Chapter Fourteen

1479 Words
KANINA pa siya paikot-ikot ngunit wala siyang makitang Forever Cafe. Ibinaba naman siya ng driver sa mismong address na sinabi nito. Bakit ba kasi napakalayo niyon at doon pa naisipan ni Lily na magpabili ng kape nito? Ayon dito ay masarap daw ang kape na binibenta roon. Ang dahilan ng bruha niyang Best friend ay may dysmenorrhea ito at nagke-crave sa Caffe latte. H'wag kang uuwi hangga't walang Caffe latte! tila naririnig niya pa ang boses nito. Lumakad ulit siya papunta sa kabilang kalsada. Baka naman tago ang puwesto kaya hindi niya makita. Medyo sumasakit na ang mga binti niya dahil may kataasan ang suot niyang sandals. Medyo hinihingal na siya at pinapawisan. Kinuha niya ang panyo sa shoulder bag na dala at pinunasan ang noo. Ibinalik niya sa bag ang panyo. Maglalakad na sana siyang muli nang may humintong Black BMW sa gilid ng kalsada. Bumaba ang salaming bintana niyon at dumungaw ang nakangiting mukha ni Rick. "Hop in" anyaya nito at binuksan ang pinto sa passenger side. Alanganing ngumiti siya dito. "Salamat na lang, Rick. May hinahanap kasi akong Café. Dito rin mismo," tanggi niya. Nakakahiya rin dahil baka amoy pawis na siya. "What Cafe shop is it?" tanong nito. "Forever Cafe. Kanina ko pa nga hinahanap," sagot bago tumingin muli sa paligid. "I know that Cafe. I'll bring you there. Come on in," pag aya pa nito "Naku, malapit lang yun dito sabi ni Lily," tanggi niya pa. Lalakarin na lang niya tutal nandito na siya sa address. Napangisi naman ito. "Actually you'd be needing to ride a bus that would take 30 minutes from here to Forever Cafe," nakangiting paliwanag nito. "Baka ibang branch naman 'yang forever Cafe na alam mo," nakasimangot na sagot niya. Napakamot naman ito sa batok. "I am the owner of that cafe. I am planning to expand it and have another branch but not here," paliwanag naman nito. Tila hindi siya makapaniwala sa nalaman. Bakit naman siya binigyan ni Lily ng ibang address? "Let's go," wala na siyang nagawa pa. Sumakay na siya. Sana lamang ay may bisa pa ang cologne na ginamit niya. "Are you planning to apply at Forever Cafe?" tanong nito ngunit deretso lang ang tingin sa daan. "Hindi. May pinabibili kasi si Lily na kape," "Seriously? sa forever cafe pa talaga," nangingiti nitong sabi. "Hindi ko rin nga maintindihan kung bakit doon niya pa naisipan mag pabili," nakalabi niyang sabi. Habang nasa biyahe ay patuloy ang pag uusap nila nito. Karamihan sa napag usapan ay iyong mga nangyari noong mga teenager pa sila. Masayang kasama si Rick. Kahit matagal sila nitong hindi nagkita ay ganun pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Narating nila ang Forever Cafe. Two storey iyon. Kitang kita niya ang loob dahil gawa sa purong makapal na salamin ang pader nito. Kagaya ng sa mga fast food restaurants. Ipinagbukas siya ni Rick ng pinto at magkasabay silang pumasok sa loob. The shop has an inviting atmosphere and comfortable seating. Kita naman sa labas ang itsura ng loob ngunit iba pa rin kapag nakapasok ka na. May sofa na available para sa mga customer. May mga ilang customer na sa loob. Mga nag uusap, may ibang nakatutok sa laptop, may naglalaro ng chess at mga nagbabasa. Iginiya siya ni Rick sa isa sa mga available na sofa. Nakaramdam siya ng ginhawa. Kinuha niya ang fluffy pillows at ipinatong sa kandungan niya. Umupo naman si Rick sa katapat niya. May book menu na nakapatong sa table. Kinuha niya iyon at binulatlat. Maya-maya ay may lumapit na waiter sa kanila. "May I take your order, Ma'am, Sir?" "What do you want to order?" baling sa kanya nito. Binubuklat niya pa rin kasi ang menu book. Wala bang mura dito? Water lang ata ang kaya ko! "Yung Caffe latte lang ang sa akin. Hindi naman ako magtatagal," pilit ang ngiting sabi niya. "Give us Caffe latte for take out, then Frappuccino and Caramel Macchiato for dine in," sandali itong nag isip. "Anything else, Sir?" tanong pa ng waiter. "I want to add Blueberry cheese cake, Grilled Cheese and Ham sandwich," dagdag nito.May iba pa itong sinabi na hindi na niya naintindihan. Matapos makuha ang order ay sinabi nito na ipi-prepare na at kung gaano katagal ang aantayin. Gutom na siguro ito sa dami ba naman ng in-order. Nang silipin niya ang menu nakita niya ang presyo ng Blueberry cheese cake ay napanganga siya. ₱175 per slice at ₱1,250 ang whole. Pang ilang kainan na niya iyon. "Hindi halatang gutom ka," biro niya. Nilapit nito ang mukha sa kanya. "We are going to celebrate your birthday, My dear," anito bago pinisil ang ilong niya. Nawala sa isip niya. Tumatawang inalis niya ang kamay nito. Natigil sila nang dumating na ang mga in -order nito. Halos wala ng space sa table sa dami niyon. Nakaramdam siya ng gutom ang bango at nakakatakam ang mga in-order nito. "Thank you sa pa birthday," Hindi na siya nakatiis at inumpisahan nang lantakan ang mga nakahain. Never siyang tumatanggi sa grasya. "Ang sarap naman nitong Blueberry Cheese cake. Kaya naman pala ganun ka mahal," komento niya habang ngumunguya. Tila naman ito naaliw sa kanya. "Don't worry about the price. I'll take care of it. Just enjoy this moment," Nakatingin lang ito habang kumakain siya. "Bakit ayaw mong kumain? Akala ko gutom ka ang dami mong in-order tapos hindi ka kakain," puna niya rito. "I order all of these for you," Seryoso ba siya? "Hindi naman ako dragon kung kumain. Kain ka na rin," pamimilit niya. Nang hindi pa rin ito gumagalaw ay siya na ang nag kusang subuan ito. "Nga-nga na," utos niya habang tinatapat ang kutsarang may lamang cake sa bibig nito. Tumalima naman ito. Sus, gusto lang pa lang magpasubo! Nag-e-enjoy siya sa pagkain. Na parami ang kain niya. Nang may maalala ay natigilan siya. Kailangan na pala niyang ihatid ang pinabili ng kaibigan. "Naku, Rick maraming salamat dito sa mga pagkain. Kailangan ko nang umuwi at baka hinihintay na ni Lily itong Caffe latte," "Leave that to me. I will ask someone to deliver it to Lily's address," Sabi nito. "Just enjoy this day," he assured her. May tinawag ito na kumuha ng order ng kaibigan. Pagkatapos ibigay ang Address ng kaibigan ay umalis na rin iyon. Siya naman ay nag text sa kaibigan na I-dedeliver ang order nito. Pinagpatuloy nila ang pagkain at kwentuhan. Napaka relaxing ng ambiance ng coffee shop. Naglaro pa sila ng chess nito. Hindi na niya namalayan ang oras. Alas syete na ng gabi nang magpasya itong ihatid siya. ------------------------------------------ Kalahating oras ang itinagal bago nila marating ang bahay. Ihininto nito ang sasakyan sa mismong tapat ng gate. Ipinagbukas siya nito ng pinto ng kotse. "Salamat, Rick. Nag enjoy ako," nakangiti niyang sabi dito. "My pleasure, see you later," paalam nito. "Ingat ka" aniya. Nang makalayo ang kotse nito ay nagpasya na siyang pumasok. Nakakailang hakbang pa lang siya nang makita ang madilim na mukha ni Zac. Lalapitan niya sana ito ngunit mabilis itong lumakad palayo. "Oops! Nagtampo ata si fafa Zac," bulalas ni Lily. Anong ginagawa ng bruhang ito rito? Nilibot niya ng tingin ang paligid. Napaka romantic ng ambiance. May nakaset na table for two. May nakapalibot ditong maliliit na kandila na naka heart shape form. May mga nakapatong roon ngunit may takip kaya hindi niya makita ang laman. May bote rin ng champagne at dalawang wine glass. "Anong meron?" nagtataka pa niyang tanong. "Bakla ka talaga ng taon, Patricia. Kalimutan mo na ang lahat h'wag lang ang birthday mo!" naloloka na sabi ng kaibigan. Alam naman niyang birthday niya. Nag celebrate pa nga sila ni Rick. "Tinulungan ko si Zac na ihanda ang birthday surprise para sayo, pero mukhang siya ang na surprise mo," dagdag pa nito. "Teka ka nga, hindi ba may dysmenorrhea ka?" sinuri niya ito. "Wala akong dysmenorrhea . Ang totoo ay gawa-gawa ko lang 'yon at saka iniba ko' yung address ng cafe para mahirapan kang hanapin. Kailangan kasi ay wala ka habang inaayos namin itong surprise party ng asawa mo," paliwanag ni Lily. Naiintindihan na niya ang lahat ngayon. " Sige na sundan mo na 'yung asawa mo at mukhang need niya ng yakapsul at kaunting lambing mo," pagtataboy nito sa kanya. Tumalima naman siya. Nilibot niya ang sala pati kusina ay wala ito. Malamang na nasa kuwarto ito. Huminga muna siya ng malalim bago kumatok. "Zac, buksan mo ang pinto," Walang kumikibo. Patuloy siyang kumatok. "Zac, please mag usap tayo," tawag niya muli dito. Mukhang wala itong balak na pag buksan siya ng pinto. Ilang minuto na rin siyang kumakatok. Nagtampo siguro talaga ang mokong. Nangangawit na siya katatayo. Umupo siya sa tapat ng pinto at isinandal ang likod mula doon. Kung ayaw nitong pagbuksan siya ay hihintayin na lang niya itong lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD