KINABUKASAN ay nagising sina Jyo at Aileen sa sunud-sunod na kalampag mula sa pinto ng kwarto nila sa yate. Mabilis na bumangon si Jyo nang ma-boses-an ang taong umistorbo sa tulog nilang mag-asawa. "What the hell, Bro?! What are you doing here?" inis na bungad niya sa kaibigang si Yrrej na nakangisi lang sa harap niya. Itinaas naman nito ang wine na hawak nito. "Hey, Dude! Let's celebrate our ten years anniversary." Nabaling naman ang tingin niya sa gilid ng yate nila kung saan may yate rin na naroroon sakay si King at dalawang babae. Napailing siya nang mapagtanto niyang sampong taon na ang kanilang pagkakaibigan. Nawala iyon sa isip niya dahil buong araw at gabi ay si Aileen lang ang nasa isip niya. Sinarhan niya ito ng pinto para makapagbihis muna. "Uy, Bro! Wala namang bastusan!

