CHAPTER 8

1050 Words
Matapos ang gabing puno ng init at mapusok na pag-angkin ni John, bumagsak ang katahimikan sa loob ng master’s bedroom. Paulit-ulit siyang inangkin ng lalaki, at sa kabila ng hapdi na naramdaman ni Dinnah sa simula, hindi niya maikakailang tinangay siya ng agos ng kakaibang sarap na ngayon lang niya naranasan. Nakahinga siya ng maluwag na parang napaniwala lang niya si John na dahil masikip siya ay dahil katatapos lang niya magregla. Kay Donnah din kasi niya narinig ang ganon, wala naman siyang alam, naalala lang niya noon na sa masakit daw at naging masikip ito kapag gagalawin ng boyfriend nito kapag katatapos nitong mag menstruation. Ngunit habang payapang natutulog si John sa kanyang tabi, ang puso ni Dinnah ay nakaramdam ng mabigat dahil sa laging takot at pangamba kung ano ang kanyang kahahamtungan sa kanyang pagpapanggap bilang si Donnah. Paano kung tuloyan siyang iibig kay John? Hindi talaga ito mahirap mahalin, sa guwapong lalaki nito at isa pang makapangyarihang tao ay madali talaga itong mahalin. Siguradong siya din ang masasaktan sa huli kapag ipagtabuyan na siya nito kung malalaman nitong hindi siya si Donnah! ____ Eksaktong alas-singko y medya ng umaga nang imulat ni Dinnah ang kanyang mga mata. Sa ilalim ng malamig na aircon, naramdaman niya ang init ng katawan ni John na nakayakap sa kanya mula sa likuran. Dahan-dahan, tila isang magnanakaw, inalis ni Dinnah ang mabigat na braso ng lalaki at pilit na bumangon. Napaigtad siya sa sakit. Ang bawat galaw niya ay tila may humahatak na kirot sa kanyang p********e. Paika-ika siyang naglakad patungo sa banyo, hawak ang isang kumot na tumatakip sa kanyang hubad na katawan, habang ang kanyang mga mata ay nananatiling nakapako sa natutulog na lalaki. Nang makapasok sa loob ng malawak at marangyang banyo, agad niyang ni-lock ang pinto. Sumandal siya rito at napahinga nang malalim habang tinititigan ang sarili sa malaking salamin. Namumula ang kanyang mga balikat at leeg dahil sa mga markang iniwan ni John—mga markang magpapaalala sa kanya na wala na ang kanyang pinaka-iingatang dangal. Binuksan niya ang shower. Hinayaan niyang dumaloy ang maligamgam na tubig sa kanyang katawan, umaasang mahuhugasan nito ang dumi at bigat na nararamdaman niya. Sa ilalim ng talsik ng tubig, dahan-dahan niyang sinabon ang kanyang katawan. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga daliri habang hinuhugasan ang kanyang p********e, namamaga iyon, parang naiimagine pa niya kung paano bumaon doon ang malaking ari nito kagabi at ang paulit-ulit na pag-ulos. Ang bawat haplos ng tubig at sabon ay nagdudulot ng bahagyang hapdi, isang matapang na paalala ng agresibong pag-angkin ni John kagabi. Yumuko si Dinnah at hinayaang humalo ang kanyang mga luha sa tubig ng shower. "Para sa pamilya... para sa mga magulang ko, para sa mga propedad ng among pamilya.." bulong niya sa sarili habang pilit na kinukuskos ang kanyang balat. Pakiramdam niya ay ninakawan siya ng sariling pagkatao, ngunit wala siyang pagpipilian. Ang katawan niya ay nag-react sa sarap, ngunit ang kanyang isip ay nagluluksa. Pinagmasdan niya ang tubig na umaagos patungo sa drainage. Kasabay ng sabon at tubig, ninais niyang anurin na rin ang lahat ng takot at pag-aalinlangan. Paglabas niya ng banyong ito, kailangan niyang isuot muli ang maskara ni Donnah. Hindi siya pwedeng maging si Dinnah na mahina at sugatan; kailangan niyang maging ang matapang at mapang-akit na babaeng minahal ni John Halden. Matapos maligo, nagbalot siya ng puting bath robe at naupo sa gilid ng bathtub. Tinitigan niya ang kanyang mga kamay na nanginginig pa rin. Alam niyang ito pa lamang ang simula. Ang isang gabi ay naging matagumpay, ngunit ang susunod na mga araw ay magiging isang mahabang laban para sa kanyang sikreto. Pagkatapos patuyuin ang kanyang buhok, nagbalot si Dinnah ng isang malapad na puting tuwalya sa kanyang katawan. Mahigpit ang pagkakatapi nito sa kanyang dibdib, ngunit hindi nito maitago ang mga bakas ng pulang marka sa kanyang leeg at balikat. Huminga siya nang malalim, pilit na pinatatatag ang sarili bago dahan-dahang pinihit ang lock ng pinto. Nang bumukas ang pinto ng banyo, nagulat pa siya nang makita ang gising at nakaupong pigura ni John sa kama. Bahagyang nakasandal ang likod nito sa headboard, gusot ang buhok, at ang kumot ay nakababa hanggang sa kanyang bewang—lantad ang matikas at maskuladong dibdib na kanina lamang ay nakadagan sa kanya. Agad na nag-iwas ng tingin si Dinnah, ngunit huli na dahil nakapako na ang mga mata ni John sa kanya. Ang tingin nito ay hindi na pagod gaya ng kagabi; ito ay malagkit, mapanuri, at puno ng nag-aapoy na pagnanasa na tila hindi pa rin sapat ang dalawang beses na pag angkin nito sa kanya. "Good morning, honey," paos ang boses ni John, isang tunog na nagpataas ng balahibo ni Dinnah. "You're up early. Bakit hindi mo ako hinintay para sabay tayong naligo?" "A-ano... ang lagkit na kasi ng pakiramdam ko," nauutal na sagot ni Dinnah habang pilit na naglalakad nang tuwid patungo sa walk-in closet, kahit nararamdaman pa rin niya ang kirot sa bawat hakbang. Hindi sumagot si John, sa halip ay sinundan niya ng tingin ang bawat galaw ng dalaga. Mula sa basang buhok ni Dinnah hanggang sa mahahaba at mapuputi nitong binti na lumalabas sa pagkakatapi ng tuwalya, tila hinihimay ng mga mata ni John ang bawat detalye ng kanyang anyo. Nanatiling tahimik ang silid, ngunit ang hangin ay muling uminit dahil sa titig ng lalaki. Biglang tumayo si John mula sa kama, nakasuot na ito ng boxer at dahan-dahang lumapit sa likuran ni Dinnah. Naramdaman ni Dinnah ang init na nagmumula sa katawan nito nang tumigil ito sa mismong likod niya. "You smell like vanilla and... like me," bulong ni John habang ang kanyang mga kamay ay gumapang sa bewang ni Dinnah, hinahila ang dalaga palapit sa kanyang katawan. Ibinaba ni John ang kanyang mukha sa basa pang leeg ni Dinnah at huminga nang malalim doon. "J-John.." "Parang ayaw na kitang palabasin ng kwartong ito, Donnah. There’s something about you today na hindi ko maipaliwanag. You're... addictive." Napapikit si Dinnah, pilit na pinipigilan ang panginginig. Ang malagkit na tingin at ang mga haplos ni John ay nagpapaalala sa kanya na kahit anong hugas niya sa banyo, nakatali na ang kanyang katawan sa lalaking ito—ang lalaking ang tanging kilala ay ang kanyang kambal, at hindi ang tunay na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD