kinabigla ko nang ikiss ako nito sa pisngi at yumakap sa leeg ko. Tumingin ako kila Miss Ganda na nakangiting nakatingin sa amin. "Gusto ka ni Benj, Nestle," sabi ni Miss Ganda. "Mailap sa tao yan. Ayaw na may humahawak. Himala nga at sa'yo lang siya lumapit. At hindi nakakaduda dahil gustuhin ka naman talaga," sabi pa niya na kinapula ng mukha ko sa hiya.
Inayos ko ng upo si Benjamin sa kandungan ko. Nakatingala pa rin siya sa akin kaya ngumiti ako. Grabe pati ba naman bata nabibighani sa'yo Nestle. Napailing ako sa pagkahangin ng isip ko.
Huminto ang sasakyan na malayo sa mga turista. Tumingin ako sa pinaghintuan. Isang napakalaking bahay bakasyunan na halos kulay puti lahat ang pintura. Tapos ang ibang pader ay gawa sa glass lalo na sa second floor ng bahay.
Walang ibang bahay na makikita. May bakod din ang bahay nila na gawa sa wood na kulay puti din. Habang may mga mamahaling halaman na nakapaligid. Sa pinakalikod bahay pala kami dumaan. Dahil ang harapan daw ay dagat.
Nahihiya ako na sumunod sa kanila pero dahil nakahawak sa akin si Benjamin ay napasunod na ako. Natakot ako nang may malaking aso na lumapit sa amin ni Benj. Natulos ako sa kinatatayuan ko dahil takot ako sa mga aso.
"Fiona," sabi ni Benj at hinaplos ang ulo ng aso. Naks. Sosyal. May pet name pa. At Fiona pa. Babae pala. Ngayon lang nagsalita si Benjamin na medyo tuwid nang magsalita. "Meet my girlfriend.. Ate Nestle. You like her?" sabi pa ni Benj. Jusko. Ngayon ko na lang narinig magsalita. Tapos girlfriend pa ang maririnig ko. Pero dahil cute siya ay sasakyan ko na lang. Kahit takot ako sa aso ay nanginginig ang kamay na nilapat ko sa ulo ng aso. Pero agad akong napalayo dahil akala ko sasakmalin ako. Yun pala kinakampay lang ang ulo tila natutuwa.
"Nestle, come in," sabi ni Miss Ganda na nakapasok na sa loob at lumabas muli nang mapansin siguro na hindi pa kami pumapasok.
Inakay ko si Benj papasok. Sa pagpasok ko ay kitchen agad ang bumungad. Oo nga pala, sa likod nga pala kami dumaan...
Ang ganda ng kitchen. Malaki, malinis at maganda. Yung lutuan nila ay hindi kita dahil nakalubog ito sa mismong counter. Yung kitchen bar ang dating. Basta maayos ang mga gamit sa kusina. Puro mamahalin lahat ng appliances. Yung fridge ay tila galing pa sa japan dahil nakikita ko iyon minsan sa mall.
Napatingin ang ilang kasambahay sa akin kaya ngumiti ako na nahihiya.
"Tara sa living room, hija. Nagpaluto ako kila manang ng makakain dahil baka hindi ka pa kumakain," dahil sa sinabi niya ay biglang kumulo ng napakalakas ang tiyan ko. Natawa si Miss Ganda habang si Benj ay nagtataka.
"Mommy, I think the monster inside Ate Nestle's stomach is hungry," sabi ni Benj kaya natawa kami ni Miss Ganda. Ginulo ko ang buhok niya dahil napakacute.
"Baby, lead Ate Nestle to the living room please.," sabi ni Miss Ganda kay Benj na agad akong hinila. Tumango si Miss Ganda tila hayaan ako kung saan ako dadalhin ni Benj.
At tama nga. Dahil dinala niya ako sa malawak na living room na may mahabang sofa. May table sa gitna at kaharap ay flat screen T.V. na nakadikit sa pader habang may patungan na mahaba na gawa sa magandang wood na pinaglalagyan ng DVD player. May mga ilang display din ng Barbie at ilang collectible na laruan at sasakyan. Habang may nakadisplay din na mga larawan nila na pamilya at meron din na mga solo. Para silang mga artista sa ganda ng kuha. Sa gitna ay ang wedding picture nila Miss Ganda at Sir Dimitri na halata sa litrato na inlove na inlove sila sa isa't-isa. At bagay na bagay talaga sila. May ilang litrato din sila na nakayakap si Sir kay Miss Ganda sa likod habang nasa nakasandal sila sa isang riles ng yacht at tanaw ang dagat. Tapos ang ibang litrato ay sa mga anak na nila. Mula kay Duke na badboy ang look habang serious face na nakasandal sa isang sport car. Napaiwas ako ng tingin dahil piling ko parang totoo na nakatitig siya kahit litrato lang naman. Ang sumunod ay ang triplets na kay gagwapo din. Hindi ko malaman kung sino si Diesel, Drake, at Deo sa tatlo. Pero iba-iba naman sila ng ayos kaya kung araw-araw mong kasama tiyak na makikilala mo. Ang sumunod naman ay si Samuel at Seige na tingin ko isa sa kanila ang kasing tanda ni Magnolia. Mga habulin ng mga chicks ang anak nila Miss Ganda. Para silang heartthrob.
Dumako naman ang tingin ko kay Bettina na kinanganga ko sa ganda. Kahit teenager pa lang ay maladyosa na ang mukha at cute din dahil sa suot nitong pink na pink na dress habang may nakabalabal na pink din na tila gawa pa sa balat ng hayop ang mabalahibong nakabalabal sa balikat nito. Mahaba ang itim na itim na buhok niya na kulot ang ilang parte nito habang may ribbon na nakapusod sa itaas. Ang pilik mata niya ay mahaba at ang labi niya ay mapula na mapink. Maputi din ang balat na parang snow. Parang gusto ko tuloy makita ang batang makulit noon. Para siyang manika sa litrato.
May narinig akong mga boses na patungo sa living room kaya hindi ko alam kung uupo ba ako o magtatago? Bigla akong nahiya na makita nila. Kaya nang marinig na malapit na sila ay agad akong naupo sa tabi ni Benj. Na tinitingnan lang ang galaw ko.
"f**k! Hanep ang sexy body nung nakama ko. Kaso ang ingay kaya nawalan tuloy ako ng gana. Parang kinakatay na biik," sabi ng isang boses na tila bulgar na bulgar ang mga ginagawa. Jusko. Pati iyon pinag-uusapan na nila.
"Yuck Kuya Deo! Kilabutan ka nga. It's so kadiri kaya. And you make kwento-kwento your s*x experience to us," nandidiri na conyong sabi ni Bettina. God. Nandyan ata silang lahat. Malamang Nestle bahay nila ito!
"Hoy Deo! Bunganga mo. Kita mong bata pa itong si Bettina," sabi ng isa..
"Lagot ka kay Mommy oras na malaman na may ginalaw ka na naman na babae," ..
"Tsk. Shut up all of you! I'm reading okay," sabi ng isang malamig na boses.
"Bro, lagi na lang libro ang hawak mo. O baka naman props mo lang iyan para magustuhan ka ni Shanelle. Makabakod ka doon akala mo gf mo siya,"
"Tsk," sagot na tingin ko ay si Drake.
"Tang*na! Naghahamon pala ng away yung Robles na iyon. Akala niya uurongan ko siya,"
"Bakit pinapatulan mo iyong babae, bro? Porket natapakan ang ego mo ay papatulan mo na. Dapat na gawin mo at kung gusto mong siya ang sumuko sa away niyo ay dalhin mo sa hotel at patikimin mo ng kamandag ng Ford. Tiyak na panalo ka, nasarapan ka pa," sabi ng maniyak na si Deo. Bakit parang ang tagal nilang makarating sa living room? Pero dinig ko na ang boses nila. Tinakpan ko tuloy ang tenga ni Benj dahil hindi kanais-nais ang mga pinag-uusapan nila.
"Benj!" tawag ni Bettina kay Benj na nasa tabi ko. "Oh we have a guest mga Kuya. Let's welcome her," sabi muli ni Bettina. Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko dahil hindi ko alam kung naaalala pa ba nila ako.
Nakayuko ako kaya may nakita akong boots na pambabae sa harap ko.
"Who is she, Benj? Kuya Duke's admirer again?" mataray na tanong ni Bettina. "Hey, b***h! Look at me!" sabi muli ni Bettina. Kaya nag-angat ako ng tingin. Nakita ko ang maamong mukha ni Bettina na makataas ang kilay pero unti-unting nawala nang masilayan ang mukha ko.
"A-Ate Nestle?" hindi niya makapaniwalang sabi. Kaya tumango ako at alanganin na ngumiti.
"Waahh! Sorry for calling you a b***h. I thought you are one of Kuya's admirer. Sorry Ate," nakokonsensiya niyang sabi at naupo sa tabi ko at yumakap na parang maiiyak.
"Okay lang. Hindi mo naman alam na ako ito," nakangiti kong sabi.
"Hi Ate Nestle! Your so hot and so gorgeous. Pwede ba kitang maging girlfriend?" biglang singit ni? Deo?
"No! She's my girlfriend now. So back off!" sabi ni Benj na tumayo at humarang sa harap ko na akala mo ay malaki na.
"Hoy bubwit! Hindi ka pa nga tuli may girlfriend ka nang nalalaman," pang-asar ng sa tingin ko ay si Deo.
Pumalahaw ng iyak si Benj kaya agad ko siyang hinawakan para patahanin.
"Mommy! Huwaa! Mommy!" hiyaw na iyak ni Benj at naglumpasay sa sahig kaya nataranta ako para itayo siya.
"f**k! I'm dead!" bulong na sabi ni Deo.
"Ready, Deo. Dahil yari ka sa pingot ni Mommy," sabi ng ibang mga kapatid niya na nag-apiran tila natutuwa sa mangyayari. Hindi ko na pinansin pa dahil binuhat ko si Benj at inupo sa tabi ko. Pinahid ko ng panyo ko ang pisngi niya ng dahan-dahan dahil baka sensitive ang skin.
"Anong ingay ang naririnig ko?" maawtoridad na tanong ni Miss Ganda na may suot na apron na nagtungo rito.
"Mommy, pinaiyak ni Kuya Deo si Baby Benj," sumbong ni Bettina.
"Totoo ba iyon, Deo?" tanong ni Miss Ganda sa masungit na boses.
"E, Mommy..," nagkakamot sa batok na hindi malaman ang sasabihin ni Deo.
"Come here!" sabi ni Miss Ganda. Lumapit si Deo ng dahan-dahan.
"Mommy, wag masakit ha?" sabi nito.
Hindi nagsalita si Miss Ganda. Pagkalapit ni Deo ay nagulat ako ng pingutin ni Miss Ganda si Deo.
"Anong sabi ko sa inyo?" tanong ni Miss Ganda.
"Wag na wag papaiyakin ang mas batang kapatid," mabilis na sagot ni Deo habang nakangiwi na nakahawak sa kamay ni Miss Ganda kung saan nakapingot sa tenga niya. Binitawan na iyon ni Miss Ganda.
"Hindi na kayo nahiya at may bisita tayo," sabi ni Miss Ganda at lumapit sa amin ni Benj.
"E, Mommy, bakit nga pala narito si Ate Nestle?" tanong ni Bettina.
"Oh! Hindi ko pa nga pala nasasabi sa inyo. Siya ang secretary ng Kuya niyo," sabi ni Miss Ganda at binuhat si Benj.
"What?" gulat na gulat na sabay-sabay nilang sabi.
"Secretary ni Kuya?" hindi makapaniwalang tanong ni Deo.
"Bakit may problema kayo doon?" taas kilay na tanong ni Miss Ganda habang pinapatahan si Benj.
"Wala naman Mommy," sagot agad ni Deo at tumingin sa mga kapatid na
lalake at nagtinginan din. "Kaya pala hindi makatulog si Kuya kagabi. May magandang secretary pala siya," sabi pa ni Deo at napangiti na. "Di ba Kuya?" sabi niya habang nakatingin sa likod ko.
Bigla akong kinabahan nang malaman na nandyan pala si Duke sa likod.