Chapter Thirteen

1426 Words
TATLONG araw na ang lumipas ay naging busy na naman sa trabaho si Zac. Si Lily naman ay mukhang busy rin dahil hindi siya nito kinukulit. Naisipan niyang dalawin ang Lola Caridad at Tita Precila. Gusto niyang lalo pang mapalapit sa mga ito hindi lang, dahil sa kailangan para sa pagpapanggap nila ni Zac. Naranasan niya ang kasiyahan nang makasama niya ang mga ito. Pakiramdam niya totoong pamilya niya ang mga ito at walang halong pagpapanggap. Bukal sa loob niya. Nag taxi siya papunta sa tinitirhan ng mga ito. May kalakihan ang bahay ng mga ito kahit konti lang naman ang nakatira. Pagkababa sa taxi ay tinungo niya ang gate at pinindot ang door bell. Wala pang dalawang minuto ay may kasambahay na nagbukas ng gate. "Pasok po, Madam," anang katulong. "Salamat po," Nagtuloy na siya sa loob. Naabutan niya ang matanda na nakaupo sa pahabang sofa. Habang busy ang dalawang kamay nito sa pag gagantsilyo. Tila naramdaman nitong may tao kaya't nag angat ito ng paningin. "Hija, mabuti at napadalaw ka dito," bakas ang tuwa sa boses at mukha nito. Tumayo ito at nagbeso sa kanya. "Na miss ko po kayo," nakangiti niyang sabi dito. "May dala po akong Lumpiang sariwa," aniya at iminuwestra ang dalang paper bag. "Nag abala ka pa, hija," lumawak pa ang ngiti nito. "Maliit na bagay lang naman po ito," nahihiya niyang sabi. "Halina sa kusina para matikman na natin 'yang dala mo," pag aaya nito. Sumunod naman siya patungo sa kusina. Nadatnan nila ang ina ni Zac na may binibeyk na cake. "Precila, nandito ang apo ko," masiglang tawag nito rito. "Hi, hija mabuti at napadalaw ka," nakangiting baling nito sa kanya. Itinigil nito ang ginagawa at nakipag beso sa kanya. "Tamang-tama ang dating mo, hija. Nag bake ako ng cassava cake," "May pasalubong na lumpiang sariwa ang batang ito," anang matanda. Iyon talaga ang dinala niya dahil ayon sa source niyang si Zac ay paborito ng lola't ina nito iyon. Nag research siya sa internet kung paano gawin iyon at syempre sinigurado niyang masarap. "Mukhang mapaparami ang kain ko ngayon," ani Precila. Napakagaan ng loob niya dito. Pakiramdam niya ay totoo niya itong ina. Magkakatulong silang naghanda ng mga pagkain sa hapag. Na miss niya ang may kasabay kumain. Inilabas na ni Precila ang cake mula sa oven at inilagay sa mesa. Kumuha ito ng kutsilyo at hiniwa-hiwa iyon. Kumuha siya at inilagay sa plato. Amoy pa lang ay mukhang masarap na. Hindi nga siya nagkamali. Nang tikman niya iyon ay napakasarap. Napapapikit pa siya. "Masarap po itong Cassava cake, Tita Precila," komento niya. Napangiti naman ito. "Paborito 'yan ng unico hijo ko," Muli siyang sumubo. Parang paborito na rin niya ang Cassava cake nito. "Mama na lang ang itawag mo sa akin tutal naman ay kasal na kayo ng anak ko. Ituring mo na lang akong ina lalo na at wala na ang mga magulang mo," "S-salamat po, M-mama," nag uumpisa ng manubig ang gilid ng mga mata niya. Mababaw lang talaga ang luha niya lalo na't tungkol sa mga magulang niya. "H'wag kang mahihiyang lumapit kapag kailangan mo ng tulong," sabat naman ng matanda. Naantig naman ang damdamin niya sa mga ito. May parte na nako-konsensiya dahil nagpapanggap sila ngunit masaya siya dahil tinuturing siya ng mga ito na kapamilya. "Salamat po, Lola," Hindi na niya napigilan ang maging emosyonal. "O, siya nagkakaiyakan na tayo dito," ani Precila. Napangiti na siya. Maligaya siya. Sana lang ay pangmatagalang ligaya na. Matapos kumain ay nagpunta sila nito sa sala. Ayon sa matanda ay tuturuan siya nito mag gantsilyo. "Hindi ito madali sa una ngunit kapag nakuha mo na ang technique ay madali na lang," anang matanda. Binigyan siya nito ng mga materyales na gagamitin sa pag gantsilyo. Si Precila naman ay natuon sa pag buburda. Maganda ang pagkakagawa nito sa bulaklak. "May ginawa akong panyo na may nakaburdang pangalan mo," ani Precila. May kinuha ito sa mini cabinet na nilalagyan din ng ginagamit nito sa pagbuburda. Iniabot nito ang kulay pink na panyo. Namangha siya. Napakaganda ng pagkakaburda niyon. "Ang ganda po nito," tinanggap niya iyon. "Salamat po," mangha pa rin niyang tiningnan ang panyo. Patricia Montecillo ang nakasulat. Kung sana lang ay totoong Montecillo ako "May ibibigay din ako sayo, hija," singit ng matanda. Hindi rin ito papakabog. Inabot nito ang isang bonet na kulay pink. May mga design pang bulaklak. "Napakaganda naman po nito, Lola," puri niya sa matanda. Agad niyang isinukat iyon. "Bagay po ba?" baling niya sa mga ito. "Syempre bagay na bagay," sagot ng matanda. "Magaling pumili ang anak ko," ani Precila. "Hindi ba ma?" baling nito sa matanda. "Oo naman. Napakasimple mo hija pero hindi maipagkakaila 'yang ganda mo. Kahit hindi ka maglagay ng make up ay okay lang," nakatingin ito sa kanya habang sinasabi iyon. Sinusuri ata nito ang bawat facial features niya. Nakaramdam naman siya ng hiya. Hindi naman kasi siya sanay na pinupuri. May mga nagsasabi nga sa kanya na maganda siya lalo na noong nag aaral pa siya ngunit hinahayaan niya lang iyon. Hindi siya sanay na nakakaagaw ng atensyon ang hitsura niya. "Hindi naman po siguro. Hindi po kasi ako marunong maglagay ng make up," nahihiya niyang sabi. Natawa naman ang dalawa. "Tuturuan kita sa bagay na 'yan," ani Precila. "Excited na nga akong makita ang hitsura ng magiging apo ko. Okay lang kahit kanino magmana, tutal ay pareho namang maganda ang lahi niyo," singit naman ng matanda. Ito na naman ang walang kasawa-sawang topic! "Naku, ibibigay po' yon ng Diyos sa tamang panahon," wala sa loob na sabi niya para matapos na. Niyaya pa siya ng mga ito na mag karaoke. Mistulang naging disco sa sala. Natutuwa siya dahil may disco light ang mga ito. Pinatay ang ilaw at iyon ang ginamit. Tila mga bagets sina Precila at Lola Caridad. Umiindayog pa ang mga ito. Kahit hindi na pala ito gumimik sa labas. Bonding daw iyon ng dalawa. Naisip niya bigla ang kaibigan. Ano kaya kung kasama niya ito? Marami pa silang ginawa. Tumulong din siya sa paghahanda ng hapunan. "Kapag hindi ka busy, hija ay dumalaw ka lang dito. Marami tayong pwedeng pagkaabalahan," anang matanda. Kasalukuyan silang kumakain nito ng hapunan. Hindi na niya namalayan ang oras. Alas otso na ng gabi nang tingnan niya sa nakasabit na orasan. "Ayos lang ba kung dito ka na matulog," singit ni Precila. "Oo nga naman, hija. Isang gabi ka lang naman naming hihiramin sa apo ko," sabat naman ng matanda. Tila nag enjoy ang mga itong kasama siya. "Pumayag ka na," pamimilit pa ng matanda. Tumango naman siya na ikinatuwa ng dalawa. "Sige po," sino ba naman siya para hindi pagbigyan ang mga ito. ----------------------------- Nakahiga na siya sa kama nang mag vibrate ang cellphone niya. Dinukot niya iyon sa bulsa ng bag. Twenty unread messages! Mula kay Zac. May 10 missed calls pa. Nawala sa isip niyang ipaalam ang pagpunta niya sa bahay ng kamag-anak nito. Agad siyang nag compose ng message ngunit biglang tumunog ang cellphone. Si Zac ang tumatawag. Sinagot niya ang tawag nito. "Hello," "Where the hell are you?! Why are you not responding to all my calls and texts?!" may himig ng galit sa boses nito. "Relax lang. Nandito ako ngayon sa bahay niyo," mahinahong paliwanag niya. Tila alalang-alala kasi ito. "Next time, inform me asap kung aalis ka. I'm so worried about you," sermon nito. Na konsensiya naman siya. Nag alala pala ito. Uy, concern siya. Ang sarap naman! Agad naman sinaway ito ng kontrabidang isip niya "S-sorry nawala talaga sa isip ko. Nag enjoy kasi kami nina lola at mama," Narinig niya ang pag buntong hininga nito. "I'll fetch you," "Naku, h'wag na. Nakiusap kasi sila na dito muna ako matulog ngayong gabi," paliwanag niya. "What?!" "Ang kulit mo mister," naipaikot niya ang mga mata. "No. Susunduin kita," pagpupumilit nito. "Bukas mo na ako sunduin. Don't worry hindi ka nag iisa sa bahay na 'yan, kasama mo' yung invisible friend ko," pananakot niya. "What do you mean?!" galit na ito. "Yung friend ko na lumalabas tuwing ala una ng umaga. Kaya ikaw matulog kana kung ayaw mong magkita kayo," pananakot pa niya. "You're crazy!" tila napipikon na ito. "Goodnight," "Wait----" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil in-end call na niya iyon. Muli na namang tumunog ang cellphone niya. Si Zac ang tumatawag. Ang kulit mo Zacarias! Hindi na niya iyon sinagot pa. Sa halip ay pinatay niya ang cellphone para hindi na siya ma-contact nito. Natutuwa siyang pagtripan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD