NANG gabing magkasagutan sina Aileen at Jyo ay nagdesisyon si Aileen na lisanin ang bahay nila ni Jyo. Umuwi siya sa bahay ng mga magulang niya upang makapag-isip-isip na rin. Mabuti na lang at kasama na niya ngayon ang tunay niyang mga magulang dahil kung hindi, baka nabaliw na siya dahil wala siyang mapaglalabasan ng sama ng loob. Naalala niya tuloy bigla iyong araw na malaman niyang ampon lang siya ng kaniyang kinalakihang magulang. Ang isa pa sa mga dahilan kung bakit niya tinanggihan ang alok na kasal noon ni Jyo. Nakwento niya kasi sa binata ang tungkol sa sekretong matagal nilang itinago ni Mia noon. Flashbacks...... Katatapos lang nilang gawin ang thesis nila ni Mia nang may isang matanda ang biglang lumapit at kumausap sa kanila. Noong una akala niya magtatanong lang ito ng dir

