After four years..............
NESTLE
Maaga akong nakauwi galing sa trabaho. Yes, I'm working now. Hindi ko namalayan na napakabilis pala lumipas ng panahon. Parang kailan lang na high school student pa lang ako. Pero ngayon ay isa na akong accountant sa bangko. Nakapagtapos ako ng gusto kong kurso na accountancy at with flying colors.
Dahil na rin sa pagsusumikap ng magulang ko sa pagtatrabaho ay natutustusan nila kami ni Magnolia. Ngayon fourth year high school na si Magnolia. Naabutan niya ang k-12 program, kaya matagal pa ang bubunuin niya para makatapos. Pero gaya ko ay masipag din sa pag-aaral si Magnolia kaya naman para makaluwag-luwag sila Nanay, ako na ang nagpapaaral kay Magnolia. Malaki din ang sahod ko kaya kaya ko na.
Hindi din naman ako naging pabigat sa parents ko dahil nakagraduate ako na hindi sila nag-aalala sa tuition ko, dahil scholar ako ng school dati sa mataas kong grado nung grumaduate ako ng high school.
Ngayon ay may negosyo na isang malaking karinderya si Nanay. Dahil sa sarap niya magluto ay naging patok sa mga tao ang mga recipe niya.
Si Tatay naman ay nakabili na ng van na pinaparenta niya para kumita. Kaya minsan ay wala siya dahil siya mismo ang driver no'n at nagtutour sa mga nagrerenta. Wala ako sa bahay ngayon dahil medyo malayo ang pinagtatrabahuhan ko. Dito sa Makati kasi ako naassign, tapos sa Cavite pa ang bahay namin. Kahit na malayo sa pamilya ay tiniis ko dahil umuuwi naman ako pag Sunday o kaya pag no working day.
Nagring ang telepono ko kaya nahinto ako sa pagbukas ng pinto. Nakita ko si Hana ang tumatawag kaya agad kong sinagot.
"Happy birthday, friend! Sorry ngayon lang kita nabati. Alam mo naman na busy ako sa pag-aalaga sa junakis ko," pang-unang bati ni Hana kaya napangiti ako.
"Ano ka ba! Okay lang. Alam ko naman na hindi ka magkadaugaga sa pag-aalaga sa inaanak ko. Tsaka okay na sa akin binati mo ako. Akala ko nga hindi mo man lang naalala," nakangiti kong sabi at sumandal sa pinto.
"Syempre makakalimutan ko ba ang kaarawan mo. Hindi kaya no! .. Oh wait lang, ninang. Nagmamaktol na naman ang inaanak mo. Patulugin ko lang," hindi magkandaugaga na sabi ni Hana na kinailing ko. Hindi pa nakakatapos sa pag-aaral si Hana nang mabuntis ito ng nobyo nito si Raphael. Mabait naman ang nobyo nito at pinagutan ang kaibigan ko, kaya masaya ako para kay Hana. Dahil alam kong hindi ito nagsisisi sa buhay. Pwede naman siyang bumalik sa pag-aaral at tapusin pag malaki na si Jerick for short Jek.
Umiling-iling ako at tuluyan na binuksan ang pinto. Pagpasok ko sa apartment ko ay napatalon pa ako sa gulat nang may pumutok na bagay.
"HAPPY BIRTHDAY" bati nila Nanay, Tatay, Magnolia... at
"Happy birthday, Hon," nakangiting sabi ni Khalil.
Kung iniisip ng iba na malungkot ako dahil si Hana ay may pamilya na. Pwes. Hindi! Dahil may pamilya ako at may lalaking nagpapasaya sa akin ngayon.
Hindi ko akalain na kami pala ni Khalil ang magkakarelasyon. Dati akala ko ay wala akong ibang magugustuhan kundi si... never mind. Ayokong isipin pa dahil wala na siya sa buhay ko.
Kamuntikan na ako magbreak down noon. Halos mapabayaan ko ang grades ko.. Pero nang tulungan ako ni Khalil na makamove on ay doon lamang ako nagising sa katotohanan na dapat hindi ka aasa sa taong alam kong hindi na ako babalikan pa.
Habang tumatagal ang pagsasama namin ni Khalil ay nahulog ang loob ko sa kaniya. Lagi kami magkasama dahil sa college ay schoolmate ko din siya. Inamin niya na simula magtransfer siya ng high school sa school ko ay nalove at first sight na siya. Pero hindi niya maamin dahil alam daw niya na iba ang tinitibok ng puso ko.
Pero hindi na ngayon.. dahil nakita ko kung gaano kabait, maginoo, hindi tumingin sa iba at ginagalang ako ni Khalil. Sa buong relationship namin ay wala pang kiss na namamagitan sa amin. Dahil ewan ko ba kung nagkakataon lang ba. Pero pag nasa tyempo nandoon na kami sa kiss part ay lagi kami nabubulabog ng isang prank call ang cellphone ko. Kaya ayun dahil nagkakahiya din kami kaya nawawala na ang moments. Lol.
Ngumiti akong lumapit kay Khalil at yumakap dito. Tumingin ako sa magulang ko na nakangiting nakatingin sa amin. Botong-boto sila kay Khalil dahil talaga wala kang mapipintas dito. Tumutulong din ito sa karinderya namin pag uuwi kami kila Nanay. At ang daming costumer pag siya ang nagseserve. Lalo ang mga Lola gwapong-gwapo sa kaniya.
"Nakakainis ka. Kaya pala tinatawagan kita hindi ka sumasagot," nagtatampo kong sabi kay Khalil na kinangiti nito.
"Sorry na, hon. Gusto ka lang naming supresahin. Dahil alam kong gusto mong magcelebrate kasama ang pamilya mo," nakangiti nitong paumanhin at hinaplos ang buhok ko.
"Ikaw talaga. Ang dami mo talagang ginagawa para sa akin.. Feeling ko tuloy inaabuso na kita," nakanguso kong sabi na kinailing nito.
"Hindi ko iniisip yan. Gusto ko lang talaga gawin ang lahat para maging the best boyfriend mo. Tsaka makita ko lang na masaya ka, masaya na rin ako," sabi niya na kinatouch ko.
"Oh, maglalambingan na lang ba kayo, ate? Tomguts na ako," pagsingit ni Magnolia sa pag-uusap namin ni Khalil. Pinandilatan ko siya ng mata na kinahalakhak nila.
Ngumiti ako at sabay-sabay kaming lumapit sa lamesa para kumain ng hinanda nila para sa akin.
-
Gabi na nang maisipang umuwi ni Khalil. Sila Nanay naman ay umuwi na din kahit na sinabi kong doon na lang matulog. May dala naman daw silang van at magbubukas pa daw ng karinderya kaya hindi daw sila pwedeng hindi umuwi.
Hinatid ko sa labas ng gate ng apartment si Khalil. Nakaholding hands kami habang lumalabas.
Humarap siya habang nasa labas na siya ng gate habang ako ay nasa loob. Natawa ako dahil ayaw niyang bitawan ang kamay ko.
"Bitaw na mister. Gagabihin ka pa," nakangiti kong sabi.
"Parang ayokong bitawan. Pag binitawan ko ay baka kunin ka sa akin," wika nito na lalo kong kinangiti.
"Aba't humuhugot ka pa, mister. Wag kang mag-alala. Walang kukuha sa akin mula sa'yo," sabi ko sa kaniya.
"Alam ko. Dahil hindi ako papayag na makuha ang maganda kong girlfriend,"
"Che! Nambola ka pa. Sige na, lumakad ka na at baka lalo kang gabihin sa daan," sabi ko sa kaniya.
"Oo na. Sunduin kita bukas," sabi nito kaya tumango ako. Akmang bibitawan na niya ang kamay ko nang hatakin niya ako at halikan sa labi na kinagulat ko. Smack lang iyon pero bigla akong kinabahan. Napatingin ako sa paligid pagkabitaw niya ng halik. Para kasing may matang nakatingin. Nagtaasan kasi ang balahibo ko sa braso.
"Sorry," paumanhin niya tila kasi naging awkward ang atmosphere.
Ngumiti ako at umiling. "Ano ka ba! Wag kang magsorry. Girlfriend mo naman ako," sabi ko para hindi siya maguilty.
Napakamot siya ng ulo at ngumiti na nagpaalam na. Sumakay siya ng kotse nito na nakaparada lang sa harap ng apartment. Kumaway ako habang tinatanaw ang pag-alis niya.
Papasok na sana ako nang may matamaan akong isang tao na nakasakay sa motorsiklo. Hindi ko makita ang mukha dahil madilim at tila nakamaskara siya.
Kinabahan ako ng bumaba ito ng motor kaya dali-dali kong sinara ang gate at humakbang papasok. Napatingin ako sa likod ko nang marinig ang malakas na pagkalampag ng bakal na gate. Nanlaki ang mata ko ng talunin lang iyon ng nakamaskarang lalaki.
Agad kong binuksan ang pinto at pumasok. Ngunit nang isasara ko na sana nang makipagtulakan siya sa akin ng pinto. Kinakabahan na ako dahil baka anong gawin sa akin nito..
Dahil mas malakas siya kumpara sa akin ay naitulak nito ang pinto. Agad akong lumayo para makahanap ng gagawing panangga ko kung sakaling gawan niya ako ng masama.
Kita ko ang isang medyo matangkad na postura ng lalaki. Nakaleather jacket, nakamaskara ang mata hanggang ilong kaya bibig lang niya ang kita ko. Sa built ng katawan ay tila batak sa gym na hindi naman malaki na para nakakatakot tingnan.. Para ba mga model sa billboard ng sikat na Calvin Klein brief. Base sa kamay at leeg niya ay maputi siya.
Kinabahan ako ng dahan-dahan itong lumapit habang paatras ako na hinahanap ang maaaring panangga sa kaniya. Kinuha ko ang unan sa sofa at binato sa kaniya.
"Sino ka? Lumabas ka ng apartment ko!" sigaw ko rito. "Tulong! Mga kapitbahay!" hingi ko ng tulong dahil natatakot na talaga ako.
Ngumisi ito pero inis na ngisi. Dahil paikot-ikot lang kami sa sofa ay tinalon niya iyon na kinagulat ko. Napaatras ako at napapikit dahil akala ko babagsak ako sa sahig..
Pero nang maramdaman ko ang dalawang matigas na braso na pumulupot sa bewang ko at hinatak ako palapit sa mainit nitong bisig ay napadilat ako.
Hindi ko alam pero parang pamilyar ang yakap na iyon. Kumabog din ng mabilis ang puso ko. Hindi ko sure kung sa kaba o dahil sa lalakeng ito.
Napatitig ako sa mata niya na malalim at malamig na nakatigtig sa mga mata ko. Kahit na hindi ko kita ang kalahating bahagi ng mukha niya ay alam kong may itsura ito.
Humawak ako sa dibdib niya para itulak. Pero ang higpit ng pagkakapulupot niya sa bewang ko tila ayaw akong bitawan.
"Bitawan mo ako! Sisigaw ako!" banta ko sa kaniya. Kumibot ang labi niya tila natutuwa pa sa pagkatakot na nababakas sa mukha ko.
Hinaplos niya ang mukha ko na tila kinakabisado. Nagpupumiglas ako pero hindi ko magawang makawala dahil para siya bakal sa tigas. Napaigtad ako nang pahirin niya ang labi ko. Para bang binubura ang halik ni Khalil kanina.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" nagwawala kong sabi dahil humigpit ang pagkakapulupot niya sa bewang ko tila galit siya habang binuburang kung ano man sa labi ko.
Humawak siya sa buhok ko at nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Umilag ako pero mas lalo niyang inangat ang mukha ko mula sa pagkakasabunot sa buhok ko na hindi naman masakit.
"Wag.. Hmmmp!" pagpigil ko sa kaniya pero huli na dahil mapagparusa niya akong hinalikan sa labi. Pilit akong umiiwas pero hinawakan niya ako sa batok para hindi makaiwas sa halik niya. Para ako humahalik sa pamilyar na labi. Pero iba ngayon dahil para niya ako pinaparusan dahil sa gigil niya sa paghalik.
Napaiyak ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin. Tinuhod ko ang alam kong makakasakit sa kaniya.
Nabitawan niya ako kaya dali-dali akong tumakbo at pumasok ng kwarto. Nilock ko agad ang pinto at padausdos na napaupo. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang t***k ng dibdib ko. Pati ang halik niya ay ramdam ko. Hindi ko alam kung tama ba ang nasa isip ko. Sa labi niya ay parang kilala ko siya. Pero malabo iyong mangyari.
Napapahid ako ng luha nang magvibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang nagtext. Lalo akong napaiyak nang si Khalil iyon. Sinabi nito na good night. Feeling ko nagkasala ako sa kaniya. Pinilit ko namang iwasan ang halik ng lalaki pero mali pa rin na hinalikan ako nito.
Nakarinig ako ng ugong ng motor at palayo no'n. Nakahinga ako ng maluwag ng malaman na umalis na ito. Hindi ko alam bakit nito ginawa iyon? May atraso ba ako?
Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto. Sinilip ko pa kung baka nasa loob pa ito. Nang maramdaman na wala na ito ay nakahinga ako ng maluwag.
Lumapit agad ako sa pinto para siguraduhin na nakalock. Baka mamaya pasukin muli ako.
Tatalikod na sana ako nang may mapansin akong sticky note na nakadikit sa pinto. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon.
'Walang pwedeng ibang humalik sa'yo, kundi ako lang. Umalis lang ako... pero hindi ko sinabi na pwede kang kunin sa akin ng basta-basta. Akin ka lang, mine ko. Akin.'
Basa ko sa liham nung lalaki. At kahit hindi ko man alamin ay alam ko na kung sino iyon. Sa sticky note pa lang.
Nilamukos ko ang papel at tinapon sa basurahan na nasa gilid. Bakit ba ako nagpapaepekto sa kaniya.. At anong akala niya sa akin, na kakalimutan ko ang ginawa niya. Never.. Si Khalil na ang lalaki sa buhay ko. Simula ng iwan niya ako at ipagpalit sa iba, hindi ko na gugustuhin na bumalik sa kaniya.
At kahit anong mangyari... Hindi ko ipagpapalit si Khalil. Ano siya gano'n-gano'n na lang. Magpapakita, manghahalik, at aangkin na akala mo pag-aari niya.
Talaga palang hindi pa kita kilala Duke. Pero pwes. Hindi ko na nais pa na makilala ka pa. Dahil simula nang hindi ka na bumalik... binura ko na rin ang feelings ko para sa'yo.
-
Solemm's Bar
Isang malamig at madilim na awra ang bumabalot sa isang lalaki. Binibigwasan niya ng suntok ang madadaanan niya.
"Dude, easy lang. Tila masama ang timpla natin ah?" sabi ng pula ang buhok na nasa bar station kung saan gumagawa ito ng alak.
Padaskol na naupo naman ang lalaki sa couch paharap dito.
"f**k that bastard! He got the nerve to kiss what's mine. I swear, I'll kill him if ever I faced him," gigil sa galit na sabi niya.
"What's the problem on that? Remember, she's not yours now. And the bastard you're calling is her boyfriend now," sabi ng pula ang buhok habang nagmimix ng beverage.
"Who said I'll let that bastard take her from me. She's once mine and will always be mine. She belongs to me," wika niya.
"Here take this. Para maalis ang init ng ulo mo," sabi ni pula ang buhok at naupo paharap sa kaniya. Kinuha niya iyon at inisang shot. "Dude, sigurado ka ba sa desisyon mo at nagpakita ka sa kaniya? Baka mapahamak siya lalo na pag nalaman ng kaaway niyo na siya ang kahinaan ng isang Ford," sabi ng pula ang buhok na si Xenon. Duke's best friend.
"Alam ko. Pero hindi pwede na makuha siya sa akin. Gagawa ako ng paraan para makipagbreak ang mine ko sa asshole na iyon. Tutal para saan pa ang training ko at experience ko kung hindi ko naman siya kayang protektahan. Nakalimutan mo na ba na wala akong kinakatakutan," wika ni Duke na nakangisi na.
"Wala nga ba?" nakangising sabi ni Xenon.
"Tsk," asik niya rito at tinungga ang alak.
"Hi, handsome," bati ng waitress ng bar ni Xenon. Hindi pinansin ni Duke iyon dahil nag-iisip siya kung paano ang gagawin para mawala sa landas ni Nestle ang lalakeng iyon.
"Sabrina, may ipapagawa ako sa'yo. Kaya mo ba?" sabi ni Xenon na kinatingin ni Duke.
Kumandong ang babae sa hita ni Xenon at yumakap sa leeg nito.
"Sure, basta ba may fee," sabi nito at pinagduldulan ang dibdib nito..
Ngumisi si Xenon at tumingin kay Duke. May binigay itong tingin tila may sinasabing plano.
Doon naman napangisi si Duke dahil alam na niya kung paano niya maaalis sa landas ang lalaking iyon. Dahil wala siyang makuhang impormansyon tungkol sa lalakeng iyon na baho nito. Kaya hindi niya alam paano madidispatya ito.
Sumandal siya sa sandalan ng couch at napahawak sa labi. Napapangisi siya dahil talagang nakakadik ang labi ni Nestle. Ayaw niya sanang tigilan pero tinuhod nito ang junior niya.
'Nestle! Nestle! Pag ako nabaog, hindi tayo magkakaanak. Ngayon pa na nasa tamang edad na tayo,' ani niya sa isip habang napapangisi.
Napatingin siya sa kabilang lamesa nang makarinig ng kantyawan. Napakuyom siya ng kamao kung sino ang nakita niya.
"Wow. Pre, talaga magpoproprose ka na sa kaniya?" sabi ng katabi nitong lalake.
"Oo. Alam niyo namang ayokong maagawan kay Nestle. Baka bumalik pa ang mayabang na Ford na iyon at agawin sa akin si Nestle," sabi ng asshole na iyon na kinagalit niya. Tatayo na sana siya nang pigilan siya ni Xenon.
"Relax, dude. Tila ngayon natin magagawa ang plano. Kaya wag kang magmadali," sabi ni Xenon. Napaisip naman si Duke at muling naupo.
"Sige, pagawa mo na," nakangisi niyang sabi.
"Sabrina, ngayon mo na gawin ang utos ko," sabi ni Xenon sa waitress nito.
Tinungga niya ang alak habang tinitingnan ang binubulong ni Xenon. Tumingin siya sa asshole na iyon at ngumisi na tila may masamang balak.