BUMIBIGAT na ang talukap ng mga mata niya. Hindi na niya nakayanan ang antok at ipinikit na ang mga mata.
Muntik na siyang mapahiga sa sahig. Nang bumukas ang pinto.
Dahan-dahan siyang tumayo. Nakita niya ang gulat sa guwapong mukha nito. Marahil ay hindi nito inaasahan na madaratnan siya nito sa labas ng pintuan ng kuwarto nito. Ilang saglit lang ay bumalik ang walang ekspresyong mukha nito.
"Zac--" nag aalala niyang tawag dito.
"You should go to your room," putol nito sa anumang sasabihin niya. Akmang isasara nito ang pinto ngunit mabilis niya itong pinigilan. Nagawa niyang makapasok sa loob ng kuwarto nito.
"Zac, mag usap tayo, please," pagmamakaawa niya. Pakiramdam niya ay malaki ang kasalanan niya dito.
"What do you want us to talk about? galit na tanong nito.
"I'm sorry. Hindi ko alam na nagplano pala kayong i-surprise ako. Pwede pa naman nating i-celebrate iyong---"
"Look, I'm so tired right now. I just want to take some rest. It seems that you enjoyed your date with that bastard! Gigil nitong sabi. Umupo ito sa kama at nanatiling nakasimangot.
Nagtampo pala ito dahil kay Rick. Hindi ba halata? singit ng kontrabidang isip niya
"Nagkataon lang ang pagkikita namin ni Rick. At saka magkaibigan lang kami nun," paliwanag pa niya. Walang malisya sa kanya.
"The way he looked at you was different from being friend, Tricia. I am a man and I know if a guy likes a woman," busangot ang mukha nitong sabi. Hay! Ang pogi pa rin kahit sumimangot. Nag e-enjoy yata siyang tingnan itong nakasimangot.
Nakaramdam naman siya ng awa dito. Malamang na napagod ito sa paghahanda para sorpresahin siya. Marahil ay kailangan niya nga itong lambingin.
"Sweetheart, sorry na po," paglalambing niya. Ganun din naman ito sa kanya. Gagayahin niya na lang din ito.
Na tahimik ito. Tila hindi inaasahan na tatawagin niya itong 'Sweetheart'
"Promise babawi ako sayo. Susundin ko rin ang utos mo, basta 'wag kana magalit," patuloy niyang sabi. Pinalambing niya pa ang boses.
Nagbago na ang ekspresyon ng mukha nito. Effective ata ang paglalambing niya.
Hinawakan niya pa ang kamay nito at hinila-hila ang bawat daliri nito.
"Well..." nag anyong nag-iisip ito.
"I want you to stay away from that bastard," utos nito.
Natigilan naman siya. Gusto nitong iwasan niya si Rick.
"Why?hindi mo kaya?" tanong nito na nakatitig sa mga mata niya. Nagbabadya na naman ang galit sa mukha nito.
"Is it really difficult for you to just ignore him? Stay away from him," galit na sabi nito.
"O-oo sige na. Iiwasan ko na si Rick, " nasabi na lang niya para matigil na ito. Hindi niya maipapangako sa sarili na maiiwasan na nga niya ang kaibigang lalaki dahil napakabait nito sa kanya. Bahala na.
"That's my girl," nakangiti na nitong sabi. Tumayo ito at inakbayan siya.
"Let's celebrate your birthday, Sweetheart," inakay na siya nito palabas. Umamo na rin ang mokong!
Hindi na niya nadatnan pa si Lily. Marahil ay nakauwi na ito.
Iginiya siya nito paupo sa bakanteng upuan. Nagsalin ito ng champagne sa dalawang wine glass. Binuksan nito ang nakatakip na putahe. May Pork steak, Garlic butter baked Salmon at Mango Graham para sa dessert. Maganda pa ang presentation ng mga iyon.
Alam niyang nag effort talaga ang binata dahil paborito niyang pagkain ang hinanda nito. Malamang nasabi ni Lily dito kung ano ang mga paborito niyang pagkain. Kahit busog pa ay pipilitin niyang kumain ng marami dahil baka magtampo na naman ang mokong na ito. Good luck sa impatcho Tricia! nasabi niya sa isip. Sinimulan na nilang kumain. Todo asikaso naman ito habang kumakain sila. Wala naman siyang nagawa kung hindi ubusin ang inilalagay nito sa plato niya. Mag expand ka naman t'yan kahit ngayon lang piping dalangin niya.
Matapos kumain ay inaya siya nitong sumayaw. Walang tugtog. Nakahawak ang dalawang kamay nito sa beywang niya habang siya naman ay nakapatong ang mga braso sa balikat nito. Ilang sandali lang ay magkayakap na lang sila nito. Walang nagsasalita. Ninanamnam ang sandaling magkasama sila nito. Nakasandal ang mukha niya sa dibdib nito. Na a-adik siya sa pabangong gamit nito. Dinig niya ang pagtibok ng puso nito. Nahiling niyang sana ay siya na talaga ang tinitibok niyon. Marahan nitong hinahaplos ang likuran niya. Nang unang magkita sila nito ay hindi niya lubos maisip na may soft side ito. Puro pang aasar lang kasi ang alam nitong gawin. H'wag niyo na pong ibalik ang dating Zack. Gusto niya ang pagiging maalalahanin at ang pag aasikaso nito sa kanya. Hindi pa man nito inaamin na mahal siya nito ay nararamdaman naman niya iyon. Kung pwede lang na huminto muna ang oras. Ayaw na niyang mawalay pa dito. Isa na yata ito sa pinakamasayang kaarawan niya. Pumikit siya. Kagaya ng nakagawian tuwing kaarawan ay humiling siya. Sana ay siya na po ang lalaking makasama ko ng panghabambuhay.
Naramdaman niya ang paghalik nito sa ulo niya. Inangat niya ang mukha para magtama ang mga paningin nila.
"Salamat sa pag e-effort mo para mapasaya ako ngayong birthday ko. Isa ito sa hindi ko malilimutang kaarawan," bukal sa puso niyang pasasalamat dito.
"This is not for free, sweetheart," he said with a husky voice.
"Huh?" naguguluhan na naman siya.
"You have to kiss me in return," pilyong ngumiti pa ito. Atubili pa siya kung susundin ito. Pumikit ito at pinahaba pa nguso. Hinihintay na lang nitong halikan niya ito. Mukhang seryoso ito. Tumingkayad siya at inilapat ang labi niya sa mga labi nito. Mabilis na halik lang sana ang balak niya ngunit tila sabik ang mga labi nito. Hindi na pinakawalan pa ang mga labi niya. Agresibo, tila uhaw. Nadala naman siya at tumugon ng walang pag aalinlangan.
Mahal na mahal kita Zac. Wala na siguro akong ibang lalaking mamahalin ng kagaya ng pagmamahal ko sayo. Iyon lang ang tanging nasa isip niya nang mga oras na iyon.