Narinig ni Dinnah ang mahinang tunog ng radyo na hawak ng isa sa mga guard. Mahinang nagsasalita ang lalaki habang tila may kinakausap sa kabilang linya. Hindi niya marinig nang malinaw ang usapan, ngunit napansin niyang paminsan-minsan ay tumatango ito habang nakikinig. Lalong bumilis ang t***k ng puso ni Dinnah. Mahigpit niyang hinawakan ang strap ng kanyang bag habang naghihintay sa sasabihin ng guard. Ilang segundo pa ang lumipas bago ibinaba ng lalaki ang radyo. Pagkatapos ay napangiti ito sa kanya. "Ma’am, pwede na po kayong pumasok. Pinayagan na po kayo ni Sir John na makapasok." Saglit na natigilan si Dinnah. Parang hindi agad pumasok sa isip niya ang sinabi nito. "A-ako po?" tanong niya na tila hindi makapaniwala. "Opo, Ma’am. Pinapapasok na po kayo." Dahan-dahang bumuk

