That night, tulad ng nakaugalian. Sinara ko ang bintana ko bago matulog. Pero bago ko pa magawa yun, kumakaway na naman na parang siraulo si Seb. May hawak ulit siyang white board. GO ONLINE! CHAT TAYO! Iningusan ko siya at sumenyas na ayoko. He growled at me which made me laugh. Natigilan ako. Ba't ba ang dali nang tumawa ngayon? Parang dati lang kailangan ko pang pekein pero ngayon, it comes out naturally. It's so weird. Yumuko si Seb, na-realize ko na nagsusulat pala siya. I patiently waited for him to finish writing, nang ma-realize ko na nakangiti pala ako ay agad kong pinigil ang sarili ko. Isasara ko na sana ang kurtina nang tinaas ulit niya yung whiteboard. DALI NA! KUNG AYAW MO, KUMUHA KA NA LANG NG MASUSULATAN, HINDI KO MAINTINDIHAN ANG SIGN LANGUAGE MO. Inirapan ko siya.

