Chapter Eleven

2111 Words
"Sa palagay ko'y tama na ang mga ito," tukoy niya sa mga groceries item na nasa cart. Halos punong-puno na iyon. Kasalukuyan silang namimili nito sa isang grocery store sa loob ng isang malaking mall. May mga napapansin siyang natitigilan kapag nakakasalubong ito. Marahil ay namumukhaan nila si Zac. May ilan pang kinukuhaan ito ng picture. Ito ang nagtutulak ng cart at karamihan sa mga item ay ito ang pumili. "Kailangan marami tayong stocks. Knowing you, palaging palpak ang luto mo," Hindi niya maintindihan kung nang aasar ba ito pero nakaramdam siya ng pagkainis. Alam niya naman na isa iyon sa mga weakness niya. Medyo aligaga na nga siya at baka mapahiya siya sa Lola Caridad at Mommy nito. "Bakit ang tahimik mo?" untag nito. Bumuntong hininga na lamang siya at nagpatiuna na. "Is there any problem?" Hindi niya ito pinansin. Naiinis pa rin kasi siya dito. Hinila nito ang braso niya dahilan para mapatigil siya. Lumingon siya dito. Seryoso naman itong nakatingin sa kaniya. "Umuwi na tayo," iyon lang at tumuloy na siya sa counter para bayaran ang mga pinamili. Ayaw niya itong pasamahin ngunit nagpumilit ito. Nang sila na ang magbabayad ay tinulungan siya nitong ilapag sa counter ang mga item. Hindi naman kaagad nakakilos ang cashier. Tila nahihipnotismo itong nakatingin kay Zac. Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito. Tila nahiya naman ito at sinimulang i-punch ang mga item habang pa simpleng tinitingnan ang huli. Nang makasakay sila sa kotse nito ay hindi pa ito nag drive. "Are you still mad at me?" baling nito sa kanya. Sinimangutan niya lang ito at hindi kinibo. "Please, talk to me," hinawakan nito ang isa niyang kamay. Diretsong nakatitig sa mga mata niya. Mukha naman itong sincere. "Look, kung tungkol pa rin ito dun sa nangyari the other day, I apologize" seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kanya. "S-sige na" sagot niya. "Pinapatawad mo na ako?" manghang tanong nito. "Oo na," inirapan niya ito ngunit nginitian din naman. "Thank you so much, Sweet heart," bahagya siyang nagulat nang halikan nito ang kamay niyang hawak nito. May kung anong enerhiyang hatid ang mga labi nito. Pigilan niyo ako. Kinikilig ako! Iyon lang at masaya itong nagmaneho. ------------------------------------- Inihanda na niya ang gagamiting mga ingredients para sa lulutuing pagkain sa pagdating ng ina at lola ni Zac. Magkatulong sila nito sa pagluluto. "Garlic muna ang ilagay mo," turo nito. Nakuha na nito ang dinikdik na bawang at ito ang naglagay sa mainit na kawali na may mantika. Plano nilang iluto ang kare-kare na paborito ng lola ni Zac. Isinunod naman nila ang paborito ng ina nito na Garlic chicken butter. Natutuwa siyang pagmasdan ito. Napa cute nito. Para itong kabilang sa palabas na Master chef. Tila may naligaw na isang machong kusinero. Napapangiti siya habang naghahanda ng ingredients ng isusunod nilang iluluto. Tila napakagaan ng paligid. Gusto niya ay palagi silang ganito. Magkatuwang sa pagluluto at iba pang gawaing bahay. Kung hindi lang siguro sila nagpapanggap nito ay perfect na ang lahat. "Ouch!" Napahiyaw siya ng hindi sinasadya ay nahiwa ang kanyang daliri. Nang tingnan niya ay umagos ang dugo mula dito. "What's wrong?" nag aalalang tanong nito. Nakalapit na ito sa kanya. "Ah, wala ito malayo sa bituka," "May I see," pagpupumilit nito. Kinuha nito ang kamay niya at tiningnan ang sugat. Maliit lang naman iyon. Nagulat siya nang isubo nito ang daliri niyang may dugo. Sinipsip nito iyon. Animo nahihipnotismo siya sa ginagawa nito. "Still bleeding," Sabi nito nang tanggalin at tingnan ang daliri niya. May kinuha ito sa cabinet. Inabot muli nito ang daliri niya at nilagyan ng band aid. "here" pagkuway sabi nito. Kapag ganito ito palagi ay maiinlove na talaga siya dito. Medyo nabawasan na kasi ang pang aasar nito. -------------------- "Welcome 'ho," bati niya sa pagdating ng Lola at ina ni Zac. Pawang mga nakangiti ang mga ito. Nagbeso siya sa mga ito. "Nice to see you," ani Precila. Tila hindi ito umi-edad. "Kumusta naman kayong mag asawa?" nakangiting turan ng matanda. "Ayos lang po," magalang niyang sagot. Iginiya nila ang mga ito sa sala. "May kalakihan pala itong nabili mong bahay, apo," baling nito kay Zac. "Yeah, it has 3 bedrooms available" "Naku, edi ready na pala ang magiging kuwarto ng mga apo ko pagnagkataon," singit naman ng ina nito. Napakamot na lang siya sa leeg. May tatlong kuwarto ang bahay ngunit isa lamang ang bakante dahil tig-isa sila ni Zac ng kuwarto. May bakante pa nga para sa magiging apo nito. Mag tigil ka! Saway ng kontrabidang utak niya. "Yup! Mom, ito na lang asawa ko ang hindi pa ready," bago nakangising tumingin sa kanya. Pinandilatan niya ito. Nasisiraan na ba ito? Ayaw niyang mapasubo sa ganung topic dahil baka umasa ang mga kamag-anak nito at sa huli ay hindi nila mapanindigan. Nakangiti naman ang mga ito. "Gusto ko na ngang magkaroon ng apo at hindi na ako bumabata," anang matanda. Tila naman siya binundol ng kaba. Nauumid ang dila niya sa ganung usapan. "H'wag nating i-pressure ang mag asawa, ma" sabad ni Precila. Pilit na ngiti lang ang ibinigay niya sa mga ito. "Ang mabuti pa po ay kumain na tayo. Alam naming napagod kayo sa biyahe at malamang ay gutom na rin," pag aya niya sa mga ito at baka kung saan pa mapunta ang usapan. "Inalalayan ni Zac ang matanda. Nang makaupo ito ay ipinaghila naman siya nito ng upuan at tumabi sa kanya. "Aba't napakadaming putahe naman nito," natutuwang sabi ng matanda. Nagsimula na silang kumain. "You have to eat more, sweet heart" ani Zac at nilagyan ng kanin ang plato niya. "Napakarami na nito," tanggi niya ngunit inilagay pa rin nito iyon sa plato niya. Nakamasid naman at naaaliw ang dalawa sa kanila. "Ikaw din kumain ka ng marami," aniya at dinagdagan ang pagkain nito. Kanina pa ito hands on sa pag aasikaso sa kanya. "Ganyan din kami ka sweet ng ama mo nang bagong kasal kami," nakangiting sabi ni Precila. Tila naman siya natauhan. Kulang na lang ba ay subuan siya nito. Nasobrahan na yata ito sa pag acting. Tila naman nabawasan ang kilig niya nang maisip iyon. Umaarte nga pala sila nito dahil nandito ang lola't ina nito. "Napakaswerte ng anak ko sayo, hija," nakangiting sabi ni Precila. Sa kanya ito nakatingin. Kiming ngiti naman ang ibinigay niya dito. Swerte talaga ang mokong na ito sa akin. Napakasipag ko kaya. "We're lucky to have each other," sabad naman ni Zac. Nang tingnan niya ito ay nag tama ang mga paningin nila. Parang na magnet siya. Kanina niya pa napapansin ang pagiging sweet nito actually kahapon pa nang patawarin niya ito. Naging magana ang tanghalian. Pagkatapos ay nagyaya ang Lola ni Zac na mag karaoke. Mahilig pala itong kumanta. Naka set na ang karaoke player. Inabot niya sa matanda ang mic. Hindi pa man nag uumpisa ay nakangiti na ito. Kinanta nito ang 'I won't last a day without you' ng the Carpenters. Day after day.. I must face a world of strangers Where I don't belong. I'm not that strong... Napakabanayad ng boses nito. Hindi niya ini-expect na ganun ka ganda ang boses nito kahit may edad na. When there's no getti'n over that rainbow.. Napa pa-cheer sila ng ina ni Zac. Masaya ang pakiramdam niya dahil unti-unti niyang nakikilala ang mga ito. Medyo maluha-luha pa ito nang matapos. Ayon dito ay theme song daw nila ng yumaong asawa ang kanta. "Kayo naman ang kumantang dalawa," inabot ng matanda ang microphone sa kaniya. "Iyong theme song niyo," dagdag pa nito. Napatingin siya sa song book. Mahilig siyang kumanta ngunit hindi niya alam kung may hilig din ba ang kanta sa kanya. Palaging sinasabi sa kanya ni Lily na palitan na niya ang talent niya. Nakaramdam siya ng konting nerbyos. Ayaw niyang mapahiya siya sa mga ito. "Let me choose," nakalapit na pala ito sa tabi niya. Dahil nakatuon ang mata nila sa song book ay napakalapit ng mukha nila sa isa't isa. Nalalanghap na niya ang mabangong hininga nito. "Here, ito ang theme song natin," bulong nito sa kanya habang naka turo ang hintuturo sa isa sa mga nakasulat na kanta. 'Two is better than one' by Boys like girls feat. Taylor swift. Alam niya ang kantang iyon. "Are you familiar with that song?" bulong na tanong nito. "Mga apo masyado na kayong sweet. Baka langgamin tayo," pang aasar ng matanda. Kahit may edad na ay napaka-cool nito. Nahiya naman siya. "Oo ito na lang," pag sang ayon niya. Sinimulan na nitong I-play ang kanta. Tig isa sila ng mic na gamit. Animo magpe-perform talaga sila dahil pinatayo pa sila ng lola't ina nito. Nagsimulang tumugtog ang intro ng kanta. I remember what you wore on the first day... You came into my life and I thought hey.. You know, this could be something.. Hindi nalalayo ang boses nito sa original singer. Hindi ito tumitingin sa Screen ng tv dahil kabisado nito ang lyrics ng kanta. May panibago na naman siyang nadiskubre dito. Hindi lang pala sa acting ito magaling maging sa pagkanta rin. Nang mag chorus ay sinabayan na niya ito. Mas nangingibabaw ang boses nito. Kabisado niya rin ang kanta kahit noon niya pa ito napakinggan. So maybe it's true huh..huh.. that I can't live without you... and maybe two huh..huh.. Is better than one... Magkatapat sila nito. Magkahinang ang mga mata. Parang nasa ibang dimensyon sila nito. Pakiramdam niya ay sila lamang dalawa ang tao roon. Now it's her turn. I remember every look upon your face.. [Tricia] The way you roll your eyes The way you taste.. You make it hard for breathing..[Zac] Cause when I close my eyes and drift away.. I think of you and everything's okay I'm finally now believing..[Tricia] Muli silang sabay sa Chorus. Naririnig niyang pumapalakpak ang lola't ina nito. Parehong abot tenga ang ngiti. Nahahawa siya sa ganda ng boses nito. Nagbe-blend ang boses nila sa chorus at magandang pakinggan. Two is better than one... Sabay na bigkas nila sa huli. Nakatingin pa rin sila nito sa isa't isa. Hindi siya nakahuma nang hatakin siya nito sa beywang at halikan ang nakaawang niyang labi. Naramdaman niya ang mainit nitong labi. Diniinan pa nito ang pagkakalapat niyon. Mistulang tinatambol ang kanyang dibdib dahil sa lakas ng pagtibok nito. Animo'y nagbalik sa pagiging teenager sina Precila at Lola Caridad... Nagtitili at palakpakan ang mga ito. Siya naman ay nanlalaki ang mga mata at tila kinakapos ng hangin ang dibdib nang pakawalan nito ang mga labi niya. Nakangiti naman ang mokong nang humarap sa lola't ina nito. Inakay siya nito para umupo. "Two is better than one, pero mas better kung magkaka-apo na ako," hirit ni Precila. Nakangisi ito sa kanilang dalawa nang makaupo sila. Ano ba'ng ginagawa sa akin ng lalaking ito? Diyos ko, nahuhulog na ata ako sa kanya "You're cute when blushing" bulong ni Zac sa kanya. Lalong uminit ang mukha niya. Hindi na siya makatingin ng deretso dito. Cute daw ako! Umaariba na naman ang malanding bahagi ng isip niya. ------------ Matapos maghapunan ay nagpasya nang umuwi ang ina at lola ni Zac. Sinundo ang mga ito ng family driver. Kumaway pa silang pareho habang tinatanaw ang papaalis nitong sasakyan. Nakaakbay ito sa kanya. Hinalikan nito ang noo niya. "Let's get inside," anito at iginiya na siya papasok sa loob. "Hoy, Zacarias, kanina ka pa halik nang halik," hindi na nakatiis na sita niya rito. "Because you're my wife. Alangan namang iba ang halikan ko," tila balewalang sagot nito. Aba! Nangangatwiran pa talaga Hay, naku nababaliw na ba ang lalaking ito? Naninibago siya rito dahil napaka-sweet nito. Bigla ay may naalala siya. Sinundan niya ito. Paakyat na ito sa hagdanan. "Pwede ba, h'wag mo ngang paasahin ang Lola Caridad at Tita Precila tungkol sa pagkakaroon ng apo," Kung inaasar man siya ng mga ito kanina ay hindi talaga nakakatuwa. "What's wrong with that? Natural lang na mag expect sila ng apo because we're married," sagot nito pero patuloy pa rin sa pag akyat. "Nasisiraan kana ba? Wala 'yon sa kontrata natin!" bulyaw niya rito. Narating na nito ang tuktok ng hagdan. Siya naman ay huminto sa harap nito. "Let's add it then," sabi nito na may pilyong ngiti. Kumindat pa ito sa kanya. Nakuha pang mang akit ng mokong "Zacarias, nababaliw kana talaga!" sigaw niya. Kinikilabutan na siya rito. Mabilis siyang tumakbo papasok sa kuwarto at inilock iyon. Sa takot na sundan siya nito. Sapo niya ang dibdib nang makapasok sa silid. Tila ibang Zac na ang kasama niya nitong mga nakaraang araw. May pagka bipolar ba ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD