Nang handa nang papasok sa office si John, bago pa tuluyang makalabas ng pintuan ng kwarto, mariing hinalikan ni John si Dinnah sa labi—isang halik na puno ng init at pangako na para bang sinasabi nitong hindi makakalayo ang isip sa kanya kahit nasa trabaho ito. "Hintayin mo ako pag-uwi, hon." Nakangiting sabi nito sa kanya. "M-mag-ingat ka, hon," tugon naman niya rito. "Thank you, honey. Feel free to tell the helpers here what you need—no need to hold back, you're my wife, and you’re their boss now too." Bilin nito sa kanya bago tumalikod at tuluyang lumisan. Muling nakahinga nang maluwag si Dinnah nang tuluyang makaalis na si John. Pinahid niya ang labi gamit ang likod ng kamay, ramdam pa rin ang init ng halik ni John. Sa kabila ng kaba at pagkalito sa nararamdaman, naramdaman ni

