Chapter Nine

1417 Words
Nagdidilig siya ng halaman nang bigla na lang may sumulpot na bulto sa may tagiliran niya. "Ay!" gulat na bulalas niya. Sa sobrang gulat niya ay naitutok niya ang hose dito. "Ano ba!" reklamo nito. "Itigil mo 'yan!" saway nito. "S-sorry," aniya ngunit huli na. Naagaw na nito ang hawak niyang hose at itinutok iyon sa kanya. Nagtatakbo siya para hindi nito mahabol. Nabasa na ang suot niyang damit. Todo iwas niya ngunit pilit siya nitong hinahabol. "Tama na Zac!" Pero mistulang wala itong walang naririnig. Naisip niyang makipag-agawan dito ng hose tutal naman ay basang-basa na rin siya. "Akin na 'yan!" tukoy niya sa hawak nitong hose. Akmang hahablutin na niya ngunit maagap na naiwas nito. Ngunit hindi siya nagpapigil. Nang mahawakan niya ang hose pilit niyang hinila iyon ngunit hindi nito binibitawan. Nang mapaatras siya ay dumulas ang paa niya dahilan para mawalan siya ng balanse at bumagsak sila pareho. Dahil hawak pa rin ni Zac ang hose ay nahatak niya ito. Ang resulta. Nakatihaya siyang bumagsak habang nakukubabawan siya nito. Hindi siya agad nakahuma. Naramdaman niya ang masakit na puwet dahil sa paglagapak nito sa sementadong sahig. Halos gahibla na rin lang ang pagitan ng mga mukha nila. Nagtama ang kanilang paningin. Napansin niyang bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi. Unti-unting naipikit niya ang mga mata sa pag-aakalang hahalikan siya nito. "Ay! Kabayong nakapatong!" isang tili na nag pabalik sa kanya sa katinuan. Namalayan niyang umalis na ito mula sa pagkakadagan sa kanya. Si Lily naman ay nanlalaki ang mga mata habang nakatakip ang isang kamay sa bibig nito. Gulat na gulat ang hitsura. "Tricia, nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Zac. Inalalayan siya nitong makatayo. "A-ayos lang," aniya ngunit hindi niya mapigilang mapangiwi nang maramdamang kumikirot ang kanyang siko. "May sugat ka" anito nang makita ang nagdudugo niyang siko. Halata ang pag aalala sa guwapo ng mukha nito. "Halika na sa loob para magamot na 'yan kaagad," Inalalayan siya nito hanggang sa makapasok sila sa loob. "May nangyari ba? - - I mean anong nangyari sayo Tricia?", tanong ni Lily medyo may himig na ito ng pag aalala. Kasunod nila itong pumasok sa loob ng sala. Inalalayan siya ni Zac sa pag upo. "Nadulas lang", sagot niya dito habang sinisipat ang may galos niyang siko. May gasgas iyon at nag dudugo pa. Umalis si Zac at di rin nagtagal ay bumalik ito bitbit ang first aid kit. Ipinatong nito ang dala sa ibabaw ng center table. "May ibibigay sana ako sayo, Tricia", singit ni Lily. Ipinatong nito ang isang flyers sa ibabaw ng mesa. Inabot niya iyon at binasa. Forever Cafe is looking for service crew. "Hindi na ako magtatagal. Pagisipan mo", ani Lily sabay kindat. Nagpaalam na ito kay Zac. "What's that?" tuloy nito sa hawak niyang flyers. "Ah wala ito," bale walang sagot niya. Tinupi niya iyon at inipit sa table. Ano ba naman ang gagawin niya dun eh sinasahuran naman siya ni Zac. Naguguluhan siya Kay Lily. Weird talaga ang friend niyang iyon. Pero kung sa bagay pwede ring extra income. "Aray!" daing niya nang dampian nito ng bulak na may alcohol ang sugat sa siko niya. "Huwag kang malikot," saway nito. Hindi niya kasi maiwasang mamilipit sa hapdi kapag idinadampi nito ang bulak na may alcohol. Nang ihipan nito ang sugat niya ay hindi na niya naramdaman pa ang hapdi. Napatitig siya sa guwapong mukha nito habang iniihipan ang sugat niya. Hindi maiwasan ang pagsibol ng kakaibang damdamin niya para dito. Ang akala niya ay puro kakulitan lang ang alam nito. Na palagi na lang siyang gustong inisin nito. Pero iba ang Zac na kaharap niya ngayon. Napakamaalalahanin din pala nito. Lalo siyang nasasabik kung ano naman kaya ang bagong madidiskubre niya tungkol dito. Kahit aminin man niya o hindi ay nahuhulog na ang loob niya dito. "May problema ba?" untag nito. Tumigil na pala ito sa pag-ihip sa sugat niya at nakatitig na sa kanya. "H-ha? W-wala," kanda utal niyang sabi bago iniwas ang tingin dito. Ngumiti ito. Iyong ngiting nang-aasar. "Bakit kanina mo pa ako tinititigan? Nagagwapuhan ka ba sa akin?" "H-hindi no?" "Bakit lagi kitang nahuhuling nakatingin sa akin?" pag-uusisa pa nito. "A-ano kasi...kasi" nai-inlove na ata ako sayo. Nag-iwas siya ng tingin. "Kasi?" naiinip na tanong nito. "Nagugutom na ako," aniya bago tumayo at patakbong tinungo ang kusina. Nahahalata na ba siya nito? "ANG LAKI nang ipinagbago nitong bahay," komento ni Lily. Dinalaw siya nito. "Kumusta naman ang buhay may asawa? Halos isang buwan na rin mula nang ikasal kayo ni Zac. Wala pa ba kayong plano na magka baby?" sunod-sunod na tanong ni Lily. "B-baby?" "Oo, hindi ba iyon naman ang sunod na pinaplano ng mga mag-asawa matapos ang kanilang kasal?" Pinanuyuan siya ng lalamunan. Hindi siya sanay na maghabi ng kwento lalo pa't matalik na kaibigan niya ito. Ito ang naging karamay niya simula nang mamatay ang kanyang mga magulang. Nakagat niya ang pang ibabang labi. Sa pagkakataong ito ay kailangan na naman niyang magsinungaling dito. "O bakit ka natahimik?" untag nito. "W-wala. May iniisip lang ako," palusot niya. "So, mabalik tayo. Pinaplano niyo na ba ni Zac na magkaroon ng maliliit na chikiting—oh, baka naman may nabuo nang fetus d'yan sa— "Wala!" bulalas niya. Naririndi na siya sa mga pinagsasabi nito. Natigilan ito. "A-ang ibig kong sabihin. Wala pa sa plano namin ni Zac ang magkaroon ng anak. Masyado pa siyang busy sa career niya," pagdadahilan niya. Nagi-guilty na talaga siya sa patuloy na pagsisinungaling niya dito. Tatlong araw na nga niya itong iniiwasan mula nang mahuli siya nitong nakatitig dito. Kapag Alam niyang nasa sala o kusina ito ay nagkukulong lamang siya sa kuwarto. "Ganun ba." anito. Magsasalita pa sana ito ngunit natigilan nang may mag-door bell sa pinto. "Naku, baka ang asawa mong si Zac na 'yan," excited na sabi ni Lily. Dalidaling tinungo nila ang pinto. Hindi si Zac ang dumating kundi ang napakaguwapong si Rick. Nakasuot ito ng black polo shirt. Tinernuhan iyon ng itim din na jeans. Bumakat tuloy ang matipunong pangangatawan nito. "Rick!" aniya at dali-daling binuksan ang pinto. "Hi, Tricia," nakangiting bati nito. "Pasok ka" anyaya niya rito. Niluwagan niya ang bukas ng pinto para makapasok ito. "Hi, Rick, nice to see you again," ani Lily. Kababata nila ito ni Lily "For you," ani Rick sabay abot ng pumpon ng mga bulaklak. Red roses ang mga iyon. Ngayon niya lang napansin na may dala pala itong bouquet ng red roses. "S-salama— Akmang aabutin na niya ang mga iyon nang unahan siya ni Lily. "Ang sweet mo naman, Rick" ani Lily. "Kaya lang may papa Zac na itong si Tricia," "Papa Zac? You mean may boyfriend na siya?" nagtatakang tanong nito. "A-ano kasi— Inunahan na naman siya ni Lily. "Hindi lang boyfriend may asawa na siya. Kaya para hindi naman masayang itong mga bulaklak ay ako na ang tatanggap nito," Ngalingaling batukan na niya ito. Mukhang tinamaan kay Rick ang baliw niyang bestfriend. "Ganun ba? " ani Rick. Biglang napalis ang ngiti nito. Mukhang nagulat ito sa nalaman. Hindi lingid sa kanya na may patingin ito noon. Umamin ito tungkol sa naramramdaman nito ngunit tinanggihan niya at sinabi ng maging magkaibigan na lang muna sila dahil mga bata pa naman sila at nag aaral pa. Gayunpaman ay hindi naman nagbago ang turingan Nila nito. Matalik na magkaibigan pa rin ngunit may pagka extra sweet nga lang pagdating sa kanya. Nagkahiwalay sila nito nang lumipat ito at ang mga magulang sa Canada. Nandun kasi ang business ng pamilya nito. "Yung flyers na binigay ko sayo, Tricia, kay Rick iyon galing. Hindi ko lang nasabi sayo," singit ni Lily para maiba ang topic. "Ah, ganun ba? Hindi pa ako sigurado," aniya. Gusto niya sanang magka roon ng iba pang pagkakakitaan para makaipon. "It's alright," singit ni Rick. Just let me know once you're ready and that position will always be available for you, " he said in a sincere voice. " Thank you, Rick, " aniya bago ngumiti dito. Ginagap nito ang palad niyang nakapatong sa ibabaw ng center table. Si Lily naman ay napapailing na lang. Alam niyang noon pa man ay malakas na ang tama ni Rick kay Tricia. Malakas na kalabog ang umagaw sa pansin nilang tatlo. Napatingin sila sa bagong dating na si Zac. Madilim ang mukha nito at titig na titig sa kamay niyang hawak pa rin ni Rick.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD