CHAPTER NINE

2153 Words

"ANONG ginagawa mo rito? Alam mo ba kung anong oras na, ha? Nakakabulabog ka sa mga taong gusto ng nagpapahinga," malamig na bungad niya rito matapos niya itong sabihan na sa garden sila mag-usap. Gustong-gusto niya itong yakapin at sabihan kung gaano siya nangulila rito pero sa tuwing naaalala niya ang mga binitiwan nitong mga salita ay nababato't nauumid siya. Para iyong sirang plaka na paulit-ulit na nagpi-play at nagre-rewind sa kaniyang isip. Hindi naman kasi agad mawawala ang nararamdaman niya para rito. It hurts and it takes time to heal. Pero ang sabi nga nila, hindi ka marunong magmahal kung hindi ka nasasaktan. "Aileen, pa—" akmang hahawakan at lalapitan siya nito nang lumayo siya. "Diyan ka lang! Huwag na huwag kang lalapit sa 'kin!" Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD