CHAPTER 19 - SECRET PLACE

3457 Words
NESTLE "Duke, saan ba talaga tayo papunta? Bakit tayo pupunta sa dati nating bayan?" kanina ko pa tinatanong iyan sa kaniya. Mga five times na siguro pero ang loko tanging ngiti at kindat lang ang sinasagot sa akin. "Wag kang mainip, mine. Mamaya ko sa'yo sasabihin," sabi niya habang pinisil-pisil ang pisngi ko. Nakaakbay kasi siya sa akin habang sakay kami ng chopper. Hay. Hanggang ngayon ay hindi ako makaget-over sa panloloko niya. Hindi naman literal na panloloko na nakakasakit. Yung panloloko niya na kinatakot ko talaga. Siraulo kasi. Sabihan ba naman ako na kailangan daw magkadoseng anak kami na gaya ng sabi niya ay sabi raw ng Daddy niya. Tas, tiyempo paglabas namin ng elevator ay nakita kami ng Mom and Dad niya. At ang nakakahiya pa ay napansin nila na paiyak ako. Akala nga nila sinaktan daw ako ni Duke. Pero ang mas nakakahiya ay sabihin ni Duke na gusto ko raw kasing magkaanak kami ng ganon kadami. Tinadtad ko talaga ng kurot ang likod niya dahil hindi naman pala nais ng Daddy niya. Binibiro lang pala ako. At tungkol naman sa pagpapakasal namin ni Duke ay sinabi na naming sa family niya. At sabi nila ay masaya raw sila na magpapakasal kami. Gusto pa nga ni Miss Ganda na sa lalong madaling panahon daw. Kaso sabi ko, gusto muna naming paghandaan. I want a perfect wedding day. Gusto ko sa church dahil mas sagrado iyon. At gusto ko na makita nila Nanay na kung gaano ako nagpapasalamat sa kanila na nabuhay ako sa mundong ito. Sayang nga lang at hindi nila masasaksihan iyon. "Duke isa! Pag nalamog ang pisngi ko," pagsuway ko sa kaniya dahil ayaw niya tigilan na pisilin. Humalakhak siya at ginulo ang buhok ko. "Ang cute mo kasi, mine. Nakakagigil," nakangiti niyang sabi. "Naku tigil-tigilan mo ako sa pambobola mo. May kailangan ka siguro kaya ka nambobola?" naniningkit ang mata ko na tiningnan siya. Nilapit niya ang bibig sa tenga ko at bumulong. "Wala na akong kailangan pagdating sa'yo. Sapat na nasa tabi kita parati at mahal ako. Ikaw lang ang kailangan ko na mas higit pa sa anumang bagay sa mundo," sabi niya at hinaplos ang buhok ko. Naman. Bakit ang lambing ng isang ito. Kaya lalo akong nahuhulog sa mga gesture at matatamis niyang salita. "Talaga ba? Kahit na tumanda, ako pa rin ba?" nakanguso kong sabi dahil pinipigilan ko ang ngumiti. "Oo naman. Look," sabi niya at inangat niya ang damit niya na hanggang sa dibdib na matitikas. Hindi ako sa six packs abs niya nakatingin kundi sa kaliwang dibdib niya. "Nakaimprenta ang pangalan mo sa tapat ng puso ko. Kung saan tumitibok ang puso ko. Kaya kung sino man ang makakakita nito ay malalaman na isang babae lang ang iibigin ko," sabi niya habang nakatingin ako sa tattoo niya na mismong pangalan ko. Hinawakan ko iyon habang nangingilid ang luha ko. Hindi ko alam na ganito pala ang pag-ibig niya para sa akin. "s**t mine. Wag mo akong akitin. Baka mauna pa ang honeymoon natin kesa sa kasal," bulalas niya na kinatampal ko sa dibdib niya. "Kahit kailan, sinisira mo ang drama ko," inis kong sabi sa kaniya na humalakhak na naman at binaba na ang tshirt na suot niya. "Mine, pinapatawa lang kita. Akala ko kikiligin ka, yun pala ay iiyak ka. Ayoko na pinapaiyak ka. Hangga't maaari, nakangiti ka," sabi niya. "Syempre kinikilig ako, ano ka ba. Kaya lang naman ako naiiyak dahil sa kasiyahan sa sinabi mo at sa lahat ng ginagawa mo," sabi ko at yumakap ako sa bewang niya bago ko ilapat ang ulo ko sa dibdib niya. "Mabuti naman," Tugon niya. "Pero kailan mo ba pinatattoo-an yan?" tanong ko sa kaniya habang nakayakap pa rin. "Hmmm.. Nung umalis ako noon. May nakita kasi akong nagtatattoo. Kaya naisipan ko na patattoo-an ang dibdib ko ng pangalan mo. Para naman may maipapakita ako sa'yo," Umalis ako sa pagkakayakap at tumingin sa kaniya. "Bakit hindi ko napansin iyan nung nakatowel ka lang na pumasok noon sa kwarto ko?" "Siguro dahil natakam ka sa katawan ko, mine. Kaya hindi mo napansin," sabi niya na may pilyong ngiti. "Che! Ewan ko sa'yo," umirap ako at humalukipkip na tumingin na lang sa bintana. Inakbayan niya muli ako at kinuha ang kamay ko para pagsiklopin. "Mine, I love you," bulong niya na kinapula ng mukha ko. Hindi ako tumingin dahil tiyak na makikita niya na namumula ang mukha ko. Ano ba naman yan Nestle. Sabihan ka lang ng sweet words, bigay agad ang peg mo. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang mapangiti. "Mine, sabi ko I love you. Hindi mo ba ako sasabihan din?" sabi niya kaya hindi ko na napigilan at lumabas na ng tuluyan ang ngiti ko. "Bakit tanong ba iyon na kailangan kong sagutin?" pang-iinis ko habang hindi pa rin tumitingin sa kaniya. Akala niya ha. "Hindi. Pero kailangan mong tugunan. Bakit hindi mo ba ako mahal, ha?" bakas sa boses niya na nagtatampo siya. Tumingin na ako sa kaniya at ngumiti. Hinalikan ko ang pisngi niya at tumingin muli sa mata niya. "I love you, too," sabi ko na kinangiti ng loko. "Ang sarap naman no'n. Isa pa nga," hirit niya kaya hahalikan ko sana siya muli nang may tumikhim ng malakas na kinalingon namin. "Duke, narito na tayo," sabi ni Kuya Wilson na nakababa na pala at hindi man lang namin namalayan na huminto na pala ang chopper. God. Nakakahiya! Napayuko ako at napatakip ng buhok dahil feeling ko pulang-pula na ang mukha ko sa kakahiyan. Ako pa naman ang hahalik na tiyak na nakita nila. Humalakhak si Duke kaya pasimpleng kinurot ko ang braso niya. Tumingin ako sa kaniya na nangingiti at umusog para makababa habang hawak ang kamay ko. Inalalayan niya ako sa pagbaba at binuhat bago ilapag sa sahig. Nasa isang rooftop kami na hindi ko alam kung saan pero pamilyar siya. Lalo pa't may nakita akong swimming pool sa malayo. "Nasaan tayo, Duke?" tanong ko. "Narito tayo sa dati naming bahay. Inaalagaan pa rin ito kaya malinis. Dito kasi malapit lang ang pupuntahan natin mula rito," tugon niya at inakay ako palapit sa pinto kung saan ang hagdanan pababa. Kaya pala sabi ko pamilyar siya. Dahil dito ako inaya ni Bettina noon para makalaro. Malaki talaga ang bahay na ito ang kaso parang hindi na muling natitirahan dahil lahat sila ay nasa isla. "Sino ngayon ang nangangalaga ng bahay niyo?" tanong ko sa kaniya ng makababa kami sa sala. "Sila Lola. Nagpupunta si Lola rito kasama ng kasambahay nila para linisin ito," tugon niya at hinawakan ako sa bewang para akayin palabas. "Wala ba kayong balak na tirhan ito? Sayang naman kung sakali," sabi ko habang lumalakad kami palapit sa isang kotse na alam kong ito iyong sasakyan niya na gold dati. "Meron. Dahil dito tayo titira oras na makasal tayo," sabi niya na kinamaang ko. "Talaga? Pero paano yun, malayo sa hotel at sa pamilya mo?" Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya sumakay ako. Hindi muna niya sinara ang pinto para sagutin ako. "Okay lang. Dahil dadalaw tayo once a week at alam na ni Dad kung sino ang maaaring papalit sa akin sa position. Gusto ko na magkaroon ng sarili kong business na hindi malalayo sa magiging pamilya ko, natin," sabi niya kaya tumango ako. Sinara na niya ang pinto at nakita ko na kinausap niya saglit sila Kuya na bodyguard bago siya umikot sa kabilang side. Sa driver seat mismo. Buong byahe ay nagkwentuhan lang kami. At ilang saglit lang ay huminto na kami sa pamilyar na pamilyar sa akin. Gulat na napatingin ako kay Duke na nakahawak sa manibela habang nakatingin sa harapan. Nakahinto na kami at hindi pa bumababa. Nakangiti siyang tumingin sa akin. "Dito pala tayo pupunta," sabi ko sa kaniya. Inalis niya ang seat belt niya at maging ang akin. "Tara," aya niya kaya tumango ako at binuksan ang pinto sa side ko. Bumaba ako at lumakad palapit kay Duke. Hinawakan niya ang likod ko habang lumalapit kami sa puno kung saan namin inukit ang mga pangalan namin. Pagkalapit namin ay nakita ko kaagad ang inukit namin na kahit lumipas na ang mahabang panahon ay nanatili pa rin ito at hindi nagbago. Siguro ang nagbago lang ay nagkaroon ito ng bulaklak. "Naaalala mo pa ba ito?" tanong ni Duke sa akin na nasa likod ko. "Oo. Dati, nung umalis ka ng walang paalam. Lagi akong nagtutungo rito para hintayin ka. Pero hindi ka na nagbalik. Kaya simula nang sa Maynila na ako mag-aral ay hindi na ako nakapunta rito. Ngayon na lang ulit," sabi ko sa kaniya habang hinahaplos ang ukit naming pangalan. Napahinga ako ng malalim at humarap sa kaniya kaya nakasandal ako sa puno habang nasa harap ko siya. Ngumiti ako sa kaniya at tumingin sa mga mata niya. "Siguro ay tinakda ng tadhana na magkahiwalay tayo ng ilang taon para gawin muna ang responsiblidad natin sa sarili," sabi ko sa kaniya. "Tingnan mo. Naging maayos din tayo ngayon," pagpapatuloy ko. "At sisiguraduhin ko na hindi na muli tayong magkakahiwalay," sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Dahil hindi ko ata makakaya kung mangyari pa iyon muli," sabi pa niya at hinalikan ang kamay ko. "Ako man. Takot ako na baka magbago ka at baka isang araw ay hindi mo pala ako mahal. Matagal kong inamin sa sarili ko na mahal kita. Natabunan lang ng inis ko sa'yo kaya hindi ko nakita na matagal na pala kitang gusto," Sabi ko sa kaniya na kinangiti niya. Hinapit niya ako palapit at hinawakan sa magkabilang bewang ko. Kinawit ko ang mga braso ko sa leeg niya at tumingin kami sa mata ng isa't-isa. "Kahit na iumpog ang ulo ko at mawalan ng alaala. Pero ang puso ko tiyak na makikilala ka. Tsaka hindi mangyayari ang sinasabi mo. Di ba nga nakatatak na ang pangalan mo sa tapat ng puso ko. Permanent na iyon habang buhay. Kaya wag kang matakot. Dapat nga ako ang mangamba dahil baka isang araw ay hindi mo pala ako mahal. Baka ipagpalit mo ako sa ibang lalake. Baka magkabalikan kayo ni Khalil," Tugon niya at napatiim-bagang ng banggitin ang pangalan ni Khalil. "Asus. Nagselos ka na naman. Ikaw ang bumanggit-banggit tapos naiinis ka pag nadawit na naman ang pangalan ni Khalil," nakangiti kong sabi sa kaniya. "Stop calling his name. I'm f*****g jealous," naiinis nitong sabi na nagmura pa kaya tinampal ko ang bibig niya. "What?" "Yang bibig mo. Kayong mga lalaki talaga ang hilig niyong magmura," saway ko. "Magmahal din, mine," sagot niya kaya pinandilatan ko siya dahil sumasagot pa. Nagulat at napatili naman ako sa biglang pagbuhat niya sa akin at sinandal niya ako sa puno. Napakapit ako ng mabuti sa leeg niya habang nakapulupot ang binti ko sa bewang niya. "Nanggugulat ka naman," sabi ko at pinalo siya sa balikat. "May isa nga pala akong naaalala na ginawa rin natin dito," sabi niya habang may pilyong ngiti sa labi. "Ano naman yun?" nagtataka kong tanong sa kaniya. "Yung first official kiss natin," aniya at tumataas-taas pa ang kilay. "Wag ka nga. Mamaya may makakita sa atin. Ibaba mo na nga ako," sabi ko sa kaniya at tinampal muli ang balikat niya. "Ayoko nga. Hindi kita ibababa hanggat hindi mo ako binibigyan ng kiss. Napansin ko simula nang mahuli tayo ni Mommy ay hindi ka na muling nagpahalik sa akin, ha?" sabi niya. "Wag na kasi. Ang kulit mo naman," kunwari naiinis kong sabi sa kaniya pero tila hindi tumalab. "Sige na. One kiss lang, mine," pamimilit niya. Napabuntong hininga ako at tumingin saglit sa paligid. "Okay," suko ko dahil wala talagang tatalo sa kakulitan niya. Dahan-dahan kong binaba ang mukha ko at hinalikan siya. Hihinto na sana ako sa paghalik pero hinabol niya ang labi ko at malalim akong hinalikan. Tumugon ako sa halik niya na nakakadala. Matagal bago niya bitawan ang labi ko at nagkatinginan kami. Napangiti siya ng tagumpay. "Sarap," sabi niya at binaba na ako. "Che!" sabi ko sa kaniya na kinahalakhak lang niya. - Kulay kahel na ang kalangitan, malakas ang ihip ng hangin habang nakaupo kami sa isang blanket na dala niya. May dala rin siyang pagkain na talagang pinaghandaan niya pa talaga ang pagtungo namin dito. Nakasandal siya sa puno habang nakaupo ako sa pagitan ng hita niya at nakasandal sa dibdib niya. Nakayakap siya sa bewang ko habang pareho naming tinatanaw ang kalangitan at paligid. Binuksan ko ang shoulder bag ko at kinuha ang cellphone ko. Sinet ko sa camera at inangat. "Duke, picture tayo," aya ko sa kaniya habang nakatingin sa camera. Umayos siya ng upo at niyakap ako at pinatong ang baba niya sa balikat ko. "Smile," ani ko at clinick. Napangiti ako dahil ito ang unang litrato namin ni Duke. "Ang ganda ng kuha natin," Komento ko habang tinitingnan ang kuha namin. "Yeah. It's beautiful," tugon niya habang pinaglalaruan ang kaliwa kong daliri. Naramdaman ko na may malamig na bagay siyang sinuot sa daliri ko kaya napababa ako ng tingin doon. "And it perfectly suits you," sabi niya na akala ko yung kuha namin ang sinasabihan niya. May sinuot siya sa aking ring na silver na may isang diamond na bato. Ang ganda dahil sa gilid no'n ay meron ding diamond na maliliit. "Sorry at nalate ang proposal ring ko. Nagustuhan mo ba?" sabi niya. "Oo naman. Hindi ko nga inaasahan ito," Nakangiti kong sabi habang nakatingin pa rin sa singsing. "Di ba sinabi ko sa'yo noon na handa akong magpropose sa'yo. Matagal ko nang binili ang ring na yan. Dahil alam ko na maisusuot ko sa'yo ito. At ngayon nga ang araw na yun," sabi niya. Nakangiti na bumaling ako sa kaniya at hinawakan ang mukha niya. Hinaplos ko ito. "Salamat. Ang swerte ko at ako ang minahal ng isang Duke Sean Ford," sabi ko sa kaniya. "Kaya nga wag na wag mo akong ipagpapalit. Dahil nag-iisa lang ako," mayabang niyang sabi. Pinisil ko lang ang pisngi niya at ngumiti. - Gabi na nang makauwi kami ni Duke. Magkahawak kamay kami habang naglalakad sa buhangin kung saan patungo sa bahay nila. "Mine, tinawagan ko nga pala ang mga designer at planner na maaaring mag-asikaso sa kasal natin," biglang sabi niya. "Huh? Nagpatawag ka na?" gulat kong tanong. "Yes. Gusto kong makasal na tayo. Bakit pa ba natin papatagalin, kung doon din naman tayo patungo," tugon niya. "Pero di ba sabi mo ay may gagawin ka pa?" tanong ko. "Huh? What do you mean?" naguguluhan niyang tanong. "Aish. Tulog ka na ba nung gabing nanood tayo ng movie?" naiinis kong tanong. "Oo yata. Hindi naman kasi ako mahilig manood ng drama," sabi niya kaya binitawan ko ang kamay niya. "So napipilitan ka lang pala nung inaya kitang manood?" inis kong tanong sa kaniya. Paano ako hindi maiinis dahil ang haba ng sinasabi ko nung nanood kami. Ang buong akala ko ay nakikinig siya at nanonood, yun pala ay tinulugan ako. "Mine, hindi gano'n. Pagod lang siguro ako kaya ako nakatulog? Ikaw naman nagtampo agad," sabi niya at hinawakan muli ako sa kamay. "Nakakainis ka. Tinatanong kita kung hindi ba muna natin plaplanuhin ang kasal. Umungot ka pa nga no'n bilang sagot. Kaya ang buong akala ko ay hindi muna tayo magplaplano ng kasal," sabi ko sa kaniya at inirapan siya. "Sorry na, Mine," pagsosorry niya. "Oo na. Kung hindi lang kita mahal," sabi ko at binulong ko lang yung huli. "I love you, too," aniya na narinig pala ako kaya nakangiti na naman ng maluwag. Inirapan ko siya na kinahalakhak lang niya. Inakbayan niya ako gamit ang kamay niya na nakahawak sa kamay kong binitawan niya. Hinawakan ko naman siya sa bewang niya at nagsimula na kami muling maglakad. Sandaling katahimikan ang namayani sa amin nang may naalala ako na dapat nga pala na itatanong ko kay Duke. "Duke, may tanong ako," "Ano yun?" tugon niya. "Parang hindi ko nakikita ngayon ang mga kaibigan mo na si Chad at Xenon. Magkagalit ba kayo?" tanong ko sa kaniya. "No. May ginagawa lang din sa buhay ang dalawang iyon. Lalo pa na nabalitaan ko na inilipat na rin sa kanila ang negosyo ng parents nila. Kung dati ay malaya pa sila, ngayon ay hindi na," sabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko "Dahil ang parents nila ay mga makakapangyarihan rin sa business world. Si Xenon ay only son kaya pasan niya talaga. Si Chad ay chinese ang pamilya at dahil siya ang panganay ay siya ang magmamana ng negosyo. Kaya madalang na lang kung makita kami," tugon niya at napahinto. "Wait. Bakit ba sila ang tinatanong mo, ha?" bakas sa boses niya ang paghihinala. "Wala. Naisip ko lang. Paano kung may manligaw sa isa sa kaibigan mo kay Bettina, ayos lang ba sa'yo?" Napaisip siya at natawa. "What? No way. Masyado pang bata si Bettina para sa mga kaibigan ko. Parang magKuya na ang mga iyon. Tsaka alam nila na hindi ko gusto na popormahan nila si Bettina, baka magkagalit kami," "Ang babaw naman ng dahilan mo. Paano kung may isa sa kaibigan mo na mahal ni Bettina? Ano yun, pipigilan mo dahil ayaw mo?" sabi ko kaniya parang ang lame naman ng pananaw niya. "Hangga't maaari. Wala akong tiwala sa mga kaibigan ko. Tiyak na hindi nila seseryosohin si Bettina. Si Xenon kilalang playboy. Si Chad, hindi ko mabasa minsan ang isip at hindi ko alam kung may tinatago siyang Gf. Tsaka chinese siya at alam ko na hindi papayag ang parents niya na hindi chinese ang mapapangasawa niya," aniya. "And speaking of your friend. Di ba si Chad iyon at Bettina?" tanong ko nang makita ko ang pagbaba ni Bettina at Chad sa kotse sa harap ng bahay nila. "Yeah," seryosong tugon ni Duke. Inakay niya ako para makalapit kami kela Bettina. Gabi na ah. Bakit ngayon lang umuwi si Bettina? Tatawagin ko sana ang pangalan ni Bettina nang makita kong hinalikan ni Chad si Bettina. Oh my! Patay sila! Napatingin ako kay Duke nang humigpit ang kapit niya sa kamay ko. Nakita ko ang seryoso pero parang galit niyang reaksyon. "Bettina!" galit niyang sigaw sa pangalan ni Bettina at binitawan ang kamay ko upang sugurin ang dalawa. Nakita ko ang gulat at takot sa mukha ni Bettina nang makita kami. Agad akong sumunod kay Duke dahil baka ano ang magawa niya. Agad niyang hinatak si Bettina palayo kay Chad at nagulat ako nang bigyan niya ng suntok si Chad na kinatumba nito. "Hayop ka! Di ba binalaan kita?" sigaw niya kay Chad na nagpapahid ng bibig tila may lumabas na dugo doon. Napahawak si Bettina sa akin at napaiyak sa takot sa Kuya niya. "I love your sister, Duke," matapang na pahayag ni Chad at tumayo. "Hah! Talaga? Hindi ba arranged ka na sa isang chinese na gusto ng parents mo. Tapos gusto mo ata na maging masamang babae sa pamilya mo si Bettina," mariin na sabi ni Duke. "Hindi naman ako magpapakasal doon. Si Bettina ang gusto ko. Ang mahal ko." "Umalis ka na habang hindi pa kita nasasaktan ng tuluyan. Ayoko nang makita ka rito sa isla. Naiintindihan mo?" mariing sabi ni Duke na pinapaalis si Chad. Bumitaw sa akin si Bettina at nabigla ako ng lumapit siya kay Chad. "No, Kuya. I love him. Please, wag mong paalisin si Chad," umiiyak na ani ni Bettina. "Umalis ka sa tabi ng lalakeng iyan Bettina, kung ayaw mong magalit ako sa'yo," tiim-bagang na sabi ni Duke habang nakakuyom ang kamao. Umiling si Bettina na lalong kinagalit ni Duke. Nabigla ako nang hatakin ni Duke si Bettina at ilagay sa likod niya. "Umalis ka na, Chad. Wag na wag kang magpapakita sa kapatid ko," bantang sabi ni Duke kay Chad at hinatak na si Bettina papasok. Tumingin ako kay Chad bago ako sumunod na pumasok. Pagpasok ko pa lang ay dinig ko na ang galit na boses ni Duke at iyak ni Bettina. Maging nila Miss Ganda. "Son, bakit mo sinisigawan ang kapatid mo?" sabi ni Sir Dimitri nang makapasok ako. Nakayakap si Bettina sa Daddy nito habang umiiyak. "Yan. Hindi ko alam na pumatol sa kaibigan kong si Chad. Ang bata-bata pa nagawa nang makipagrelasyon at nilihim pa," sagot ni Duke habang masamang nakatingin kay Bettina na walang tigil sa pag-iyak. "Totoo ba iyon, baby?" tanong ni Sir Dimitri. Tumango si Bettina habang umiiyak. "Son, hayaan mo muna ang kapatid mo. Wala naman sigurong masama kung magkagusto siya sa kaibigan mo," sabi ni Miss Ganda. "No, Mom. Wag niyong kunsintihin si Bettina. Arranged na si Chad sa ibang babae. At ngayon gusto niyo na maging isang masamang babae siya sa paningin ng kamag-anak ni Chad?" hindi talaga papaawat si Duke. Gusto ko man na makisabat pero wala ako sa lugar. Bumitaw si Bettina ng yakap sa Daddy niya at tumakbo paalis ng sala. "Bettina! Bumalik ka rito!" galit na sigaw ni Duke at balak sanang sundan nang pigilin ko siya. "Tama na. Hayaan mo muna ang kapatid mo," Napahilot ng sentido si Duke at napabuga ng hangin. Hindi ko akalain na magiging ganon ang reaksyon niya nang malaman na may relasyon si Bettina at Chad. Naiintindihan ko ang pinupunto niya. Pero mali din kasi na pairalin niya ang galit kesa kausapin niya ng maayos ang kapatid niya. Hay. Kanina lang ang saya pa ng pakiramdam ko. Pero pag uwi pala namin, ito pala ang mangyayari. Sana lang wag magkaroon ng alitan sa pagitan ng magkapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD