Chapter Ten

1209 Words
Lumapit ito sa kinaroroonan nila at walang anu-ano'y hinablot ang kamay niyang hawak ni Rick. Nagulat siya sa inasal nito. Napatayo siya dahil sa pagkakahablot ng kamay niya. Hindi nito iyon binitawan at kinabig ng isa nitong kamay ang bewang niya. Parang napigil ang kanyang paghinga nang magkadikit ang kanilang mga katawan. "Ah, Zac dumating ka na pala", ani Lily at pilit na ngumiti. Mistulang may tensyong namumuo. Nagkatitigan ang dalawang lalaki. "Why are you holding my wife's hand?" Zac said in an angry voice. "I'm sorry, I am not aware that she's already married", Rick said. Napabuntong hininga naman ito. "Z-zac si R-rick ang best friend ko", pakilala niya. Medyo humigpit pa ang hawak ni Zac sa bewang niya. Ano ba ang problema ng kumag na ito? "Si Zac--- "I'm her husband ", putol nito sa sasabihin niya. Bigla ang pagbabago ng mukha ni Rick. "Nice to meet you," ani Rick. "Baka gusto niyo naman tikman itong Mocha chiffon cake na dala ko," singit ni Lily. Mukhang walang narinig ang mga ito. Tumingin sa Rick sa relong pambisig bago tumayo. Si Zac naman ay hindi pa rin natitinag. Hapit pa rin nito ang kanyang bewang. "M-mabuti pa nga siguro kung kumain muna kayo-- "I'm sorry but I have to go," Ani Rick. Lumakad na ito patungo sa pinto. Akmang susundan niya ito para sana ihatid man lang kahit sa may pinto ngunit pinigilan siya ng kamay ni Zac. Matalim siya nitong tiningnan. Pinandilatan naman niya ito. Malakas na talaga ang tama nito sa utak! " Kailangan ko na rin pa lang umalis," sabi ni Lily. "Seloso pala yang mister mo," bulong nito bago kumaripas na nang lakad palabas. Selos? Si Zac nagseselos? Nang makalabas ang dalawa ay agad naman siya nitong binitawan. Inirapan niya ito ng matindi. "Ano bang problema mo?" kompronta niya dito. Naiinis lamang siya dahil binastos nito ang mga bisita niya. "What do you want me to do?" singhal nito. Masama pa rin ang mukha nito. "Sana pinakitunguhan mo siya nang maayos. Bisita ko siya," naiinis na talaga siya. "Hawak niya ang kamay mo. Baka nakakalimutan mo na kasal tayo," galit pa ring sabi nito. Lumakad na ito patungo sa hagdan. Sinundan niya ito. "Hindi naman tayo totoong kasal. Fake yung kasal natin," gusto niyang ipamukha iyon dito. Kung makaasta ito kanina ay akala mo totoong asawa siya nito. "Sa mata ng mga taong kakilala natin ay totoo ang kasal natin at mag asawa tayo," galit pa rin ang tinig nito. "Don't even try to cheat on me," he added. Mabilis itong umakyat at tumuloy sa kuwarto nito. Hindi na niya ito Sinundan pa. Hmp! Ang kapal niya! Nanggagalaiti talaga siya dito. Kung makaasta ay akala mo pinagtaksilan talaga niya ito. May maliit na bahagi ng utak niya ang tila natutuwa pa sa inasal nito. Agad naman niyang winaksi iyon. Kahit saang angulo tingnan mali ang ginawa nito. Iyon ang pilit niyang itinatak sa isip. [Zac] Hindi maintindihan ni Zac ang sarili. Kanina pa siya nakahiga sa kama at pinipilit na matulog. Hindi siya mapakali. Bumaling siya sa kaliwa. Mabilis na bumaling din pakanan. Naiinis na umupo siya at gigil na ginulo ang sariling buhok. Kanina pa niya pinipilit na iwaglit sa isip si Tricia. Naalala niya ang mala-Anghel nitong mukha. Hindi niya makalimutan ang eksena nang madulas ito at makubabawan niya ito. Batid niyang medyo nasaktan ito dahil bahagyang nalukot ang mukha nito. Siya naman ay nakatingin sa mapulang labi nito na bahagya pang nakaawang. Wari'y hinihipnotismo siya at bahagyang nawala sa focus. Nakita niya ang pagpikit nito. Nag aanyaya naman ang mapupulang labi nito. Tila may naguudyok sa kanya na halikan ito. Gumalaw ang isa niyang kamay papunta sa pisngi nito. Gusto na niyang tawirin ang pagitan ng kanilang mga mukha ngunit may bigla na lamang sumigaw sa di kalayuan. Nakaramdam naman siya ng malaking panghihinayang. Damn! Ano ba itong nangyayari sa kanya. Ilang araw niya itong iniwasan nang dahil naguguluhan siya sa naramramdaman niya kapag nakikita niya ito. Sumusukong humiga na lang siya. Kanina pa niya pinipilit ang utak na mag isip ng iba ngunit sa tuwing gagawin niya iyon ay sumisingit ang nakangiting mukha nito. Kinuha niya ang isa pang unan at sinandayan iyon. Bumalik sa isip niya ang nangyari kanina. Pag pasok niya ay nabungaran niya ito at kahawak ng kamay ang kung sino mang poncio pilato. Base sa obserbasyon niya ay may kung anong namamagitan sa mga ito. Nakaramdam siya ng galit. Hindi naman siya ganun. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay may pag-aari siyang kinukuha sa kanya. Am I jealous? Argh! Naiinis siya sa naisip. Sinabunutan niya ulit ang sarili. Nababaliw na siguro siya. May bahagi ng isip niya ang kumukontra. It's a normal reaction because we're married anang kabilang isip niya. Hanggang sa makatulog ay ang maamong mukha pa rin nito ang nakikita niya. Napasimangot si Tricia nang matapos na niya ang mga gawain bahay. Kung tutuusin ay napaka konti lang naman ng mga gawain. Marami pa siyang libreng oras. Umupo siya sa sofa at kinuha ang cooking book na binabasa niya. Pag buklat niya ay nahulog ang isang papel. Awtomatikong dinampot niya iyon. Forever Cafe! Naalala niyang binigay sa kanya iyon ni Lily. Nagkaroon siya ng ideya. Kung pumasok na lang kaya siya bilang service crew. Dagdag income din iyon. Gusto niya rin sanang makaipon at ituloy ang naudlot niyang pag aaral. Pangarap niyang maging chef Kung di nga lamang yumao ang kanyang mga magulang. Bigla ay nakaramdam siya ng lungkot. Kung nabubuhay pa siguro ang mga ito ay hindi ito mangyayari sa kanya. Sumagi sa isip niya at Tiya at Tiyo niyang nanloko sa kaniya. Gusto niyang mag bayad ang mga ito. Ayaw naman niyang makulong ang mga ito. Eh kung pagbayarin ko kaya sila? As in literal na pera. Singit ng isang tinig sa isip niya. Magandang ideya nga ang kaso ay saan naman kaya sila kukuha ng ipangbabayad. Napabuntong hininga siya. Kailangang makagawa siya ng paraan. Hindi naman maaaring pabayaan niya lamang ang ginawa ng mga ito sa kaniya. Nasa ganun siyang pag-iisip nang tumunog ang telepono. Mabuti pa sigurong humingi siya ng payo sa kaibigan niyang si Lily. Lumapit siya sa pinapatungan niyon at inabot ang awditibo. "Hello," sagot niya. "Hija nagpaplano kaming bumisita d'yan," anang tinig sa kabilang linya. Nabosesan niya ito ang Lola Caridad ni Zac. "T-talaga po?" gulat na sa niya. "Ang plano namin ay ngayon sana kaya lang ay may dumating akong bisita," bakas ang excitement sa tinig nito. "Bukas ay siguradong bibisita kami d'yan," pagkukumpirma nito. Mga alas d'yes ng umaga," dagdag pa nito. Patay! Bakit ba nila naisipang bisitahin sila? "D'yan na rin kami manananghalian. Miss ko na ang apo ko," patuloy nito. Siya naman ay nag iisip kung ano ang mga dapat gawin. "Hija nand'yan ka pa ba?" tanong nito nang matahimik siya sa linya. "O-opo," sagot niya. "O sige, magpapaalam na ako," anito. "H-hintayin na lang po namin kayo," aniya. Iyon lang at binaba na nito ang telepono. Ibinaba na rin niya ang telepono. Kailangan malaman ito ni Zac. Nasa'n na ba ang mokong na iyon? Speaking of the devil. Kababa lamang nito sa hagdan. Magulo ng bahagya ang buhok nito. Halatang bagong gising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD