NESTLE
Hindi ko alam ang nararamdaman ko nang mahuli kami ng Mommy ni Duke. Pindot-pindot ko ang mga daliri ko dahil kaharap namin ngayon ang Mommy at Daddy niya. Buti na lang ay tulog na ang mga kapatid niya. Mas kinakabahan ako ngayon dahil seryoso ang mukha ng Mommy ni Duke na ngayon ko lang nakita. Lagi kasi siyang nakangiti pag nakikita ko, kaya kinakabahan ako dahil ayaw niya ang nasaksihan niya. God. Kung alam ko lang na makikita kami eh di sana hindi ako nagpahalik. Nakakainis kasi si Duke.
"Ipaliwanag niyo ang nakita ko. Gusto ko ng matinong paliwanag," panimula nito sa seryosong boses.
"Mom, hindi niyo pa ba gets yung nakita niyo? We kissed," sagot ni Duke na gusto kong batukan dahil lalo akong namula sa hiya.
"Hindi ko nagustuhan ang ginawa niyo. Hindi pa nga kayo magkasintahan, pero masyado na kayong mapusok. Hindi ko pwedeng palagpasin ito," sabi muli ni Miss Ganda na kinakaba ko.
"What do you mean, Mom?" tanong ni Duke. Humalukipkip si Miss Ganda habang nakacross legs ang makinis nitong mga legs.
"Gusto ko na makasal kayo," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"P-Po? Pero--"
"At pag ni isa sa inyo ay hindi pumayag... Ipapadala kita sa States, Duke. Dahil ano pang saysay ng pagtanggi niyo kung magkasama naman kayo. Kaya Nestle, kung ayaw mong mawala si Duke, papakasalan mo ang anak ko," sabi nito nang putulin ang sasabihin ko. Natahimik ako at hindi alam ang isasagot. Hindi ko alam na may pagkamara-clara pala ang peg ni Miss Ganda. Nagkiss lang naman kami ni Duke. Hindi naman kami nag-you-know. At tingin ko kung ano man ang isasagot ko ay torture sa akin.. Hindi ba masyado pa akong bata para magpakasal. I'm only 22. Pero hindi ko naman nais na umalis si Duke. Kahit ano pa ang tanggi ko ay siya talaga ang mahal ko. Buong akala ko ay mahal ko si Khalil. Isang pagkakamali lang pala ang lahat. Mabuti nga at nahuli ko siyang may babae para kung sakali palang malaman ko na mahal ko si Duke ay hindi ako mahihirapan na makipagbreak sa kaniya.
"Mom, wag niyo pong pilitin si Nestle na pakasalan ako. Alam niyo naman po na she's not yet ready for a relationship," sabi ni Duke na nakapukaw sa akin mula sa malalim na pag-iisip.
"Kung gano'n, sige, hindi na kita pipilitin Nestle. Pero ikaw Duke, kailangan mong magpunta ng abroad. Doon ka muna sa Tita Cathy mo. Tutal nandoon din naman si Claire, baka si Claire ay pakasalanan ka," seryosong sabi ni Miss Ganda at tumayo.. Nanlamig ako dahil tingin ko ay galit siya nang hindi ako makaimik..
"Son, hija, wag niyo ng isipin pa ang sinabi ng asawa ko. Sige, matulog na kayo at masyado ng malalim ang gabi," sabi ni Sir Dimitri at tumayo na. Naiwan kami ni Duke kaya natahimik ang buong sala.
Naramdaman ko ang pagtayo ni Duke habang ako ay nakayuko at pinisil-pisil ang daliri dahil kinakabahan ako.
"Wag mo ng isipin ang sinabi ni Mommy. Tara na at matulog ka na. Malalim na ang gabi," aya niya sa akin at hinawakan ang kamay ko na tiyak na nanlalamig. Nagpatangay ako sa kaniya na ngayon ay lumalakad na kami paakyat. Tahimik lang ako dahil nag-iisip ako. Parang gusto kong sabihin na magpapakasal na ako.. Pero nawawalan ako ng boses.
Hinatid ako ni Duke sa room ko. Nakapasok na ako sa room na tulala pa rin. Lumapit ako sa kama at nahiga. Nagkumot ako at tumingin sa kisame. Pumikit ako upang itulog na lang ang iniisip ko. Pero ilang minuto din nang dumilat ako at pumaling ng higa. Nagpapaling-paling ako dahil hindi ako makatulog. Nagtalukbong ako ng kumot dahil sa inis. Pero agad ko ding inalis at napaupo ako. Ginulo ko ang buhok ko na naiinis. Dahil hindi ako makatulog kakaisip sa gusto ni Miss Ganda.
"Ate, bakit ang likot mo?" inaantok na sabi ni Magnolia na nagising ko pa.
"Matulog ka na ulit at wag mo akong pansinin," sabi ko rito. Naupo ito at tumingin sa akin.
"Alam ko na may problema ka kaya ka hindi makatulog, ate. Sabihin mo sa akin ate at baka makatulong ako," sabi niya. Napaisip ako sa sinabi niya. Tutal ay gusto ko rin mailabas ito. Kaya umayos ako ng upo at humarap sa kaniya.
"Kasi nahuli kami ni Miss Ganda na nagkiss ni Duke. At hindi daw niya nagustuhan iyon. Kaya sinabi niya na dapat daw ay magpakasal kami kung hindi daw ay ipapadala sa ibang bansa si Duke," pagkukwento ko sa kaniya.
"Oh, yun lang pala e," komento niya. Napakunoot-noo ako sa sinabi niya.
"Anong yun lang pala? Anong akala mo sa kasal, parang laro?"
"Ate, kahit na hindi ko tanungin. Alam ko na may namamagitan sa inyo ni Kuya Duke. Bakit ate, mali ba ako sa nakikita at ayaw mo bang makasal kay Kuya Duke?" tanong niya. Natahimik ako at hindi nakasagot. Huminga siya ng malalim at ngumiti. "Alam ko na dati pa lang ay crush mo na si Kuya Duke. At alam ko na magboyfriend- girlfriend na kayo noon, pero hindi ko sinabi kela Nanay dahil ayoko na magalit ka sa akin," sabi pa nito. "Ate, bakit ka pa kakabahan kung mismong Mommy na ni Kuya ang may gustong magpakasal kayo? Ang swerte mo nga kasi boto sa'yo ang pamilya ng mahal mo. Yung iba nga ay hindi tanggap ng pamilya ng lalakeng mahal nila. Tsaka wala ding problema kay Kuya Duke, kasi alam ko na love na love ka niya. Kaya komportable ako na magiging masaya ka pag kinasal kayo ni Kuya. Kaya kung ako sa'yo, bukas pa lang ay sabihin mo na kung ano ang desisyon mo,"
"Bakit parang mas may alam ka pa sa ganyan, ha? May boyfriend ka na siguro no?" naniningkit ang mata ko habang sinasabi ko iyon sa kanila. Ngumiti siya at umiling.
"Wala ate. Meron kasi akong kilala na may gusto siyang guy na mas matanda sa kaniya ang edad at ang masakit pa ay hindi siya gusto ng parents ng guy," sabi niya.
"Ay ang saklap nga," komento ko at tumango. Napaisip ako at napangiti. Tama siya. Ang swerte ko at ang bait ng parents ni Duke.
"Uy, papayag na si Ate," asar niya sa akin. Mahina kong sinabunutan ang buhok niya at nahiga.
"Matulog na nga tayo," sabi ko sa kaniya na kinatawa lang niya at nahiga na rin.. Pinatay ko na ang ilaw sa gilid ko kaya dumilim na.
Napangiti ako at pumikit. Dahil nakapagdesisyon na ako.
-
Kinabukasan ay nagising ako nang gisingin ako ni Magnolia. Nakauniform na siya ng katulad ng kay Bettina. Magkaklase sila kaya hindi ako nangangamba na mapahamak ang kapatid ko.
Agad akong nagtungo ng banyo para gawin ang morning ritual. Nakakahiya kung mahuhuli pa kami sa agahan, kaya medyo binilisan ko na lang ang pagligo.
Nakasuot na ako ng formal attire ko sa pagpasok sa hotel at nagmake up lang ako at hindi ko na napatuyo ang buhok ko dahil mas tatagal pa kami.
Sabay kaming bumaba ni Magnolia at malayo pa lang ay rinig na namin ang mga boses at tunong ng kurbyertos sa dining area.
Pagpasok namin ay nakaupo na silang lahat at kami na lang ang kulang.
"Good morning po," bati ko.
"Good morning din po," bati ni Magnolia.
"Maupo na kayo at baka malate pa kayo sa pasok niyo," sabi ni Miss Ganda na naglalagay ng pagkain sa lamesa. Hindi ako mapalagay dahil tila galit nga si Miss Ganda sa akin. Hindi niya kasi ako tinitingnan. Naupo kami ni Magnolia at tsaka lang ako napatingin sa upuan ni Duke para makita lang na wala siya sa pwesto niya. Ibig kong magtanong ngunit tinablan ako ng hiya.
Tahimik akong kumakain habang sila ay kumakain habang nagkukwentuhan.
"Mom, I heard na papapuntahin niyo si Kuya sa States, is that true?" tanong ni Bettina.
"Yes. Dahil may business doon ang Daddy niyo na kailangan ng titingin. Busy ang Dad niyo kaya ang Kuya mo na lang. Tutal ay may ginawa siyang kasalanan sa akin," sabi ni Miss Ganda na kinahinto ko sa pagkain. Nanlalamig ako. Kaya ba wala si Duke ngayon? Wag niyong sabihin na ngayon siya aalis?
"So that's why he's not here, Mom?" tanong ni Diesel.
"Yes. Tingin ko nga ay pasakay na iyon sa chopper natin sa hotel," dahil sa sinabing iyon ni Miss Ganda ay agad akong napatayo at nabitawan ko ang kurbyertos na hawak ko. Napatingin silang lahat sa akin.
"Sorry. Pero papasok na po ako," Pumanhin ko at agad umalis ng dining area. Halos liparin ko ang labas para lang makapunta sa bisikleta niya. Nakakahiya naman kung ako lang ang sasakay ng kotse nila. Kaya ito na lang ang naisip ko na madaling makarating ng hotel. "s**t. Dapat pala, nagslack na lang ako kesa sa black skirt," sabi ko sa sarili nang mapatingin ako sa palda kong suot. Tinaas ko na lang ng konti para makapagpedal ako.
Hindi ko alam kung gaano ako kabilis magpedal pero nagpapasalamat ako dahil ang bilis kong makarating ng hotel. Pinagtitinginan nga ako ng mga bakasyonista at ilang empleyado pero wala akong paki. Kahit walang kapoise-poise, lakad-takbo na talaga ang ginawa ko papasok. Pumunta ako sa elevator pero parang sa edsa ang traffic. Ang daming mga nakapilang gagamit. Tumingin ako sa numero ng elevator at nakita ko na matagal pa bago bumaba. Napaisip ako at nangamngamba na baka hindi ko maabutan si Duke. Kaya naisip ko ay maghagdan na lang kesa hintayin pa na bumukas ang elevator. At hindi naman din ako sure kung makakasakay ako agad sa dami ng tao na gagamit ng elevator. Apat na nga, kulang pa rin. Pwera pa doon sa mga senior.
Binilisan ko ang pag-akyat sa hagdan. Tumingin ako sa taas kung gaano pa kataas ang aakyatin ko. At naalala ko na tenth floor nga pala itong hotel. Napabuga ako ng hangin at inalis ng heels ko na bigay sa akin ni Duke.
Inumpisahan ko na hakbangin ang napakaraming hakbang ng hagdanan. Minsan ay humihinto ako pag kinakapos na ako ng hininga.
"Argh! Bakit parang baliktad naman oh! Dapat si Duke ang humahabol sa akin at nagpapakahirap na makuha ang Oo ko. Pero bakit ako pa ata ang dapat maghirap muna bago ko siya maabot. Pero hindi ako susuko. Dahil handa na akong makasal sa kaniya. Hindi ko pala kayang mawala siya sa akin," ani ko sa sarili.
Nang makarating ako sa pinto ng rooftop ay pawis na pawis at hingal na hingal ako. Pero balewala sa akin iyon lalo pa't nakarating na ako. Agad kong binuksan ang pinto at sumalubong sa akin ang malakas na hangin na nagpagaan kahit papaano sa pakiramdam ko. At ang liwanag na dulot ng sinag ng araw..
Humakbang ako at nilibot ko ang tingin. Humakbang na talaga ako dahil narinig ko ang tunog ng chopper. Nakita ko si Duke na nasa malapit sa chopper at may nakita rin ako na mga nakabusiness suit. Pero hindi ko na inisip iyon at tinakbo ko na ang pagitan namin.
"Duke!" tawag ko sa kaniya at hindi ko mapigilan na mapaiyak dahil kung hindi ko siya naabutan ay tiyak na makakaalis na siya.
Napatingin sa akin si Duke at maging ang mga kausap nito. Wala akong pakialam sa iisipin nilang itsura ko basta makalapit lang ako kay Duke.
Pagkalapit ko ay agad akong yumakap sa kaniya ng mahigpit. Napahawak siya sa likod ko.
"Please, don't leave me. Magpapakasal ako sa'yo kaya hindi mo na ako kailangan pang iwan. I love you. Please. Wag kang aalis," umiiyak kong sabi habang nakayakap pa rin sa bewang niya at nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
-
DUKE
"Ano?" tanong ko kay Nestle dahil naguguluhan ako kung bakit siya umiiyak at anong sabi niya? Damn! Hindi naman ako nabibingi right? She said she's going to marry me, right? And double Damn! I heard she told me I love you. Hindi ko alam kung ano ang nagpaamin sa kaniya at narito siya na akala niya iiwan ko siya. Pero kung ganito ba naman sasalubong sa umaga ko ay parang ayaw ko nang matapos ang araw na ito.
Humigpit ang yakap niya at nanginig ang balikat niya sa sobrang pag-iyak. Sinenyasan ko ang mga kabusiness partner ko na umalis na. Tumango sila at ngumiti dahil maging sila ay tila naunawaan ang sinasabi ng mine ko. Nakita ko na sumakay na sila at umakyat na ang chopper. Unti-unting napakalas ng yakap sa akin si Nestle at tumingin sa chopper na nasa ere.
Nagtungo ako sa likod niya at yumakap sa bewang niya. Pinatong ko ang baba ko sa balikat niya ng nakangiti.
"Ano nga ulit yung sinabi mo? Papakasalan mo na ako at sinabihan mo pa ako ng I love you para hindi ako umalis, right?" nakangiti kong tukso sa kaniya. Natigilan siya at tila napagtanto na nagkakamali siya ng akala na aalis ako.
Hinarap ko siya sa akin at hinawi ko ang buhok niya ng makaharap siya sa akin.. Namumula ang ilong niya sa pag-iyak. At maging ang pisngi niya ay namumula tanda na nahihiya ito sa ginawa niya. Lalo akong napangiti dahil ang ganda-ganda pa rin niya kahit na halata ang pawis at gulo ng buhok niya.
Tumingin siya sa akin ng masama at sinuntok ang dibdib ko. "Ang sama mo! Akala ko aalis ka! I hate you!"
"Oh bakit ako ang sinisisi mo? Wala akong sinabi na aalis ako. Tapos ngayon I hate you na. Nasaan ang I love you mo kanina?" natatawa kong sabi sa kaniya.
Umirap siya at humalukipkip. Tumalikod siya at napahinga ng malalim.
"Sabi kasi ng Mommy mo ay aalis ka na. Alam mo ba na hindi ako makatulog kagabi kakaisip doon pag oras na hindi kita pakasalan,"
Napangiti ako sa sinabi niya. Shet. Bakit ako kinikilig nang sabihin niya na hindi siya makatulog?
"Kung ganon ay magpapakasal ka sa akin?" nakangiti kong tanong. Humarap siya sa akin at tumingin sa mga mata ko. Dahan-dahan siyang tumango na nagpabilis ng t***k ng puso ko. "YESSSS!!!! WHOOO!!" nagsisigaw sa tuwa kong sabi at napasuntok pa ako sa hangin. Agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ko siya sa mukha. Buong puso kong hinalikan ang labi niya. Bumitaw ako at niyakap siya. "Thank you, mine. I love you so much," sabi ko sa kaniya.
"I love you, too," tugon niya kaya napangiti ako. Sa wakas. Fiancé ko na ang pinapangarap ko. Bumitaw ako sa kaniya at hinawakan siya sa kanan niyang kamay at pinagsiklop iyon.
'Tara. Hindi muna tayo papasok. Kailangan nating sabihin kay Mommy ito," nakangiti kong sabi na kinatango niya at ngumiti rin. Pero bago yun. Lumuhod ako sa harap niya dahil napansin ko na nakayapak lang siya. Kinuha ko ang paniyo ko sa bulsa ng slacks ko at kinuha ko naman ang paa niya.
"Uy, wag na--"
Tumingala ako sa kaniya. "Ayoko ng narurumihan ang mga paa mo. Kaya wag mo na akong pigilan," sabi ko sa kaniya na kinahinto niya sa pagsasalita. Pinunasan ko ang narumihan niyang paa at tsaka ko kinuha ang heels niya. Pagkatapos ay shinoot ko na sa basurahan ang panyo ko. Tumayo ako at nagpagpag bago ngumiti sa kaniya. "Let's go," nakakindat kong aya sa kaniya at nilahad ko ang kamay ko na kinangiti niya. Kinuha niya ang kamay ko kaya muli kong pinagsiklop ang mga kamay namin.
Pagsakay namin ng elevator ay nagpunta ako sa likod niya ng hindi binibitawan ang kamay niya. Kaya nakayakap iyon sa katawan niya. Niyakap ko siya at pinatong ko ang baba ko sa balikat niya. Tutal, mamaya pa naman bubukas ang elevator dahil private ito para sa akin kaya walang makakakita sa amin.
Tahimik lang kami habang yakap ko siya. Ang sarap sa feeling na ganito kami kahit magdamag. Gusto ko na lagi ko siyang kayakap para lagi kong nadadama ang malambot at mainit niyang katawan.
Hinalikan ko siya sa pisngi na kinangiti ko.
"Ikaw ha. Hindi porket magpapakasal ako sa'yo, magnanakaw ka na ng halik," sabi niya kaya napangiti ako ng pilyo.
"Eh paano kung kasal na tayo? Baka malayo pa sa kiss ang nakawin ko sa'yo," sabi ko na kinaharap niya kaya napabitaw ako ng yakap. Tinulak niya ako sa dibdib ng mahina kaya napasandal ako sa elevator.
"Ikaw talaga. Napakapilyo mo," sabi niya kaya hinawakan ko ang kamay niya at hinatak siya palapit sa akin. Hinawakan ko ang magkabila niyang bewang paghapit ko.
"Alam mo ba ang sabi ni Daddy oras na magkaanak daw ako," sabi ko na napapangisi dahil tiyak na maghihisterical siya.
Kumunot ang noo niya na lalo kong kinangisi. "Ano naman sabi ng Daddy mo?"
"Sabi niya. Gusto niya ng doseng apo sa akin," sabi ko na kinalaki ng mata niya kaya napahalakhak ako. Namula din ang pisngi na lalo niyang kinacute. Hinampas niya ang likod ko at kinurot.
"Nakakainis ka. Binibiro mo lang ata ako," sabi niya. Umiling-iling ako at ngumiti. "No, Mine. Si Daddy pa. Hindi palabiro yun. Kaya maghanda ka dahil pag gusto no'n ay tiyak na laging masusunod," pananakot ko. At lihim akong natawa dahil sa reaksyon niya.
Napahinto siya at tila napaisip. Tumingin siya sa akin na nangingilid ang luha. "Hindi ko kaya yun. Takot pa naman ako sa Daddy mo," nawala ang ngiti ko nang makita ko siyang paiyak na.
Fuck! Binibiro ko lang naman siya. Hindi naman totoo yun. Nalintikan oh!