CHAPTER 17 - CAUGHT IN THE ACT

2717 Words
DUKE Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Nestle at Magnolia. Pumasok ako ng hindi gumagawa ng ingay. Gusto ko muna na makitang payapa ang tulog ni Nestle bago ako sumabak sa laban. Nakita ko na tulog na tulog na ang mga ito. Kaya naupo ako sa gilid kung nasaan si Nestle. Hinaplos ko ang mukha niya at hinawi ang buhok niya na tumabing sa kaniyang mukha. Napangiti ako nang sumalubong ang kilay niya. Kahit sa pagtulog ay ang taray pa rin niya. Pinaghiwalay ko ang kilay niya upang maalis ang pagsalubong. Binaba ko ang mukha ko at hinalikan ang noo niya. "I love you so much. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko, kahit na anong mangyari," bulong ko sa kaniya kahit na tulog siya. Ngumiti ako at tiningnan muli ang mukha niya.. Tumayo na ako at inayos ko ang pagkakakumot sa kaniya at maging ni Magnolia. Lumabas na ako ng kwarto nila at bumaba. Sa pagbaba ko ng hagdan ay nandoon si Daddy at mga tauhan niya. Napatingin sila sa akin nang makita ako. "Are you ready, Son?" tanong ni Dad. "Yes, Dad," tugon ko. Tumayo siya at lumapit sa akin na bitbit ang isang piston na baril na alam kong matagal na niyang gamit. Tiningnan niya ang hawak niya at nilahad sa akin. "Sa'yo na yan. Kailangan mo yan lalo't alam ko ang mga likaw ng bituka ng mga iyon," sabi niya kaya kinuha ko at pinakatitigan. It's not heavy to handle. It's cool. Ngumiti ako kay Dad dahil talagang pinagkatiwala niya sa akin ito. Marunong na akong gumamit ng baril dahil tinuruan niya ako. "Tandaan mo, Son. Minsan kung sino pa ang tingin mo na hindi nakakagawa ng masama ay yun pala ang kalaban mo. Galingan mong kilitasin ang kalaban mo para hindi ka nila maisahan," payo niya sa akin at tinapik ang balikat ko. "I will, Dad," sabi ko sa kaniya na kinatango niya. "Sige, lumakad na kayo para makauwi ka agad. Dahil tiyak na maghihisterikal na naman ang Mom mo, oras na malaman na nasa panganib ka," napailing ako at napangiti. Ganun nga si Mom. Well, she's my mother. Kaya gano'n ang pag-aalala niya. Pero anak ako ng isang mafia kaya dapat masanay na siya. Tumingin ako kay Oscar at Wallex. Tinanguan ko sila at tumingin ako kay Dad na tinapik muli ang balikat ko. Lumabas na kami ng bahay at lumapit kami sa bisikleta para puntahan ang warehouse kung nasaan ang matagal ko ng tinatagong alaga. At para din hindi mabulabog sila Mommy ng ingay. Suot ko ang isang leather jacket na black habang sinusuot ang hand gloves na ginagamit ko sa pangkarera. Sinara ko ang zipper ng jacket habang hinihintay ang unti-unting pagbukas ng pinto kung nasaan ang baby ko. Ang Maybach Exelero na nagkakahalaga ng 8 million dollars. Pagbukas ng pinto na yari sa bakal ay agad akong lumapit sa baby ko. Inalis ko ang nakatakip na tela rito at napangiti ako dahil makinis na makinis at walang alikabok. Binuksan ko ang pinto at sumakay. Napangiti ako dahil namiss ko ang pakiramdam na ito. Tagal ko ring natigil sa pagkakarera, at ngayon magagamit kong muli. Binaba ko ang bubong nito at sinuot ko ang shades sa mata ko at ang cap sa ulo ko. "Bring it on!" ngisi kong sabi at pinaandar na. Paglabas ko ay tumingin ako kila Oscar na nakasakay na rin sa sasakyan. "Follow me," sabi ko sa kanila at pinaharurot na ang sasakyan. "Whooo!!!! I missed this!" sigaw ko at ngumiti. Sa ibang daan ako dumaan dahil hindi pwede sa public vehicle itong klase ng car. Mula sa isla ni Dad na may kalapit na isla na wala pang bahay o ano mang bakasyunan na tinatayo, ay doon namin nalaman na nagkakampo ang mga grupo ng Crimson na tauhan ng isang bagong mafia lord na kumakalaban ngayon kay Dad. Baguhan pa lang ang mga ito gaya ng sabi ni Dad at ngayon nga ay may nagaganap na event na illegal para makapasok daw sa grupo. Hinihikayat ng mga ito ang ilang menor de edad at may ilang kabataan din dito na lumahok. Gusto talaga nilang mapasakanila ang isla at mapabagsak si Dad. Bago sila magtagumpay ay kailangan na nilang putulan ng paa bago nila tuluyang maapakan ang buhangin ng isla. Huminto ako at nakita ko rin ang paghinto nila Oscar. Narito kami sa bungad ng isang gubat na tumatakip sa tinayong kuta at isang tinatawag nilang arena. Kinabit ko ang isang maliit na mic sa bandang tenga ko sa likod. "You hear me, Oscar?" sabi ko upang malaman kung ayos na ba ang connection ng ear piece namin. "Yes, Duke," tugon niya. "Okay. Pumasok na tayo," sabi ko sa kanila. At bago ako pumasok sa kuta ng kalaban ay sinuot ko ang isang tela na itim na may butas sa parteng mata upang matakpan ang mata ko. Kailangan ko pa ring magdisguise upang hindi sila makatunog. Dahil tiyak na may isang nakakakilala sa akin sa grupong Crimson. Pinaandar ko ang sasakyan sa kagubatan na may daan na talagang ginawa pa nila. Napailing ako dahil sinira pa nila ang kagubatan. Sa dulo nitong kalsada ay nakita ko na ang mga armadong nagbabantay. Binagalan ko na ang speed ng sasakyan ko lalo na nang harangan nila ako. Prineno ko ito na nagdulot ng alikabok na tumama sa kanila. Napangisi ako at lihim na napahalakhak sa isip. "Buti nga sa inyo," bulong ko. Pinatong ko ang braso sa pinto ng kotse at hinintay silang lumapit. "Sino ka?" tanong ng isa na akala mo ay masisindak ako sa malaki niyang katawan at boses na parang kapre. "I'm Mask Speed. One of the players for the recruit game," sabi ko rito. Nagkatinginan ang mga ito at muling tumingin sa akin. "Tanggalin mo ang maskara mo," utos ng mga ito na kinangisi ko. "Hindi niyo ba narinig? Ako si MASK Speed. Kaya bakit ko aalisin ang maskara ko?" nakangisi kong sabi sa kanila na pinagdiinan ang Mask. Baka kasi nabobobo na ang mga ulo ng mga ito. Kalbo pa naman ang buhok ng mga ito. Sisinghalan sana ako ng mga ito nang may tumawag sa kanila. "Tama na yan. Papasukin niyo na sila dahil malapit nang magsimula," sabi ng tila mas mataas sa kanila. "Pumasok ka na, bata..Wag kang magkakamali na gumawa ng hakbang, tiyak na hindi ka na makakalabas rito ng buhay," banta nila na kinangisi ko lang. Pinaandar ko muli ang sasakyan papasok sa arena nila. Huminto na ako nang makita na ito. Isang pabilog na arena na may batong mga upuan na kung saan ay nakaupo ang mga nanonood at tingin ko ay mga kalahok. Nasa baba ang arena at nasa taas ako.. Kaya kita ko ang naglalaban na halos patayin na ang isang kabataang lalake na bulagta na. Bumaba na ako sa sasakyan ko at sumandal. Tumingin ako kila Oscar at palihim kaming nagsenyasan bago bumaba sa arena. Naghiwalay kami nila Oscar at Wallex ng upuan upang hindi kami mahalata. Naupo ako sa huling hilera ng upuan kung saan ay may nakaupo na nakajacket at suot ang hood sa ulo. Hindi ko na pinansin at nilibot ko ang tingin sa paligid. Maraming armado ang grupong ito na mga nakapalibot sa mga lalaban at alam ko na kung bakit. Dahil gusto nila na bantayan upang sakaling manalo ay ipapatumba nila. Balitang-balita na ang pagkawala ng kabataan sa isla at ang pagpatay sa mismong hotel namin ang unang balita na may namatay. At tiyak na ang grupong ito ang puno't dulo. Napatingin ako sa parteng unahan nang mga nakaupong mga kabataan at mula doon ay nakita ang palapit na tila pinuno ng Crimson. May mga alagad ito at nakita ko rin na may katabi itong babae ngunit hindi ko mamukhaan dahil malayo ako.. At puro sila mga nakamaskara din. "Oscar, sino ang mga iyan?" halos bulong kong tanong at pasimpleng humawak sa ear piece. "Sila na yan, Duke. Ang namumuno ng Crimson," sagot ni Oscar. "At yung lalakeng nakamaskara... Siya ang gustong kumalaban sa Daddy mo," sabi naman ni Wallex. Napatango ako at sumusunod ang tingin sa mga iyon. "Yu, wins!" anunsyo ng isang babae na halos kita na ang kaluluwa sa ikli ng suot. At puro tattoo ang katawan. Napailing ako. "At bilang sa susunod na laban.. Iwelcome natin si Fox upang ianunsyo niya ang susunod na paglalabanan," sabi pa nung babae. Umakyat ang babae na kausap kanina ng pinuno ng Crimson. Tinalon nito ang stage na kinamangha ng mga nanonood. Astig ang porma niya na all black with her gold mask. Nakaponytail ang mahaba nitong buhok na kinulot ang dulo. Kinuha nito ang microphone sa babaeng announcer at humarap sa gawi ng mga kalahok. "Ang sunod na laban ay ang laban para kay kamatayan," nakangiti nitong sabi. Nagtataka ang mga tao sa arena at maging ako. Tila isang delikadong laban ang gusto ng mga ito. "Isang karera sa labas ng gubat na ito. May mahabang kalsada na pasikot-sikot ang dapat na daanan. At sa dulo ng kalsada ay may patibong na naghihintay na dapat malagpasan upang makabalik rito sa arena," paliwanag nito. Umakyat ito sa lubid na harang ng ring kung saan naglaban kanina. Tumayo ito at ngumiti na isang nanghahamon na ngiti. "At sa pagkakataong ito.. ako ang makakalaban kung sino man ang may nais," sabi niya. May nakita akong tumayo na dalawang lalake na tila tinatanggap ang hamon. "Duke," ani ni Oscar upang ipaalam na ako rin. Syempre. Kaya ako narito para doon. Kaya naman ay tumayo na ako at bumaba. Ramdam ko ang tinginan ng mga tao sa akin. Siguro dahil nakamask din ako. "Why are you wearing a mask?" tanong ng babaeng nakamask. Napakunot-noo ako dahil parang naging pamilyar sa akin ang boses niya. "I'm Mask Speed," maikli kong tugon. Napangiti ang babae at lumapit sa akin. Humawak ito sa dibdib ko at pinagapang ang daliri. 'b***h!' ani ng isip ko. "Alam mo. Pwede tayong maglaban sa ibang paraan kung gugustuhin mo," mapang-akit at malandi nitong sabi. Hinawakan ko ang kamay niya na kinangiti niya. Pero nawala ang ngiti nito nang ibagsak ko ang kamay niya. "No, Thanks. May girlfriend ako," sabi ko na kinahalakhak niya. "Tinanggihan mo ang katulad ko?" hindi nito makapaniwalang anas. "Hindi ka kaakit-akit, lalo't hindi ko rin alam ang mukha mo sa likod ng maskara," nakangisi kong sabi. Sige, show your face. Tumalikod lang ito at lumapit muli sa mic. "Let the battle begin!" anunsyo niya. Tumingin siya sa akin tila malalim ang iniisip. Tumalikod na ako upang pumunta sa sasakyan ko. Bibigay ka rin. Walang nakakatanggi sa isang Ford. Sumakay na ako ng sasakyan at binuhay. "Oscar, back me up," sabi ko na alam na nila kung anong ibig sabihin no'n. Pinaharurot ko na ang sasakyan upang magtungo sa sinasabi nilang starting line. Nakita ko na ang dalawang sumali. Napatingin ako sa sumabay sa akin na isang pink na sports car. Nakita ko doon ang babaeng nakamask. Nasa gitna kami ng dalawa nang huminto kami sa starting line. "Ipapakita ko sa'yo mamaya ang mukha ko. Pero ang kapalit no'n.. Akin ka ng isang gabi. At pag nanalo ako, akin ka na talaga," ibig kong mapailing dahil desperada na siya sa mga lalake. "Pag nanalo ako, ipapakita mo ang mukha mo ng walang kapalit," sabi ko naman sa kaniya. Ngumisi siya tila gusto ang idea na iyon. "Call," pagpayag niya. Sinuot ko na ang seatbelt ng makita ang babaeng announcer kanina na may dalang flag at baril. Nagpunta siya sa harap at gitna bago itaas ang flag at baril. "In Three!" panimula nito kaya pinainit ko na ang makina ko at ganun din ang mga makakalaban ko. Walang safety equipment na maaaring makaprotekta sa amin. Labanang buwis buhay ito. "Two!" ramdam ko na tumingin muli sa akin ang babae na lihim kong kinangisi. "One!" pagkasabi at pagkababa ng flag sabay ng putok ng baril ay pinaharurot ko na ang baby ko. Nauna ako sa tatlo pero naabutan ako ng babae. Naggitgitan kami dahil sinasadya niya. Binagalan ko ng kaunti na alam ko iyon ang nais niyang mangyari. Napatingin ako sa salamin upang tingnan ang dalawa pa. Pero nagtaka ako nang mawala ang mga ito. Tumingin ako sa babae at nakita ko ang pagliko niya. "Duke, isang tulay na sira ang madadaanan mo kaya sila nagshort cut," ani ni Wallex. Kaya pala. Pero tingnan natin kung makarating kayo sa finish line ng hindi sira ang mga gulong niyo. Bago kasi sumunod sila Oscar sa akin ay naglaglag sila ng mga matutulis na bagay sa maaaring pagdaan ng makakalaban ko. Swerte kung sino man ang hindi mabutasan. Hanga na talaga ako kay Dad. Plinano na niya bago pa siya magbigay ng hint sa akin. Ito pala yung sinasabi niya na 'Give the cheaters a lesson," Sumeryoso na ako dahil malapit na ako sa dulo nitong daan. Napatingin ako side mirror at nakita ko ang pagbalik nung babae tila nalaman na may patibong. Matalino siya ha. Pero alam kong takot din siyang mamatay. Binilisan ko ang speed at mahigpit ang kapit ko sa manibela. At isang nakakalagot ng hininga na tricks itong ginawa ko. Tumalon sa ere ang sasakyan ko patungo sa kabilang panig nitong tulay. Napapikit ako nang kumalabog ang sasakyan dahil sa pagbagsak sa lupa. Agad akong nagpreno dahil hindi ko kontrol. Mula sa pagkakadukdok sa manibela ay napaangat ako ng tingin nang huminto na ang sasakyan ko. Napangiti ako dahil nagawa ko. Tumingin ako sa likod ko at tiningnan ang kabilang tulay. Nakita ko yung babae na tinatawag na Fox. Nakatayo siya sa harap ng sasakyan niya habang tinatanaw ako. At kahit malayo ay nakita ko na ang mukha niya dahil inalis na niya ang maskara niya. At ang kinagulat ko ay kilala ko kung sino siya. Hindi ko akalain na isang mahinhin at inosente na gaya niya ay isang kalaban. Nagpatuloy pala ako ng isang tinik sa lalamunan namin. "Oscar, Wallex, let's go. Change of plans. Gusto kong pasakayin muna ang kalaban bago natin gawan sila ng patibong," wika ko kila Oscar mula sa ear piece. Pinaharurot kong muli ang sasakyan upang umalis na rito. Pinatong ko ang braso sa parteng bintana ng sasakyan ko at napahawak ako sa baba habang ang isang kamay ay pinangmamaneho. Malalim akong napaisip. Tiyak na nasa malapit lang din ang lalakeng pinakapinuno nila. At hindi sila makakapasok ng isla kung hindi sila malapit sa pamilya namin. Kasi kung nakakapasok sila ng baril ay sana ay nakumpiska na iyon at hindi na sila pinatuloy. -- Pinarada ko ang sasakyan ko sa dati at sumakay muli sa bisikleta para umuwi sa bahay. Sila Oscar ay bumalik na sa tinutuluyan nila malapit sa entrance nitong Isla. Dahil ang mga tauhan din ni Dad ang nagbabantay sa mga pumapasok. Malapit na ako sa bahay nang matanaw ko si Nestle na nakaupo sa hagdan ng bahay namin. Kaya binilisan ko ang pagbisikleta. Napansin niya ako kaya tumayo siya. Huminto na ako at pinarada ang bisikleta sa gilid. "Bakit gising ka pa?" tanong ko habang lumalapit sa kaniya. Nakataas ang isang kilay niya hudyat na mainit ang ulo niya. "Saan ka galing?" ibig kong mapangiti dahil bakas sa boses niya ang pag-aalala. Shet. "Dyan lang," nakangiti kong sabi at niyakap siya. Ganito ang naiimagine ko pag mag-asawa na kami. Yung uuwi ako at hihintayin niya. "Ano ba! Wag mo nga akong yakapin," pagtataray niya na lalo kong kinangiti. "Bibitaw lang ako pag sinabi mong mahal mo din ako," sabi ko at mas hinigpitan ang yakap sa kaniya. "Tigilan mo nga ako," sabi niya at pilit na kumakawala. "Bahala ka.. Papasok tayo ng magkayakap at pag nakita ni Mommy tiyak na iba ang iisipin no'n," Oo ako na ang blackmail boy. Pero hindi niyo ako masisisi kung gusto ko na sabihin niya na mahal niya pa rin ako at hindi na si Khalil. "Oo na.," "Ano? Hindi ko marinig," "Oo na, mahal kita," sabi niya kaya tumingin ako sa mukha niya na namumula tanda na nahihiya. Napangiti ako ng maluwang sa sinabi niya. "Hindi mo alam kung gaano ang t***k ng puso ko nang sabihin mo na mahal mo rin ako, Nestle. Pwede ba kitang halikan?" tanong ko na nananabik. Mabagal siyang tumango at napayuko kaya lalo akong napangiti. Inangat ko ang baba niya at pinagtagpo ang mga mata namin. Dahan-dahan kong binaba ang mukha ko at pinaling upang mas mahalikan ko siya. Nilapat ko ang labi ko sa labi niya na napakalambot. Tumingin ako sa kaniya na nakapikit kaya pinagalaw ko na ang labi ko at pumikit rin upang damhin ang tamis ng labi niya. Tumugon siya at napahawak sa damit ko. Ramdam ko ang kaba niya at maging ako. Niyakap ko siya habang patuloy ang paaghahalikan namin. "What's the meaning of this?" napabitaw kami ng marinig namin ang boses ni Mommy. Patay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD