bc

Ang Asawa kong Gangster

book_age18+
107
FOLLOW
1K
READ
dark
friends to lovers
pregnant
powerful
mafia
billionairess
tragedy
evil
faceslapping
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

Rose has her own strict rules to follow, she is a diligent woman who wants nothing but to succeed in life. She lives with her grandmother because she was left alone by both her parents during childhood, in order to survive she never disobeyed and stayed as the perfect and loving daughter for her grandmother. Rose thought that she will stay like that for the rest of her life, but the moment when he met Ezra, everything went into chaos.

The perfect girl got entangled with the place’s most cruel and enigmatic gang leader. Ezra who knew nothing to do but to use force to survive. He is the total opposite of Rose and wasn’t a fan of rules like her, yet still he finds himself looking forward to see her again.

They build a friendship despite their differences, a secret friendship that were forced to be hidden under the eyes of the public. And as time goes by, that secret grows into something more amorous. Something that is more intense and erotic. An out of control situation that both of them can not stop…

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : "The Trapped Bird" [Rose's POV]
Natapos ang misa at kasalukuyang abala na ang mga tao sa paglisan sa loob ng simbahan ng maisipan kong pumunta sa may altar upang makausap si lola. Isa kasi siya sa mga mananatili rito para sa magiging program mamaya ng kanilang grupo, tauhan sila ng simbahan kaya ngayon na nalalapit na ang kapaskuhan ay meroon silang maliit na aktibidad upang icelebrate ito. Ayoko naman’g makisali dahil paniguradong puro mga matatanda ang dadalo atsaka balak ko rin’g magreview mamaya para sa darating na exam sa susunod na linggo. Late na nga akong kukuha ng exam. Eh paano late na rin kasi akong naka pagbayad ng tuition, kapos na kapos na talaga kasi kami ni lola noong nakaraang buwan pa. “Umuwi ka kaagad sa bahay. Sa oras na malaman ko na umalis ka na naman ako mismo ang hihila sa’yo pabalik sa kwarto mo. Maliwanag ba ‘yon?” Palihim na kinurot ni lola ang aking braso kaya kahit na gusto kong tumanggi dahil balak kong bisitahin sila mama para sana manghingi ng tulong ay wala na akong nagawa. Kung susuway pa ako kay lola ngayon, siguradong mapapahiya lang ako sa mga taong nandito. Palihim kong sinulyapan ang paligid namin at nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala naman’g nakatingin sa amin ni lola dahil abala ang lahat sa kani-kanilang mga gawain. “Opo lola,” Magalang kong sagot sa matanda. Nakahinga ako ng maluwag na alisin na niya ang pagkakakurot sa aking balat, imbes ay lumayo siya ng isang hakbang upang suriin ang aking kabuuan. Hindi ko maiwasang laruin ang aking mga daliri habang hinihintay kung ano ang susunod niyang sasabihin. “Talagang gustong-gusto mong nababastos ka ano?” Galit na singhal ni lola sa akin. Nauna siyang pumunta rito sa simbahan kaya hindi na kataka-taka na ngayon pa lang niya hinuhusgahan ang pananamit ko. “Wa-Wala na po kasi akong maisuot kasi nasa labahan yun-“ Hindi na ako pinatapos ng matanda sa pagpapaliwanag. Dahil lumapit na sa kaniya ang isa sa mga kasamahan niya sa grupo, hindi ko masyadong narinig kung ano ang pinag-uusapan nila ngunit tingin ko ay meroon pa silang dapat asikasuhin. Nang umalis na ‘yong kasamahan ni lola ay muli niya akong hinarap, mas lalo kong na halata sa mukha niya ang pagkadisgusto kaya pilit kong ibinaba ang palda ng suot kong dress. Wala naman akong choice kung hindi isuot ito! Wala na akong matinong damit sa bahay dahil halos lahat lumiit na. Hindi naman kami makabili dahil kailangang unahin ang maintenance niya at mga importanteng gastusin sa bahay. “Mamaya talaga tayo mag-uusap Rose,” Napayuko ako. “O-Opo,” Isang beses pa akong pinasadahan ng tingin ni lola bago ito naiiling at tahimik na tumalikod. Kahit hindi niya sabihin ay nararamdaman kong inis na inis siya sa akin dahil sa naging suot ko ngayon. Ayaw na ayaw niya kasi akong pinagsusuot ng mga mahihikling damit, mas gugustuhin pa niyang balutin ako ng patong-patong na mga kumot kesa payagan na maging ganito ka-pormal. Napailing na lang ako. Hindi ko naman siya pwedeng kontrahin kahit na hindi ko gusto ang taste niya sa pananamit. Sasabihan lang niya akong bastos kung gagawin ko ‘yon kaya mas mabuting manahimik na lang. Dala ang pagkadismaya at lungkot dahil sa naging tagpo ko kay lola ay lumabas na ako ng simbahan, hindi ko nakalimutan na bumili ng paborito kong ice cream bago ako tumawag ng tricycle para makauwi. Malapit lang dito sa simbahan ang bahay namin. Wala kaming kapit bahay at napapaligiran ng napakaraming puno ang paligid niyon kaya hindi na kataka-taka na pinagkakamalan ng mga taong haunted house ‘yon. Paanong hindi eh ancestral house iyon ng pamilya nila papa. Tinayo pa ang bahay na ‘yon noong panahon ng hapon kaya sobrang tanda na. Speaking of papa, makakausap ko kaya siya bukas? Kailan ko ng pera para pambili ng gamot ni lola, naalala ko kanina na ubos na ‘yong gamot. Paghindi na naman siya nakainom paniguradong aatakihin na naman siya ng sakit niya. Mas lalo pa naman ‘yong sumusungit pag nagkakasakit. “Rose bakit hindi na lang kayo lumipat ng lola mo sa bahay ng papa mo? Diba sobrang laki no’n?” Tanong ng tricycle driver ng sa wakas ay makarating na kami sa harap ng luma namin’g bahay. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti bago ko inabot ang benteng buo. “Mas gusto po rito ni lola,” Simple at tipid kong sagot dahil ayoko ng pahabain pa ang usapan na ito. Kilalang-kilala nila si papa, pag may na sabi akong masama panigurado makakasira ‘yon sa imahe niya. Lalaban pa naman siyang mayor sa susunod na buwan, kailangan talaga na todo linis siya sa pangalan niya para iboto siya ng mga tao. Habang kumukuha ng panukli sa bag niya ay napatango-tango ang driver. “Delikado kung kayong dalawa lang ang titira diyan,” Tipid na lang akong ngumiti at hindi na nagkomento pa. “Mag-iingat kayo ng lola mo. Bali-Balita ngayon na tumitindi na naman yun’g giyera sa pagitan ng mga grupo rito,” Kilala ko ang mga grupo na ‘yon! Na-kwento na sa akin ni Rike na nanggugulo na naman daw kasi ‘yong mga myembro ng kalaban nilang grupo. Hindi naman daw sinasadya na pinatulan ng isa sa mga myembro nila kaya heto at nagsimula na naman ang away. Balita ko nga na palaging may sugatan at kung minsan ay meroon pang muntik ng mamatay. Naku. Pinagdadasal ko na lang na sana hindi mapahamak si Rike! Kahit naman na basag ulo ang lalaking ‘yon ay kababata at kaibigan ko pa rin siya. “Salamat po,” Malumanay kong ani sa tricycle driver ng ibigay niya sa akin ang sukli. Ngumiti naman ito pabalik bago muling pinaandar ang mutor atsaka lumiko na paalis. Nang maiwan na akong mag-isa ay napagdesisyonan kong pumasok na sa bahay. Payapa ang paligid at tanging ang matitinis na huni ang maririnig sa buong bakuran. Palihim akong napangiti kasi kahit papaano mukhang mapapaayos ang pagre-review ko ngayon. Ha! Wala si lola para utusan ako at wala rin’g manenermon sa akin paghindi ko nilinis ang kwarto ko ngayon, though hindi ko mabibisita si Rike at hindi ko mapupuntahan si papa, siguro ay mas okay na rin ito kesa sa mapagod lang ako kakalakad sa labas. Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ay sinalubong agad akong nakakabinging katahimikan. Mabigat ang hangin dito sa lob ng bahay kasi ang tagal na rin noong huling naging masaya rito. Simula kasi noong maghiwalay ang mga magulang ko at mamatay si lolo, wala ng naganap na kasiyahan sa lumang bahay na ‘to. Maliban sa munti at tahimik namin’g pagsasalo ni lola tuwing may okasyon, wala ng masayang pagtitipon na nangyayari rito. Isinara ko ang pinto at akmang magpapatuloy na ako sa paglalakad papunta sana sa kusina ng maramdaman ko ang pagpisil ng malamig na bagay sa aking leeg. Agad akong napatigil at gulat na napatingin sa bagay na naka dikit sa aking lalamunan. Kutsilyo?! “Sa oras na may gawin kang hindi ko magugustuhan sisiguraduhin kong babaon ang kutsilyong ‘to sa lalamunan mo,” Madiing wika ng malalim at baritonong boses na nanggagaling sa taong may hawak ng kutsilyong nakatutok sa leeg ko. Sunod-sunod akong napalunok habang pinakikiramdaman ang bagay na naka diin sa aking lalamunan. Paano siya nakapasok dito sa bahay namin?! “May kasama ka?” Tanong ulit ng lalaki na agad kong sinagot ng eksaheradang iling dahil nagsisimula na naman niyang idiin ang talim ng patalim sa aking leeg. Sobrang lakas ng pagtambol ng puso ko. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong sa mga kapit bahay, pero naalala ko na wala pala kaming kapit bahay. Kung papatayin man ako ng taong ito. Sino na ang mag-aalaga kay lola? Hindi Hindi pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral, ilang taon na akong huminto at halos gumapang na kami sa hirap para lang mairaos ang pag-aaral ko tapos mamatay lang ako ng ganito?! “Ku-Kuya kung magnanakaw ka pwede m-mo naman’g kunin lahat ng gamit dito basta hu-huwag mo lang ako papatayin,” Naiiyak kong pagmamakaawa sa lalaking nasa aking likoran. Rinig kong napasinghal ito bago inalis ang pagkakatutok ng kutsilyo sa aking leeg, akala ko ay magagawa ko ng makatakbo ngunit sadyang matalino siya dahil pinalupot niya ang malaki at may katigasan niyang braso sa paligid ng aking leeg. Sa laki niyon ay hindi na kataka-taka kaya niya akong sakalin sa pamamagitan nito. “Tsh. Ano’ng na nakawin ko sa bahay na ‘to?!” Masungit niyang bulong sa sarili na mas lalong nagpaiyak sa akin. Kung hindi pala siya magnanakaw ano’ng ginagawa niya rito?! “K-Kuya wala nga kaming kayamanan ni lola rito kaya nagtataka ako sa-saiyo kung bakit sa dinami-dami ng bahay dito, kami pa ang naisipan mong pasukin!” Humigpit ang pagkakasakal ng lalaki sa akin dahilan upang sunod-sunod akong mapaubo. Bakit ba kasi naisipan ko pang magsalita?! Sandaling natahimik si kuya. Parang may iniisip itong malalim, siguro ay nagdadalawang isip na siyang nakawan kami? Pero hindi naman daw niya kami nakakawan kaya ano’ng balak niyang gawin? Matapos ang ilang minutong katahimikan ay muli kong narinig ang may kalaliman niyang boses. Sa sobrang lalim nito ay pakiramdam ko nasa kailaliman ng lupa ang kausap ko kaya hindi ko maiwasang kilabutan. “Dalhin mo ako sa bakanteng kwarto niyo rito,” Natigilan ako at nanlalaki ang mga matang napatulala. Inaaya niya ako sa kwarto. Ibig sabihin na nito… “Dali na!” Napatalon ako sa aking kinatatayuan ng sigawan niya ako sa aking tenga. Ang lakas ng boses niya kaya ilang segundo rin akong parang nawala sa sarili bago tila isang manika na naglakad papunta sa nag-iisang kwarto na nandito sa unang palapag. Nakasunod si kuya sa akin at ngayon na alam ko na kung ano ang intensyon niya, nararamdaman ko na kung gaano kalapit ang mga katawan namin sa isa’t isa. Dumidikit ang nay kalakihan niyang pangangatawan sa likod ko at tuwing mangyayari ‘yon ay para akong tinatakasan ng hininga. Sa dami ng mga babae rito sa bayan namin, bakit ako pa? Hindi pa ba sapat na palagi akong nakadamit pang manang?! “Huwag mo’ng sabihin na may balak ka pang umiyak?!” Gigil at hindi makapaniwalang tanong sa akin ng lalaki ng magsimula na akong suminghot at isa-isa ng nagpapatakan ang mga naipon’g luha sa aking mga mata. Dapat pala sumama na lang ako sa Christmas party nun’g mga matatanda.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

His Obsession

read
72.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook