Natapos na niya ang mga gawain sa bahay nang araw na iyon. Wala siyang magawa kaya pinili niyang manood na lang. Pumili siya ng magandang panoorin. Natigilan siya nang makita ang tape na binigay ni Lily sa kanya. Ayon dito ay napaka hot daw ni Zac sa palabas na iyon. Makikita raw ang mala-pandesal na abs nito. Wari'y naririnig niya pa ang boses nito habang kinikilig. Nangako naman ito na hindi na nito pagpapantasyahan ang asawa niya dahil kanyang-kanya na raw ito. Muli niyang tiningnan ang Cover ng lalagyan ng tape. Napakakisig nito roon. May katabi itong magandang babae. Si Katrina ang isa sa leading lady nito. Hindi naman ito ganun ka ganda nang nagsisimula pa lamang ito sa career. Obvious na may ipinabago ito. Nakaramdam siya ng munting inis ngunit dahil gusto niyang mapanood ang isa sa sikat nitong palabas ay isinalang na niya ang tape. Nag play na iyon. Action movie iyon. Inumpisahan sa batang si Zac. Di naglaon ay ipinakita na si Zac bilang mature version. Ginagampanan nito ang role ng isang body guard. Na kidnap ang anak ng isang billionaire businessman na ginagampanan naman ni Katrina.
Si Zac o 'Tyron' sa palabas ang naatasan na iligtas ang kawawang dalaga. Hindi madali ang naging pagliligtas nito sa dalaga dahil marami itong nakakalaban. May isang scene pa na nadaplisan ito ng bala sa braso. Nahiling niya na sana ay nasa palabas din siya para tulungan ito. Kawawa naman, pero ang guwapo pa rin ng mokong kahit duguan na ito.
Malapit nang matapos ang Movie. Nailigtas na nito ang kawawang dalaga. Hindi niya inaasahan na may kissing scene na magaganap.
Hinalikan ni Katrina o 'Sofia' sa palabas si Zac. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Nakaramdam siya ng inis at pagkaasiwa. Hindi naman siya sanay na nanonood ng mga naghahalikan. May pagka istrikto ang ama niya noong nabubuhay pa ito ay pinagbabawalan siya nitong manood ng mga ganung eksena. Hindi naman niya maialis ang mga mata sa screen ng tv. Kakaiba ang paraan ng paghalik nito sa babae. Mapusok. Sabay na gumagalaw ang mga labi ng mga ito. Nag eenjoy naman yata masyado ang mokong!
Ilang beses na siya nito na halikan ngunit hindi kagaya ng sa palabas. Banayad. Na parang ayaw siyang masaktan. Hindi niya napigilan ang sarili. Ibinato niya ang unan sa screen ng tv. Tinamaan iyon ngunit wala namang nangyari.
"Mga taksil" Hindi niya napigilang bulalas.
"Are you jealous?" anang tinig na nagmumula sa likuran niya. Kahit hindi niya lingunin ay alam niya kung kanino nanggagaling ang tinig na iyon.
"Ah, k-kanina ka pa ba d'yan?" Kanda utal niyang tanong dito.
"Good enough to hear what you've said,"
Nasa likod pala ito ng inuupuan niya. Basa pa ang buhok nito. Wala itong shooting ngayon kung kaya ngayon lamang ito bumaba. Huminga siya ng malalim at inabot ang remote control. Bakit bigla na lang itong sumusulpot? Muntik na siyang atakihin sa puso. Hindi niya namalayan na iyon din pala ang puntirya nito. Nagkadikit ang mga palad nila nang sabay na maabot ang remote control. Ang awkward!
Tila naman siya napaso at inalis ang kamay. Hinayaan niyang ito na ang mag patay ng telebisyon. Nang tingnan niya ito ay nakangiti ito sa kanya. Kakaiba ang kislap ng mga mata nito.
"You're jealous," Sabi nito na hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha.
"Assuming ka t'yong. Bakit naman ako magseselos?" Hindi niya ito matingnan sa mata.
"Ang mabuti pa ay kumain ka na at malamang gutom lang 'yan," pag iwas niya dito. Pumunta siya sa kusina kahit na wala naman siyang gagawin doon.
"I know you're jealous," pagpupumilit nito. Sumunod na pala ito sa kanya at inakbayan siya. Hindi na naman mapakali ang puso niya. Kung alam lang nito ang nangyayari sa loob niya. Ngayon niya lang ito naramdaman sa isang tao.
"Hindi nga sabi ako nagseselos. A-ang galing mo lang umarte at... nadala ako, 'yun lang' yun," pagdadahilan niya. Nalilito na talaga siya. Ito na ba ang tinatawag nilang love? Mahal na ata niya ito.
Inalis nito ang pagkakaakbay sa kanya at hinarap siya.
"Look at me, sweet heart,"
Hindi niya kayang tumingin dito. Baka kung ano pang mabasa nito sa mga mata niya. Iniangat nito ang kanyang baba gamit ang isang kamay nito dahilan para mag tama ang mga paningin nila. Unti-unting bumaba ang mukha nito sa kanya ngunit wala siyang balak na umiwas. Nalalanghap na niya ang hininga nitong amoy ng tooth paste na ginamit nito. Nang bumaba ang mga labi nito sa labi niya ay kusang pumikit ang mga mata niya. Malambot ang mga labi nito. Bahagyang gumagalaw iyon. Ilang sandali lang ay nag angat ito ng mukha. Napadilat siya at nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Tila napapahiya siyang nag iwas dito ng tingin. Baka pinaglalaruan lang siya nito. Tinitingnan kung bibigay siya dito. Akmang aalis siya nang hawakan nito ang braso niya.
"Ako ba first kiss mo?" tanong nito habang nakatingin sa kanya.
"H-hindi noh!" tanggi niya. Ito man ang unang nakahalik sa kanya ay hindi niya aaminin iyon dito baka lumaki pa ang ulo nito.
"You're not good at lying sweet heart," nakangisi na naman ito. Napakapilyo talaga nito!
"If not me, then who?" bigla itong sumeryoso.
Teka sino nga ba?
"Ahm.. Si ano si---Rick!" Hindi na niya na kontrol ang bibig niya. Nahalikan naman siya ni Rick noon ngunit sa noo at sa pisngi lang. Nagbago naman ang ekspresyon ng mukha nito.
"He's your first kiss huh!" nakakaloko na naman ang ngisi nito.
"He's not a good kisser, isn't he?"
"Ano ba'ng sinasabi mo?"
"Hindi ka niya naturuan ng right way to kiss,"
Seryoso ba talaga ang mokong na ito? Hindi talaga, dahil ikaw ang first kiss ko! Sigaw niya sa isip.
"I'll show you how to kiss properly, Sweetheart," anito sabay kindat sa kanya. Inaakit na naman ako ng mokong na 'to. God help me, please!
Akmang hahalikan na naman siya nito ngunit pinigilan niya ito. Kahit nahuhulog na siya dito ay pinigilan niya ang sarili.
"H' wag, Zac," pakiusap niya. Natigilan naman ito. Bahagya pang nakakunot ang noo.
"W-wala naman nakakakita sa atin. Hindi natin kailangan umarte," lakas loob na sabi niya dito. Tama naman iyon. Useless lang.
"Is that the only reason kaya ayaw mo?" tanong nito. Hindi niya ito sinagot. Akmang aalis na siya nang kabigin na naman siya nito sa bewang at halikan. Madiin ang pagkakalapat ng mga labi nito sa kanya. Pinilit niyang itulak ito ngunit hindi ito natinag. Gumagalaw ang labi nito. Pinanatili niyang tikom ang kanyang bibig. Ilang saglit lang ay nag angat ito ng mukha, ngunit hindi naman inalis ang mga brasong nakayakap sa bewang niya.
"It's real this time sweetheart. We don't have to act. I'm tired of doing that in my whole life, please believe me," nababasa niya sa mga mata nito na seryoso ito.
"T-totoo na ba talaga ito?" tila hindi pa rin siya makapaniwala.
"Totoo na po," nakangiti na sabi nito. Ang cute nito animo bata ang kausap.
Napapangiti na siya. Totoo na daw!
Muli nitong ibinaba ang mukha sa kanya.
Magkahinang na naman ang mga labi nila. Gumagalaw na naman ang mga labi nito. Ang dila nito ay pilit na gustong pumasok sa tikom niyang bibig. Huminto ito saglit.
"Open your mouth, Sweetheart," bulong ni Zac. Muling naghinang ang mga labi nila. Sa pagkakataong iyon ay ibinuka niya ang kanyang mga labi at hinayaang makapasok ang dila nito. Ginagalugad nito ang loob ng kanyang bibig. Tila ini-engganyo siyang gayahin ang ginagawa nito. Napakapit ang dalawang braso niya sa leeg nito at tumingkayad pa siya dahil may katangkaran ito. Tila sabik ang mga labi nila sa isa't-isa. Ganito iyong napanood niya kanina. Kakaiba ang pakiramdam niya. Tila may nabuhay sa kanyang damdamin. Hindi niya kayang ipaliwanag ang alam niya lang ay gusto niya ang nangyayari. Ayaw niyang ikumpara ito sa napapanood sa tv dahil hindi naman iyon totoo. Mas masarap pala kapag totoo. Hindi niya alam kung gaano katagal naghinang ang kanilang mga labi. Tumigil sila nito na parehong hinihingal.
"That's one of the best kiss I've ever had," hinihingal pang turan nito.
--------------------------------
Hindi maintindihan ni Tricia ang nararamdaman. Hindi pa rin siya maka-move on sa namagitan sa kanila ni Zac kanina. Alas d'yes na ng gabi ay gising na gising pa rin ang diwa niya. Paulit-ulit na nagrereplay sa utak niya ang naganap sa pagitan nila ni Zac. Alam niyang higit pa iyon sa crush. May mga naging crush naman siya noon ngunit di naglaon ay nawala rin ang nararamdaman niya. Bahala na. Kanina pa napapagod ang utak niya kakaisip. Inabot niya ang cellphone na nakapatong sa small cabinet sa gilid ng kama niya. May Message galing kay Lily. Tinatanong kung anong plano niya sa nalalapit na kaarawan. Hindi naman siya nagse-celebrate ng birthday mula nang mamatay ang mga magulang niya. Sinosorpresa lang siya ng Tiya Ligaya at ni Lily sa tuwing kaarawan niya.
Wala siyang plano. Isang linggo pa naman ang hihintayin bago iyon. Saka na lamang niya iyon iisipin.
Isinuot niya ang earphone sa magkabilang tenga at pinatugtog ang bagong paboritong kanta. 'Two is better than one ang naging theme song nila ni Zac. Napapangiti siya. Kung noon ay hindi niya iyon na a-appreciate ay iba na ngayon. Na aalala niya pa ang mukha ng guwapong lalaki habang kinakanta iyon.
Kinuha niya ang hotdog pillow at isinanday ang mga binti doon.
"Ano bang ginawa mo sa aking mokong ka!" aniya habang pinagkukurot ang hotdog pillow.
"H'wag ka sanang makatulog kakaisip sa akin," dagdag niya pa. Naisip niya lang ganun din kaya ito? Ano kayang ginagawa ng lalaking iyon ngayon?
----------------------------------
Habang sa kabilang silid naman ay may isang hindi rin makatulog. Kanina pa siya papalit-palit ng posisyon sa paghiga. Naiinis na naupo siya sa kama. Ilang beses na siyang hindi pinapatulog ng maayos ng babaeng iyon. Hindi naman sa iniistorbo siya nito ng personal ngunit inuokupa na nito ang isip niya. Mas lalong lumala dahil sa namagitan sa kanila nito. Pinabayaan niya ang sarili kanina. Hindi katulad kapag umaarte siya. Limitado lang ang kaya niyang ibigay. Muli na namang sumagi ang mukha nito. Iyong sabay silang kumakanta nito. So innocent. Iyong babaeng handa niyang protektahan kapag nasa panganib.
"What did you do to me, woman," inis na sabi niya. Hindi sinasadya nasipa niya ang maliit na cabinet. Nalaglag ang picture frame na nakapatong doon. Tinatamad na tumayo siya para kunin iyon. Hindi naman iyon nabasag dahil carpeted ang sahig ng kuwarto. Nang tingnan niya ay ang litrato nila iyon ni Katy. Mga teenager pa sila nito sa litrato. Ngayon lamang muli ito sumagi sa isip niya. Kumusta na kaya ito ngayon.
"I love you, Zac!" umiiyak na sigaw nito sa bintana ng papalayong sasakyan.
Maging siya man ay mugto na rin ang mga mata. Nagbakasyon ito sa Pilipinas upang samahan ang Lola nito. Naging magkasundo sila nito. Umamin itong gusto siya nito unang kita pa lang nito sa kanya. Maging siya man ay ganun din ang nararamdaman para dito.
Ngunit pansamantala lamang ang pagtira nito sa Pilipinas. Hindi pumayag ang mga magulang nito na tumira ito sa Pilipinas. Wala ring nagawa ang dalaga.
"I love you too!" sigaw niya rin. Hindi niya alam kung narinig pa nito iyon.
Napailing na lang siya. Marahil ay masaya na ito sa Canada at nakatagpo na ng ibang lalaki. Ilang taon na ang lumipas ay wala na siyang naging balita pa dito. Nahiling niya na sana ay nasa maayos itong kalagayan. Itinago niya sa drawer ang litrato. Nagpasya siyang lumabas ng kuwarto. Napatigil naman siya sa nakasaradong pinto ng kuwarto ni Tricia. Nangingiting tinungo niya ang kusina. Binuksan ang ref at kumuha ng malamig na beer. Magpapaantok siya.