Nagtungo siya sa labas ng building ng pinagtatrabahuhang TV network. Ayon sa manager nito ay may naghihintay na fan niya. Normal na ginagawa niya iyon lalo na kung may mga sakit kagaya ng isang tagahanga niya na may sakit na leukemia. Nais niyang magbigay ng inspirasyon sa mga ito. Nagdodonate pa siya sa mga organisasyong may layunin na tulungan ang mga may karamdaman. Ayon sa manager niya ay ang tagahanga na daw mismo ang nagsadyang pumunta sa labas ng building makita lamang siya. Hindi na siya nag aksaya pa ng panahon. Ayaw niyang maghintay ito tutal wala naman silang masyadong ginagawa pa. Nirereview na lang ang ilang eksena na ipapalabas sa susunod na araw bago i-air.
Narating na niya ang lugar kung saan umano ito naghihintay. Sinipat ang paligid. Walang sino mang tao roon. Napansin niya ang isang babaeng nakatalikod. May pagkaperpekto ang katawan nito. Kahit nakatalikod ay pwede itong gawing modelo. Hanggang beywang ang itim at straight na buhok nito. Isang dipa na lang ang layo niya nang humarap ito.
"Katy?" hindi makapaniwalang sabi niya. Ngumiti ito nang nakalabas ang puti at pantay na mga ngipin.
"Surprise!" masiglang sabi nito.
"Are you the person that I supposed to meet here?" hindi pa rin makapaniwala na kaharap na niya ito.
"Yes. I'm back for good. I really missed you," nakalapit na ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Napayakap na rin siya dito.
"I missed you too," tuwang sabi niya. Hindi niya akalaing magkikita pa sila nito.
Matapos ang ilang minuto ay bumitiw na ito sa pagkakayakap sa kanya.
"Kailan ka pa dumating?" tanong niya.
"Last night. I didn't expect that you would look more handsome now," Sabi nito habang nakatingin sa mukha niya.
"You look gorgeous as ever," he said at marahang pinisil ang pisngi nito. Pilipina ang ina nito at Canadian naman ang ama. Natawa naman ito sa ginawa niya. Pinagsalikop nito ang mga palad nila.
"Let's go. You have to treat me. I want to taste all of my favorite Filipino food," hinila na siya nito.
"As you wish," nagpatianod na lang siya. Magkahawak ang kamay na tinungo nila ang parking lot kung saan nakaparada ang kanyang kotse.
——————————————————————
"Ano sa tingin mo? Masarap na ba?" tanong niya sa kaibigan matapos nitong tikman ang niluto niyang ginataang bilo-bilo. Nag pa-practice siya para sa sunod na pagbisita niyang muli sa Lola Caridad at mother in law na si Precila. Nakangiwi ang mukha nito. Tila iniisip pa kung ano ang sasabihin.
"Hindi masarap?" nalungkot niyang sabi. Pangalawang subok na niya iyon.
"Parang may kulang pa," komento nito.
"Ano pa bang kulang eh, sinunod ko naman lahat ng ingredients na sinabi sa video na napanood ko sa YouTube," nakasimangot niyang sabi.
"Eh kung ibahin mo na lang kaya? Mag bake ka na lang. Mas madali pa iyon," suhestyon nito. Naisip na rin niya iyon kaya lang magaling na mag bake ang ina ni Zac. Ang gusto niya sana ay iyong hindi madalas ihanda ng huli para naman mapahanga niya ang mga ito.
"Maghanap na lang uli tayo sa internet," aniya at sinimulang iligpit ang mga ginamit na utensils. Tinulungan naman siya ng kaibigan.
"Ano bang madalas ihanda ng mama ni fafa Zac?" tanong nito habang nakatutok sa harap ng laptop. Nakaupo sila sa may veranda malapit sa garden. Sandali siyang nag isip. Noong bumisita siya ay naghanda ito ng Cassava cake, puto at baked macaroni. Nabanggit din nito na marunong din itong gumawa ng iba't ibang flavor ng cake. Napag-alaman niyang Culinary arts ang tinapos nito. Ito rin ang gumagawa ng mga designs at flavor ng mga cake na ibinibenta sa mga sikat na coffee shop na kagaya ng Forever Cafe. Isa sa mga negosyo nito ang mag supply ng mga cake at mga ingredients sa pagbibeyk.
"Mabuti pa'y sa mga masasarap na putahe na lang tayo mag focus. Magaling sa pagbibeyk si Mama Precila eh," suhestyon niya. Nagsimula naman itong mag search sa internet.
"Pork Adobo na lang kaya?" suhestiyon niya.
"H'wag yun masyadong ma-mantika. Saka common na masyado, pwera na lang siguro kung ikaw ang maghahanda magiging paksiw na Adobo in one 'yun," pang aasar nito.
"Sira ka talaga!" kinurot niya ang tagiliran nito.
"Aray! Tumigil ka na," awat nito.
"Mas okay siguro kung seafood na lang ang pag aralan mong lutuin. Mas healthy pa iyon," sabi nito habang inaawat ang kamay niya. May punto ang kaibigan niya.
"Ang galing mo talaga, Lily. Beauty and brain ka talaga," puri niya dito. Tila naman lumaki ang ulo nito.
"Of course naman!" mataray na sabi nito at maarteng hinawi ang buhok. Natawa naman siya ginawa nito. Para itong babaeng bakla. Malakas ang sense of humor. Nagtataka nga siya kung bakit hindi pa rin ito nagkaka nobyo. Sa pagkakatanda niya ay isa lang ang naging nobyo nito. Si Hugo Anderson na naging ka-klase nila noong fourth year highschool. Nabalitaan na lang niyang naghiwalay na ang mga ito at umalis na patungong Canada ang binata. Hindi naman naikuwento ng kaibigan niya ang buong detalye ng paghihiwalay ng mga ito.
"Ito tingnan mo," turo nito sa isa sa mga nahanap nito sa internet. Bahagya nitong inilapit ang laptop para mas makita niya. Garlic butter shrimp pasta ang nakasulat doon at may picture pa. Mukhang masarap ang isang iyon kita naman sa picture nito.
"Wow! Palagay ko'y magugustuhan nila ang isang ito," natutuwa niyang sabi. Kinopya nila ang mga ingredients at procedure kung paano iyon lutuin.
------------------------------------------
Matapos makumpleto ang mga sangkap na gagamitin ay inumpisahan na nila ang pagluluto. Assistant niya ang kaibigan at ito rin ang magsasabi kung pasado na sa panlasa nito ang lulutuing putahe.
Tinunaw niya ang butter sa mainit na kawali. Inilagay ang hipon, isinabay ang asin at paminta. Si Lily ang nag aabot ng mga kakailanganin niya. Maya-maya lang ay natapos na silang magluto. Nilagyan niya ng parsley leaves para magandang tingnan. Nilagyan niya rin iyon ng ilang pirasong slice ng lemon. Sa hitsura pa lang ay nakakatakam na.
Nag serve siya para sa kaibigan at isa na rin sa kanya. Iyon na ang tanghalian nila. Inaabangan niya pa ang hitsura nito nang sumubo ito.
"Panalo 'to girl!" na pa thumbs up pa ito. Muli itong sumubo. Mukhang sarap na sarap sa niluto nila. Na engganyo naman siyang tikman ang niluto.
"Dahan-dahan lang," natatawa niyang sabi. Kung kumain kasi ang kaibigan ay akala mo isang linggong di nakakain.
"Ini-enjoy ko lang itong luto mo. Minsan ka lang maka-tyamba ng masarap na luto," pang aasar nito.
"Kanina ka pa. Kung hindi lang kita friend minaltrato na kita," ganting sabi niya.
"Ni hindi ka nga makapatay ng ipis dyan," asar pa nito. Ngek! Sabagay tama siya
Nagpatuloy sila sa pagkain. Siya naman ay lumilipad naman ang isip.
Magustuhan kaya niya ito?
Naisip niyang ipapatikim niya rin dito ang bagong recipe na natutunan niya.
The way to a man's heart is through his stomach sabi nga nila
Baka mapaamin na ito kapag natikman nito ang masarap niyang luto. Napangiti siya sa naisip.
"Malala kana, girl. Bakit ngumingiti ka ng mag-isa?" puna ni Lily na nakatingin sa kanya.
"Wala noh, may naisip lang ako,"
"hmm.. Siguro naisip mo 'yung hot mong mister. Magaling siguro siya ano?" seryosong tanong nito.
"Oo magaling siyang magluto at magaling na artista," sagot niya. Magaling din humalik gusto niya sanang idagdag
"Diba halos napanood mo na ang karamihan sa movie niya?" aniya bago muling sumubo.
"Sira. Hindi 'yan ang ibig kong sabihin," naipaikot nito ang mga mata.
"Kung nag' anuhan' na kayo. Alam mo na," sabi pa nito.
"Anong nag 'anuhan' ka d'yan?" naguguluhan pa rin niyang tanong.
"Iyong ginagawa ng mag asawa pagkatapos ng kasal. Alam mo na 'yun," may pagkapilya pa itong tumingin sa kanya.
Pinamulahan naman siya ng mukha nang maintindihan ang ibig nitong sabihin. Hindi pa naman kami nag 'anuhan' ni Zac! Bruha! Naalala niya ang araw na nag honeymoon kuno sila ngunit wala namang nangyari.
"Ang swerte mo bakla. Kainggit ka!" gigil na sabi nito na sinamahan pa ng mahinang kurot sa braso niya.
"Gutom ka pa ata. Ubusin mo na lahat 'yan," aniya bago tumayo at inilagay sa lababo ang pinagkainan.
"Sus! Excuses. Swerte naman kayo pareho. Ako kaya kailan su-swertehin sa pag ibig?" dinig niya pang sabi nito. Napapailing na lang siya.
"Kapag bumalik na' yung ex mo," pang aasar niya. Natigilan naman ito at napasimangot.
"Kung na'san man siya ngayon dun na lang siya," naipaikot pa nito ang mga mata.