NESTLE
Pumara ako ng taxi para makapunta sa bangko na pinagtatrabahuan ko. Malilate na ako dahil sa kakahintay kay Khalil. Tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Inaasahan ko na maihahatid niya ako gaya ng pangako niya.
Tumingin ako sa wrist watch ko at nakita na mga thirty minutes na lang ang natitirang oras sa akin. Hindi ko naman magawang magalit kay Khalil, dahil baka naman may dahilan ito kaya hindi siya sumipot. Ngayon lamang ito nagkaganito. Nag-aalala nga ako na baka may nangyari dito nung pauwi ito mula ng pagpunta nito sa apartment ko. Wag naman sana.
"Manong, d'yan na lang po," para ko sa driver ng taxi. Huminto ito sa gilid sa tapat ng bangko. Nag-abot ako ng bayad at bumaba na agad ako.
"Hi Nestle!" bati ni manong guard.
"Hi Manong. Saya natin ah," nakangiti kong bati kay Manong Jhonny na security guard ng bangko. Naglog-in ako automatic attendance. Finger print lang naman ang kailangan para makalog-in ka.
"Syempre, malapit ko nang makapiling ang pamilya ko. Lilipat sila rito ng bahay para magkakasama na kami," nakangiti nitong sabi. Nakakatuwa naman talaga itong si Mang Jhonny. Kahit na malayo sa pamilya hindi nito nagawang ipagpalit ang pamilya nito. Hindi naman lahat. Pero may iba kasing lalake na pag nalayo sa pamilya, doon magloloko. Sana ganyan din ang ibang lalake. At alam ko na gaya ni Manong si Khalil. Kailanman ay hindi nito nagawang tumingin sa iba. Kaya malaki ang tiwala ko sa kaniya.
"Masaya ako at magkakasama na kayo ng pamilya mo, manong. Sige po papasok na ako," nakangiti kong sabi na tinanguan niya.
Marami ang bumati na mga kawork ko. Nagpunta muna ako sa locker ko para ilagay ang gamit ko at mag-ayos ng sarili para maging presentable ako.
"Hi Nestle!," bati ni Shaira na kaibigan ko rito sa bangko. Masiyahin si Shaira at mahinhin kaya nagclick kami. Nung una kong pasok sa trabaho ay siya agad ang unang nagpakilala sa akin at gumabay, dahil nga hindi ko pa gamay sa umpisa.
"Hi Shai. Bakit tila aligaga ka?" tanong ko dahil todo ayos siya ng sarili habang nakaharap sa make up mirror nito.
"Paano ngayon daw kasi bibisita ang anak ng isa sa mga investor ng bangko. Balita ko nga gwapo raw ito," kinikilig nitong sabi.
"Kaya pala todo paganda ka. Kahit naman hindi ka mag-ayos tiyak na mapapansin ka," sabi ko sa kaniya.
"Etchusera ka. Baka mamaya ikaw pa ang mapansin dahil ganda mo Day. Hindi mo ba alam na maraming nagkakacrush sa'yo pero hindi makaporma dahil alam na may boyfie ka na," sabi nito na kinailing ko.
"Malabo ang sinasabi mo. Syempre anak mayaman iyon at hindi iyon magkakatipo ng gaya ko na simple lang. Tsaka gaya ng sabi mo, may boyfriend na ako at hindi ako kailanman magtataksil sa boyfriend ko," sabi ko sa kaniya.
"Sabagay. Good catch na yung boyfie mo. Gwapo at may kaya. Tapos isa pang engineer,"
Ngumiti na lang ako at naglagay ng lipstick na red. Sinuklay ko lang ang kinulot kong buhok sa pinakadulo gamit ang mga daliri ko. Tiningnan ko din kung ayos ba ang uniform ko. Formal black blazer at panloob ay white elegant sando at black skirt naman ang terno.
"Let's go, Nestle. Baka dumating na iyon," aya ni Shaira sa akin. Niligpit ko naman ang gamit ko at sinara na ang locker. Kinuha ko ang bag ko at binitbit palabas. May sari-sarili kaming table. Dahil sa office naman ako nakaassign.
Pagkaupo ko ay tiningnan ko ang folder na nakalapag sa table ko. Isa pala iyong list ng mga company na nagrerequest for ATM sa banko.
Natigil lang ako sa pagbasa ng tumunog ang landline sa office ng isa sa mga boss namin.
Agad kong sinagot dahil tiyak na importante iyon.
"Yes, Sir?" sagot ko.
"Ms. Ramirez, come here in my office. I want to talk to you," sabi nito na kinakaba ko. May kasalanan ba ako at pinapapunta ako sa office nito? Madalang kasi magpatawag ito sa office. Lagi kasing pumupunta ito sa bawat table para bisitahin ang work place namin.
"Sige po, Sir. Papunta na po," tugon ko at binaba na ang telepono ng ibaba na nito ang tawag. Inayos ko muna ang folder at nilagay sa box para hindi mawala. Importante iyon at ako ang malalagot pag nawala.
Tinungo ko ang office ni Sir at kumatok ng tatlong beses ng makarating ako sa harap ng pinto nito.
"Come in," sabi nito kaya humugot muna ako ng malalim na hininga at pinihit ang door knob.
Pagpasok ko ay agad kong nakita si Sir na may pinipirmahan. Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang pagbukas ko ng pinto. Nasa mid forty na ang edad ni Sir, pero medyo may white hair na siya. Tinigil niya ang pagpirma at minuwestra sa akin ang upuan sa harap ng table niya. Pag-upo ko ay inalis niya ang suot na reading glasses at sumandal sa swivel chair nito at pinagsiklop ang kamay.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa," sabi nito na kinalunok ko. Ito na ba yung sasabihin na tatanggalin na ako dahil hindi maganda ang trabaho ko? Tapos ito na ang huling araw ko? Jusko, wag naman sana. "May iooffer ako na position sa'yo," pagpapatuloy nito na kinaayos ng upo ko.
"P-Po? Bagong position? Ano naman po?" nabibigla kong tanong.
"Nangangailangan kasi ng sekretarya ang anak ng isang big time stock holder ng bangko. Hindi naman sa hindi kita gusto rito. Pero alam ko na big oppurtunity ito sa'yo. Pero kung ayaw mo naman ay pwede ko naman na alukin din ang--" hindi ko na pinatapos si Sir dahil alam ko na totoo ito sa sinabi nito.
"Sige po, pumapayag ako. Pero saan po ba iyon? At sino po yung magiging boss ko? At kakapalan ko na po ang mukha ko... magkano po ang sahod?" sunod-sunod kong tanong.
Ngumiti ito sa naging reaksyon ko. "Good decision, Ms. Ramirez. And for your questions.. Sa isang isla ka nakaassign. BF Island na pinangalan sa asawa ng isang bigtime stock holder ng bangko. Ang tanging nakakapunta lamang sa islang iyon ay mga may K," sabi nito at tinaas ang kamay at pinorma ang tatlong daliri patayo habang dalawang daliri na hintuturo at hinlalaki ay pabilog. It means.. May pera. "At mahigpit ang seguridad doon at hindi madaling makapasok kung wala kang ipapakitang pagkakakilanlan mo," pagpapatuloy ni Sir.
"Ah Sir, big time nga po pala. Hindi po kaya hindi ko makaya. Baka po kasi pumalpak ako tapos--" hindi na niya ako pinatapos.
"Kaya mo yan, Ms. Ramirez. Tiwala ako sa skills mo at alam ko na matutuwa sa'yo ang magiging boss mo," sabi nito.
Napahinga ako ng malalim habang patuloy namin na pinag-uusapan ang about sa magiging work. Malalayo pala ako ng tuluyan sa pamilya ko at kay Khalil. Dahil malayo at dagat ang pagitan. Dahil nga isla pa iyon. Pero sinabi naman sa akin ang maaari kong maging sahod. Napakalaki para sa pagiging sekretarya. Kung susumatuhen ay para akong nagtrabaho sa abroad.
Paglabas ko ng opisina ay lutang ako na nagtungo sa table ko.
"Uy Nestle, bakit tulala ka?" usisa ni Shaira na pinarating pa talaga ang chair nito para makalapit at mag-usisa.
"Hindi na kasi ako magtatrabaho rito," sabi ko sa kaniya na kinasinghap niya at napatakip ng bibig.
"You mean.. Tinanggal ka?!" napalakas ang boses niya kaya napatingin sa amin ang mga kaworkmates namin. Pinandilatan ko siya ng mata na agad niyang naunawaan. Nagpeace sign siya sa mga kasamahan namin na hindi na kami pinansin pa.
"Hindi naman ako tinanggal. May inoffer kasi si Sir na secretarial position sa anak daw ng boss natin. Syempre hindi na ako humindi pa dahil kahit paano ay malaki din ang sahod. Yun nga lang.. malalayo ako sa pamilya ko at kay Khalil," paliwanag ko sa kaniya.
"Grabe! Ang swerte mo naman.. Pero saan ka bang lugar magtatrabaho?"
"Sa isang isla daw," sabi ko.
"Ay isla pala. Tiyak boring dun. Pero tiyak din na may beach," komento niya.
"Baka nga," nasabi ko na lang.
"Hay, swerte mo naman. Ako itong sayang ang pagpapabeauty, dahil hindi pala darating yung anak ng stockholder. Malas," sabi niya na nagmamaktol. Napailing na lang ako sa pagkaisip bata nito. Tila atat na atat na siyang magkaboyfriend.
"Bakit daw hindi natuloy?" tanong ko at kinuha muli ang box para harapin na ang mga request form.
"Ewan ko nga. Sinabi lang ni ma'am Shy na agad daw nitong kinancel ang pagbisita nito," tumango ako sa sinabi niya.
"Ms. Ramirez," napatingin kami ni shaira kay Ma'am Shy. Isa sa mga manager namin. Tumayo ako at bumati kami ni Shaira.
"Good morning, Ma'am. Bakit niyo po ako tinatawag?" bati ko sa kaniya.
"You can leave now. Dahil ngayon ka daw pupunta sa BF Island. Igayak mo ang mga gamit na dadalhin mo at may maghahatid sa'yo sa port kung saan ka sasakay," sabi nito na kinamaang ko. Ngayon agad-agad? Ni hindi pa nga ako nakakapaghanda para doon. At hindi pa ako nakakapag-paalam sa pamilya ko at kay Khalil.
"Ma'am, ngayon po talaga agad? Hindi pa kasi ako nakakapagpaalam sa pamilya ko," sabi ko sa kaniya.
"Sorry kung biglaan. Kailangan na daw kasi ng big boss natin ng secretary dahil nag-uumpisa pa lang ito bilang CEO," paumanhin ni ma'am. Wala naman akong nagawa kundi tumango.
Seryoso kong inaayos ang gamit ko habang si Shaira ay malungkot na tinitingnan ako. Ako man ay malungkot dahil hindi na kami masiyadong magkikita. Nang mailagay ko na sa kahon ay sa locker room naman ako nagtungo. Kinukuha ko ang bag ko nang bumukas ang pinto.
Si Shaira ay nakasilip at tuluyan nang pumasok.
"Oh bakit sumunod ka? Baka may nakaassign sa'yo na mga papers," sabi ko na hindi ko mapigilan na pumiyok. Agad akong tumalikod dahil naiiyak ako. Ganito pala ang feeling pag aalis ka sa pinagtatrabahuan mo. Na simula pa lang ay maayos na ang trato sa'yo ng mga tao.
"Huhuhu! Friend, mamimiss kita," sabi ng ngumangawang si Shaira na kinatawa ko. Agad akong nagpahid ng luha at humarap sa kaniya.
"Wag kang umiyak. Baka sabihin pa na ang arte natin," sabi ko at sinukbit ang bag sa balikat ko.
"Pakialam ba nila. E, sa naiiyak ako dahil wala na akong makakausap dito. Mga seryoso kasi sila at hindi man lang ako kinakausap. Ikaw na nga lang ang kumakausap sa akin, tapos aalis ka na rito," malungkot nitong sabi.
Napahinga ako ng malalim at lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya dahil mamimiss ko din ang lukaret na ito.
"Wag kang mag-alala. Pag may leave ako, dadalawin kita," sabi ko sa kaniya. Bumitaw siya at umiling.
"Wag ka rin mag-alala. Gagawa ako ng paraan para doon din ako idestino ni Sir," seryosong sabi nito na kinailing at ngiti ko.
"Oh siya! Siya! Hintayin ko ang sinasabi mo. Galingan mo para mapilit si Sir," natatawa kong sabi. Ngumuso siya at natawa na rin.
Lumabas na kami ng locker at tinungo muli ang table ko. Nagkatinginan kami ng makita sila Sir na nasa tapat ng table ko. Dali-dali kaming lumapit rito.
"Sir," tawag pansin ko. Lumingon ito mula sa pagbaba ng cellphone dahil tila may kausap kanina.
"Oh Ms. Ramirez, naghihintay na ang maghahatid sa'yo. Ihahatid ka sa bahay mo para makuha ang gamit mo," sabi nito.
"Sige po. Aalis na ako," tugon ko agad at kinuha ang box sa lamesa ko. Tumingin ako kay Shaira at kumaway gamit ang isang kamay.
Lumabas na ako ng bangko. Naglog-out ako kay manong at nagpaalam din dito. Tinuro niya sa akin ang sasakyan na maghahatid sa akin. Isang limousine talaga?
Nakakahiya man ay lumapit ako doon. Bumaba ang isang pamilyar na lalaking driver ng limo. Parang nakita ko na siya ngunit hindi ko lang matandaan kung saan?
"Hi Ma'am. Ako si Wilson at ako ang maghahatid sa inyo sa port," sabi niya. Dahil sa sinabi nito ay tumango ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya sumakay na ako.
Pagsakay ko ay ginala ko ang mata sa loob ng sasakyan. Wow! Parang isang living room ang peg. May mini flat screen T.V, Dvd player, may mga beverage din na nasa taas na talagang may kaniya-kaniyang lalagyan. Binuksan ko ang curtain at tumanaw sa tanawin. It's so refreshing and comfortable to sit at. Para lang akong nasa bahay dahil sa lambot ng upuan.
Masyado naman ata akong V.I.P para sunduin ng ganito kagandang sasakyan. Hindi ko pala natanong kung ano nga pala ang pangalan ng magiging boss ko. Napatampal ako sa noo nang mapagtanto iyon. Pero siguro naman ay may magtuturo sa akin kung sino at saan ako magtatrabaho.
Huminto na ang sasakyan sa tapat ng apartment ko. Hay. Ang dami ko palang maiiwan na aalalahanin. Siguro tatawagan ko na lang si Nanay para sabihin na iba na ang trabaho ko. At ipapabilin ko na rin ang apartment ko. Dahil tila hindi ko na masyadong magagamit iyon. Nakapaghulog pa naman ako ng pang-isang buwan.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Khalil. Pero hindi pa rin ito sumasagot. Ano kayang nangyari doon at hindi ko macontact? Tumunog ang message tone ko at dahil sa pag-aakala na si Khalil iyon ay agad kong binuksan.
'See you later..' text from an unknown number. Sino naman ito?
Hindi ko na pinansin dahil baka wrong sent lang.
-
DUKE
"Everything okay?" tanong ko sa mga tauhan ni Daddy sa kabilang linya.
"Yes. Pasakay na siya ng yacht. Kami na ang bahala sa kanya," sabi ni Wilson.
"Okay. Basta wag niyo munang sasabihin sa kaniya kung sino ang boss niya. I want to surprise her," bilin ko.
"Okay, Sir," tugon nito kaya tumango ako at binaba na ang tawag.
"Bakit hindi mo tinuloy ang pagbisita mo sa bangko?" tanong ni Chad na katabi ni Xenon. Nandito kami sa boat dahil nag scuba diving kami sa isla na pag mamay-ari ng pamilya namin. Kakatapos lang namin dahil masarap sa pakiramdam ang lamig ng tubig.
"Naisip ko na baka tanggihan niya pag nalaman niya na ako ang nangangailangan ng sekretarya. Mabuti na narito na siya bago pa siya magback-out," sabi ko habang nagpupunas ng buhok.
"Bakit kasi naisip mo pang maging sekretarya siya? Baka mamaya hindi lang sekretarya gawin mo sa kaniya," nakangising sabi ni Xenon kaya binato ko siya ng towel.
"f**k you! I respect her. Kaya hindi ko gagawin iyong nasa isip mo," asik ko sa kaniya na kinahalakhak ng mga gunggong.
"Ang bagal mo kasi. Baka mamaya maunahan ka ng boyfriend niya," nakangising tukso ni Chad.
Sumandal ako sa riles at umiling. "Hindi mangyayari iyon dahil kilala niyo ako. Gagawin ko ang lahat para sa akin lamang siya. Ngayon pa na may dahilan na para hiwalayan siya ni Nestle," nakangisi kong sabi na kinangisi din ni Xenon pero hindi ni Chad.
"Pero mali ang ginawa mo, dude. Pag nalaman niya iyon tiyak na magagalit iyon lalo na sa'yo. Baka imbes na makuha mo siya ay lalo lamang siyang lumayo sa'yo," seryoso nitong sabi.
"Magalit na siya pero yun lang ang naisip kong paraan. Hindi ko naman alam na ang paglayo ko ng matagal ay makukuha pala siya ng iba. Kaso wala akong choice kundi sumunod sa yapak ni Daddy, para maproteksiyonan ang pamilya namin," tugon ko sa sinabi niya.
"Dude, hayaan mo na si Duke. Masyado kang serious lagi. Pag nainlove ka baka ganyan ka rin," sabi ni Xenon kay Chad at tumango sa akin..
Kung si Xenon ay isang sulsol sa aming tatlo. Si Chad ang serious type at pag may mali, tiyak na pipigilan ka.
"Tsk. Mga ulol," surang sabi nito at bumaba na ng boat.. Nagkatinginan kami ni Xenon at umiling.
"Wala akong alam sa tipo ng ugok na yan. Baka mamaya ikaw pala ang type ni Chad, dude," nakangising sabi sa akin ni Xenon.
"Ulol. Kilabutan ka nga. Tsaka alam ko na pag nagkagusto yan, malalaman din natin," sabi ko at bumaba na din. Dahil maya-maya tiyak na narito na siya.
-
NESTLE
Pasado alas tres na nang makarating kami sa islang pagtatrabahuhan ko. Wala akong ginawa kundi ngumanga sa ganda, linis, sarap ng hangin, at ang dagat na asul na asul at ang buhangin na puting-puti na, mapino pa.
Sakay kami ng yacht patungo rito. Akala ko nga nandoon na kami sa isla. Yun pala kailangan pang sumakay ng chopper para makarating sa mismong isla. Kitang-kita ko mula sa taas ang ganda ng isla.. Kitang-kita din ang trade mark ng isla na tinawag na BF Island. Pati ang ibang establesimiento ay kitang-kita. Tila hindi ako magsisisi na pumayag ako kung ganito ba naman ang makikita ko araw-araw.
Sa isang rooftop ng hotel lumapag ang chopper. Sinakop ko ang buhok ko habang inaalalayan akong bumaba ng lalaking sumundo sa akin. Malakas ang hangin ng elisi ng chopper kaya masakit sa balat at mukha.
Sumakay kami ng elevator dahil dadalhin daw ako sa magiging boss ko. Kinabahan naman ako bigla. Hindi ko alam bakit biglang nagrambulan sa kaba ang dibdib ko. Umiling ako at huminga ng malalim.
Sa 14th floor kami bumaba.. Dahil nandoon daw sa conference room ang mag-iinterview sa akin bago ako iharap sa boss ko.
Kaya bago ako humarap ay nagpowder room muna ako para mag-ayos ng sarili. Mabuti at formal dress ang suot ko kanina pa.
Nagretouch muna ako bago makontento na ayos na ang itsura ko. Bago lumabas ay humugot ako ng maraming hininga, confidence, at tatag ng loob.
Paglabas ko ay binagtas ko na ang hallway na papunta sa conference room ng hotel. Pero napadako ang tingin ko sa elevator na pasara na. Parang nakita ko kasi si Miss Ganda. Pero imposible naman siguro iyon di ba? Nagkibit-balikat na lang ako at tumuloy na. Baka nagkakamali lang ako ng tingin.
Nasa harap na ako ng double door ng conference room. Kumatok ako ng tatlong beses. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang babae. Ngumiti ito at pinagbuksan ako.
"Ikaw siguro si Ms. Ramirez, right?' tanong nito.
"Yes, ma'am," tugon ko. Umiling siya at kinampay ang kamay tila nagkakamali ako sa sinabi ko.
"Wag mo na akong tawaging ma'am. Shiela na lang. Mas mataas naman ang magiging position mo kumpara sa akin," nakangiti niyang sabi at minuwestra na maupo ako.
"Magpapakilala muna ako. I'm Shiela Rodriguez. H.R. department. Kaya pag may kailangan kang malaman lalo na sa hotel ay ako ang hanapin mo. Hawak ko ang contract papers mo. Nakasulat d'yan ang sasahurin mo, mga Benefits na makukuha mo sa isla, at mga rules. Kung okay na sa'yo iyan ay pirmahan mo na," nakangiti niyang wika at inilahad ang ballpen. Dahil din sa pagkataranta na tila atat na atat na niya akong papirmahin ay agad ko nang pinirmahan kahit hindi ko pa masyadong nababasa.
Maluwang siyang ngumiti ng mapirmahan ko na lahat. Kinuha niya iyon at tumayo. Kaya tumayo din ako. Naglahad siya ng kamay sa akin para makipag shake hands.
"Congratulations, Ms. Ramirez. Iiwan na kita rito at hintayin mo si Sir. Parating na iyon. Bibigyan na lang kita ng kopya ng contract mo," sabi niya.
"Sige, salamat," nakangiti kong sabi at bumitaw na kami ng shake hands.
Umalis na siya kaya naupo na muli ako. Nilibot ko ang tingin sa loob ng conference room. Gaya ng ibang nakikita ko ay maraming chair at may mahabang table. May L.E.D Board din at may ilang bookshelf at lagayan ng mga papeles. May sign board na gawa sa skate board na nakasulat ang pangalan ng isla. Tumayo ako at lumapit sa glass wall. Tutal wala pa naman ang boss ko kaya hindi naman ako mahuhuli na parelax-relax lang.
"Wow! Kitang-kita pala rito ang view ng dagat," namamangha kong bulalas.
"Ahem," tikhim sa likod ko.
Dahil sa hindi ko maialis ang mata ko sa view ay hindi ko namalayan na may tao na pala sa conference room bukod sa akin. Kung hindi pa tumikhim iyon ay hindi ko maiaalis ang tingin doon.
Humarap ako para sana humingi ng paumanhin sa boss ko. Pero para akong tinulos na kandila sa kinatatayuan ko ng bumungad sa akin ang taong hindi ko akalain na makikita makalipas ang halos apat na taon.
"I-Ikaw ang b-boss ko?" nauutal kong sabi na alam kong obvious naman.
"Yes, Ms. Ramirez," sabi ni Duke na akala mo ibang tao siya. Serious face, at formal ang suot na hindi ko pa nakikitang magsuot siya ng ganyan.
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.. Kung alam ko lang na siya pala ang boss ko, hindi na sana ako pumayag. Ang makaharap siya ay hindi ko pa napaghahandaan.