Madalas na naming kasama si Jazz ngayon. May nadagdag na rin sa barkada namin. Si Joey, girlfriend ni James. Tuwing break time kinakatagpo namin si Jazz para isabay na namin siya na kumain. Noong una ay tumatanggi siya, siguro ay dahil naiilang kila Chase. Pero nung huli, wala naman na siyang nagawa. Napapansin ko rin na hindi na siya gaanong naiilang kina Chase. She's laughing with them, chatting with them, and joking with them, too. And I think my friends like her, too. Mas madalas pa nga nilang hanapin si Jazz kaysa sa akin kung minsan. Wala pa din akong sinasabi sa kanila kung bakit nakakasama na namin si Jazz ngayon o kung bakit gusto kong isama namin si Jazz sa tropa. Hindi rin naman sila nagtatanong at mukhang nag-eenjoy naman sila sa company ni Jazz. Nasa cafeteria kami ngayon,

